Mula dito sa aking kinauupuan ay nakita ko ang paparating na si lola. Galing ito sa kastilyo at tuwing alas singo y media ng hapon kung umuuwi ito dito sa aming maliit na tirahan.
Nagkunwari akong hindi ito napansin at patuloy pa rin ako sa pagkukusot ng mga labahin ko.
"Beverly! Anong pumasok sa utak mo para maglaba ng ganitong oras, bata ka? Dumidilim na pero nagkukusot ka pa diyan? At manhid ka ba at di mo ramdam ang kagat ng mga lamok sa balat mo?" Kastigo nito.
Inangat ko ang aking ulo. "Nasa mood akong maglaba, la."
Pinagdiskitahan nito ang mga sinampay ko kaninang tanghali. Winasiwas niya ang mga ito. "Ano to, Beverly? Paulit-ulit ka bang naglalaba? Ay aba, kakatupi ko lang ng mga 'to noong isang araw bakit mo nilabhan na naman?"
"Hindi ko gusto ang amoy, la."
Lumapit ito sa akin at binatukan ako. "Nagsasayang ka lang ng sabon na bata ka. Tama na yan at mahamog na. Hay naku, hindi kita maintindihan. Lumuluwag na naman siguro ang turnilyo sa utak mo." Tumalikod ito sa akin at dumiretso na sa loob ng bahay.
Ngumungusong sinundan ko lamang ito ng tingin. Hindi nito binanggit kung nakauwi na ba si Alejandro. Limang araw na ang nakakalipas pero wala pa rin akong balita sa kanya. Sinubukan kong tawagan ang number nito pero laging out of reach. Kahit ang Senyora ay hindi rin sumasagot sa tawag ko.
Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. Sinisisi kaya nila ako sa nangyari sa kanya? I swear, maayos ang pakiramdam niya at normal ang kanyang temperatura bago ako umalis sa kanyang silid noong Biyernes ng gabi. Hindi ko ito nakitaan ng senyales na inuubo.
Pero bakit di ko rin ma-contact si Alejandro? Nakalimutan ba nitong i-charge ang cellphone? Hindi ba niya dala ang kanyang charger? Wala bang saksakan sa ospital? Walang signal? Walang kuryente?
"Kung ayaw mong magreply sa mga text ko, edi wag!" Lahat ng inis at bwisit ko ay binuhos ko sa pagpiga ng T-shirt ko. Wala akong pakialam kung masira man ang tela, basta banas na banas ako! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako na nag-aalala. Nalulungkot ako na nababahala. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Ano ba ang tawag sa ganito?
"Beverly, hindi ka ba talaga titigil diyan! Pumasok ka na kako sa loob!" Tili ni lola sa may bintana.
"Babanlawan ko lang lola, papasok na rin ako mayamaya!"
"Nako babae ka, pag ikaw nagkasakit, magkasakit kang mag-isa mo!"
Lumabi ako. Sus, magkasakit? Kayang-kaya ko. Ilang beses na akong nagkasakit sa sentro at nakaya ko namang alagaan ang sarili ko. Tsaka, sinong magkakasakit sa paglalaba? Minsan talaga ang OA nitong si lola.
Nang maisampay ko na ang lahat ay nag-inat ako at humarap sa kastilyo. Mula kasi dito sa baryo ay kitang kita ang kastilyo dahil nakatayo ito sa tuktok ng malaking burol ng isla at nasa mababang parte ng kapatagan ang baryo namin.
Bumuntong-hininga ako. Kailan ka ba babalik Alejandro?
Mabibigat ang mga balikat na tumalikod ako at pumasok na sa loob ng bahay. Iniisip ko kung tutungo ba ako sa sentro bukas o aabsent muna ako? Kasi pakiramdam ko, hindi ako rin naman magagampanan ang trabaho ko dahil kahit anong gawin ko, si Alejandro ang laman ng isipan ko.
Nang maalala ko ang gitara ay nag-init ang sulok ng mga mata ko. Iniwan ko ito sa aking silid sa pad ni Alejandro. Nahihiya akong bitbitin ito pabalik dito sa aming bahay pero ngayon nagsisi ako kung bakit hindi ko iyon kinuha bago ko naisipang umuwi dito. Namimiss ko tuloy ang gitara. Namimiss kong tugtugan at kantahan si Alejandro. Namimiss ko ang nakabusangot niyang mukha kapag sinusura ko siya sa pamamagitan ng pagkanta ng mga nakakatawang awit ni Yoyoy Villame. Namimiss ko ang payapa niyang mukha kapag tumutugtog ako ng slow songs. Namimiss ko ang kanyang nakangiting mukha kapang kinakantahan ko siya ng acoustic songs. He would bob his head to the beat.
Tampal sa balikat ang nagpabalik sa diwa ko. "Ate, okay ka lang? Bakit naiiyak ka?" Puno ng pagtataka sa tanong ni Nadine, pinsan ko.
"Huh? Ah, wala. Naalala ko lang yung kakilala kong hindi man lang nagparamdam mula nang umalis. Nakakasama lang ng loob." Ngumiti ako sa dalagita. Matanda ako sa kanya ng tatlong taon.
Nagkibit lamang ito ng balikat. "Araw-araw ka nalang ganyan, ate. Wag mo na lang kasing isipin. Kung sino man yun, hindi ka iniisip nun."
Pinanlakihan ko ito ng mata. "Hinihingi ko ang opinyon mo?"
"Hahaha."
"Hahaha. Hakdog." Irap ko dito.
"Pikon. Nga pala ate, kanina pa nag va-vibrate ang cellphone mong nakacharge sa kwarto. May tumatawag ata."
"Hayaan mo na. Baka mga kaibigan ko yun sa sentro." Paniguradong sila yun at baka nag-aaya na naman magkita-kita bukas.
"Igagayak ko lang ang lamesa ate. Maligo ka na. Nagagalit na si lola."
Tumango lamang ako sa kanya at dumiretso na sa kwarto. Kukuha ako ng bihisan para makapaglinis muna ng katawan bago dumulog sa mesa. Nakapagdesisyon na akong papasok na lamang sa bar bukas ng gabi. Sayang din naman ang extrang income na kikitain ko sa dalawang gabing iyon. At baka sakali, makatulong sa akin ang maingay na paligid upang makalimutan pansamantala si Alejandro.
Umiilaw ang cellphone ko, hudyat na may nagtext. Umupo ako sa gilid ng higaan at inabot ang cellphone. Nanginig agad ang kamay ko nang mabatid na si Senyora pala ang nagtext at nakailang missed calls na pala ito sa akin.
I absentmindedly bit my nail habang binubuksan ko ang Message App ng phone ko.
Senyora: Please call me as soon as you read my message.
The air was caught behind my throat and my hand holding the phone trembled that I almost dropped it to the floor.
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Kabadong-kabado ako. Paano kung ang gustong sabihin pala nito sa akin ay tanggal na ako sa trabaho or worst, paano kung ang sasabihin nito ay hindi na babalik ng isla si Alejandro?
Bahala na. Hindi ko malalaman ang mga kasagutan sa aking isipan kung hindi ko aalamin kay Senyora. Kung matatanggal man ako sa trabaho, okay lang. Marami pa akong pwedeng pasukan sa sentro. Ang gusto ko lang talagang marinig ngayon ay sana....sana nasa mabuting kalagayan si Alejandro. Sapat na iyon sa akin.
Kagat-labing tinawagan ko ang Senyora. Habang naghihintay na may sasagot sa kabilang linya, sobrang lakas ng pintig ng puso ko na pakiwari ko ay maririnig na ata sa buong kabahayan.
"Bea?"
Suminghap ako. "Senyora, pasenya na po kung ngayon lang ako nakatawag. May ginagawa kasi ako sa labas." Hingi ko ng paumanhin dito sa nanginginig na labi.
"I understand. Gusto ko lang itanong kung tutungo ka ba sa sentro bukas?"
"Pinag-iisipan ko pa po eh. Pero baka po. Bakit po pala?"
"Ah. Alejandro will be going home tomorrow morning. I was thinking if you're available to take care of him—"
I scrambled to my feet. "Nako Senyora, available na available po ako bukas, sa sunod na araw at sa mga darating pang mga araw, Senyora. Maalala kong close nga pala ang bar for renovation kaya wala po akong gagawin."
I thought I heard her chuckle. "Okay. Please be there at his pad before eight. I'm sorry kung ngayon lang din ako nagka-oras para tawagan ka. It has been a rough week."
I could tell it was. Her melancholic voice was a give away. "Opo, Senyora. See you tomorrow po."
"Okay Bea. See you."
"Senyora?"
"Oh, yes?"
"Kumusta po si Sir Alejandro?"
Rinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. Ilang segundo ang nagdaaan bago ko narinig ang tikhim nito. "He's okay. Don't worry."
"Okay po. Salamat po."
She didn't reply anymore and cut the call. Nanghihinang napaupo ulit ako sa higaan. Lumala kaya ang kalagayan ni Alejandro? Bakit pakiwari ko, nalulungkot ang Senyora?
Umiling ako. Makakalabas na ng ospital si Alejandro. Nangangahulugan lang iyon na maayos na ang kalagayan nito dahil pinayagan na ng doctor na makalabas. Yes, that's it.
Hay naku. Bukas ka lang talaga sa akin Alejandro. You didn't answer my call and texts. I won't let it slide this time!
Alas singko palang ng umaga ay gising na ako. Ang totoo ay hindi ako makatulog ng maayos. Pabaling-baling lang ako sa aking higaan kaya pati tuloy si Nadine ay nabwisit sa akin.
I can't help it. Kung pwede ko lang hilahin ang mga oras ay ginawa ko na sana. Gusto ko na talagang makita si Alejandro. Alam kong abnormal na itong aking nararamdaman. I feel so attached to him na hindi naman dapat. Pero ewan ko ba, parang may kung anong bagay na humihila sa akin palapit sa kanya. Siguro nga ay nag-aalala lang ako sa kanya and I feel responsible for what happened to him. I'd probably missed something. Kasi naman itong si Alejandro ay hindi nagsasabi kung may nararamdaman sa katawan. Mahilig magtago ng nararamdaman. Mahilig magsarili. Uhm. Mali yata ang choice of words ko. Ah, whatever.
Nasa pad na ako ni Alejandro pagpatak palang ng alas siyete ng umaga. Hindi ko na nagawang mag-almusal. Iniisip ko na baka hindi pa nag-aalmusal ang lalake ay sasabayan ko na lamang ito.
I kept pacing back and forth. Kung bundok lang itong nilalakaran ko, napatag ko na siguro.
Napapitlag ako nang bumukas ang elevator. Umatras ako mula sa foyer at pumasok sa main living room.
Mula dito ay rinig ko ang tunog ng wheelchair ni Alejandro. Sumikdo ang puso ko. Pinaghalong galak at kaba.
Alejandro emerged from the foyer. Sa likod nito ay ang kanyang ina. Napakurap ako nang magtama ang mata namin. His lifeless eyes made my heart stopped from beating. Why does it hurt just by looking at his expressionless face?
"Good morning, Senyora, Ale—Sir Alejandro."
"Good morning Bea. Napaaga ng konti ang dating namin. I'm glad na andito ka na rin. I will leave Alejandro to you. Bababa lang ako to prepare his breakfast."
"Wala akong ganang kumain, Ma." He said. His deep, baritone voice sent shivers down my spine. This eerie feeling. This feels like the first time I met him. He seems strange and different.
"But, Alejandro. You didn't eat your dinner."
"I'm fine, Ma."
"Uh. Okay." The pain was visible on his mother's eyes. "Bea, you came early. Hindi ka pa rin ba nag-aalmusal?"
Kumurap ako. "Opo, pero okay lang. Hindi naman po ako gutom." Tumawa ako ng hilaw.
"You can go down to the kitchen first then and have your breakfast." Ani ni Senyora.
Sasagot sana ako but Alejandro spoke first. "I'll have breakfast with her, Ma. Ask someone to bring us food."
His Mom was a bit surprised pero bakas ang galak sa mukha. "Yes, son." Senyora glanced at me. "Please look after him. Kung may oras ka pala mamaya, please go to the library. May pag-uusapan tayo, Bea."
Tumango ako. "Okay po."
Hinaplos nang bahagya ng Senyora ang buhok ng anak at tinapunan muna niya ito ng tingin bago tumalikod at pumasok sa nakabukas na elevator.
Nang mawala ito sa aking paningin ay saka ako humugot ng hininga. Alejandro's eyes never leave me. Medyo naaasiwa tuloy ako dahil tingin ko'y napansin ng Senyora iyon.
"Hi." Ani ko.
"Hello."
I pouted. It's so unfair. How he could melt my heart with just a simple 'hello' is something I can never understand. Can I run to his arms? Can I hug him? Can I kiss him?
"Come here." He said breathlessly at walang pag-alinlangang tinakbo ko ang distanya sa pagitan naming dalawa. I sat on his lap sideways and buried my face on the base of his neck. Ang mga kamay ko ay nakapaikot sa kanyang leeg.
Alejandro heaved a deep sigh. His two arms wrapped my waist possessively. I felt him kissed my temple.
Pareho naming pinakiramdaman ang isa't isa. Why does it feel like this is the safest place on earth? Why does being held by him makes me feel so secure?
After a a long silence, I glanced up to him at yumuko din ito. Our noses touching each other. He closed his eyes, creases formed on his forehead.
Wala sa loob na inangat ko ang aking palad at dinama ang kanyang pisngi. He moaned lightly as he repeatedly kissed my palm.
"How are you?" I asked, trying to hide the shivers all over my body as his lips remained on palm. I swear, I could feel his tongue licking my skin. But I am not complaining, heck, not ever.
"I'm fine now that I have wrapped you in my arms. Damn baby, you have no idea how you make me feel fine just by breathing next to me."
His penertrating eyes locked mine. Ngumuso ako. "Bakit tila galit ka sa akin kanina pagdating nyo ng Mama mo?"
"I was mad, alright. I didn't expect you to be here. Alam kong may trabaho ka during weekends. Ayokong maging dahilan ng pag-absent mo. Ayokong makaabala sa'yo."
Umiling ako. "Hindi ka abala sa akin, Alejandro. Pinag-alala mo ako. Why you didn't answer my calls? Nasira ba ang phone mo?"
Alejandro's hand rubbed my arm so tenderly. Banayad na umiling ito. "My mother didn't give my phone. Doctor's order, according to her."
"Kaya naman pala. Hay naku. Kahit man lang sana magsend ka ng 'dot' mawawala na pag-aalala ko eh. Kaso wala talaga. You scared me. Sabagay, kasalanan ko rin naman bakit ka nagkasakit."
Umiling ulit ito. "Wala kang kasalanan. My immune system is weak, Bea. Madali lang akong magkasakit. Hindi na nakakapagtaka iyon."
"Then, palakasin natin immune system mo!" I said in a high-pitched voice.
He c****d his eyebrow at me, eyeing me suspiciously. "Paano?"
"Kumain ng masustansiyang pagkain!"
"Ano pa?" May naglalarong ngiti sa labi nito.
"Mag-ehersisyo araw-araw! Pero sa case mo, kahit kamay lang at ulo ang igalaw mo, exercise na rin yun."
"Ano pa?"
"Get enough sleep!"
"What else?"
Napa-isip ako. "Uhm. Drink lots of water at least eight glasses a day?"
He poked my forehead. "You want me to pee more often, then?"
"Oh. Oo nga noh. Ano pa ba...." Nag-isip ulit ako.
"Be with me all the time."
"Yun! Be with you all the---huh?"
He chuckled. "Be with me all the time. Nakakahawa kasi ang pagiging hyper mo."
I stifled a laugh. "Be with you all the time, then." I inhaled his scent.
"Ale..."
"Hmmm?"
"Amoy ospital ka."
Tumawa ako nang pinanliitan niya ako ng mga mata. I was just bluffing though. The truth is he smelled expensive. Gustong-gusto ko ang kanyang amoy.
Alejandro's face came near me again and I thought he would kiss me. But instead, his lips landed on my forehead. "The food will be arriving anytime soon. You don't want them catch us in this compromising position, no?"
Mabilis akong umalis sa kanyang kandungan. Hustong bumukas ang pintuan ng elevator. Alejandro and I just looked each other, suppressing the grin to form on our lips.
***********
"Please have a seat, Bea."
Kasalukuyan akong nasa library ng Senyora. It was already nighttime, and Alejandro was having a shower as of the moment. I finally able to come down since Alejandro was a bit clingy the entire day. He took a nap this afternoon after he took a new set of medicine.
"Thank you, Senyora." I replied.
"Alejandro will have a therapy schedule from now on. It will happen every Friday to Sunday. He needs it para mabawasan ang pag-atake ng nerve pain niya. Physiotherapy can help with his muscle spasms using different treatments. It will help decrease the tension in the muscle. We will fly him to Manila from Friday morning and will come back Sunday evening."
I nodded. "Naiintindihan ko po."
Senyora sighed. "Alejandro threw a fit. He refused this kind of set-up. But as his mother, kailangan ay ang gusto ko pa rin ang masunod. Kailangang-kailangan niya ito, Bea." She paused then looked at me intently. "Bea, you and Alejandro seem close to each other."
I swallowed and smiled at her hesitantly. "Hindi naman po sa ganun. Madalas po ay suplado siya sa akin."
Ginagap nito ang palad ko, sa gulat ko. "Please convince him. Ayokong pagdating ng Friday ay pagtatalunan na naman namin ito. We planned to send him to USA because the country has the best facilities for patients like him. Ang problema lang talaga ay ayaw ni Alejandro. He hates the idea of being treated. Kung sakaling makumbinsi mo ang aking anak, tatanawin ko itong malaking utang na loob sa'yo, Bea."
Tumango ako na may determinasyon. If therapy is what he needed to get healed, then he must do it. "I will do my best po, Senyora."
"And also, his birthday will be next month. Three weeks from now to be exact. I want to throw a party for him. Please convince him as well." Nakiki-usap ang mga mata nito sa akin.
I smiled a little at gamit ang isa ko pang palad, I placed it above our hands. "Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para mapapayag si Sir Alejandro, Senyora."
"Salamat, Bea." She smiled.
Hindi na nagtagal ang aming pag-uusap. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay kung ano ang sasabihin nito. May ipapaki-usap lang pala. Sana lang ay mapapayag ko si Ale. That man. Sobrang tigas talaga ng ulo. Sigurado akong pagtatalunan namin ito once I opened the topic to him.
Pagdating ko sa pad niya, dumiresto agad ako sa kwarto niya. He's nowhere to be found so baka hindi pa ito tapos sa paglilinis ng sarili. I went to my room at naligo na rin. Mabilis ang kilos ko dahil paniguradong tapos na rin si Alejandro.
Pagbalik ko sa kwarto nito, nasumpungan ko itong nakahiga na sa kama. He was reading a book. Nag-angat ito ng tingin sa akin at pinasadahan ang kabuuan ko.
I checked myself. Naka loose T-shirt ako at cotton shorts. My typical sleepwear. At higit sa lahat, I wear my damn bra. Baka pagtripan na naman kasi ako nito.
"Have you talked to my Mom?"
Naglakad ako palapit sa kanyang side table. "Yes. Saglit lang naman. Pagbalik ko hindi ka pa tapos so naligo na lang ako. Time for your meds, Ale." I gave him the pills na prenipara ko sa kanya kanina bago ako bumaba para magtungo sa library.
He took them without hesitation. He drank the water from the glass I gave him. Nang mailapag ko ang baso sa table, I sat on the side of the bed. Sunod kong ginawa ay i-echeck ang kanyang body temperature using the digital ear thermometer.
"How are you feeling?" Tanong ko nang maibalik ang thermometer sa lagayan. Normal naman ang temperature nito.
"Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo na akong tinanong niyan, Bea. At paulit-ulit akong sasagot sa'yo ng 'I'm fine'." Umirap ito sa akin.
"I have trust issues with your 'I'm fine', Alejandro. How can I leave you all alone here tonight?"
Alejandro curved a smirk. "Then, sleep here."
"Oh! Great idea! Wait lang! Babalik ako kaagad."
Kunot ang noong nakasunod lamang si Alejandro. Kumaripas naman ako ng takbo at tumungo sa aking silid. I got my pillows and blankets. They're quite heavy kaya nahirapan akong bitbitin ang mga ito nang sabay-sabay.
"I'm back." Bungad ko. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha ng lalake dahil natatakpan ng malalaki kong unan. Binitawan ko ang lahat ng iyon sa sahig.
Nilatag ko ang isang blanket malapit sa kama ni Alejandro. Pagkatapos ay ang mga unan. "I'm all set!" Ani ko.
"What the hell are you doing?" Shock was written on his face.
"Inaayos ko ang aking higaan. I will sleep here, di ba. This set-up is perfect!" Pumalakpak ako.
Alejandro snorted. "If you're going to sleep on the floor, please go back to your room." His eyes squinted into slits.
"Huh? It was you who suggested that I can sleep here."
"Yes. When I said, sleep here. I mean sleep HERE." Tinapik nito ang katabing espasyo.
Pinilig ko ang aking ulo. Magtatabi kami?
"Malikot akong matulog, Ale. Baka madistorbo ko ang tulog mo."
Umiling ito. "It's either you sleep beside me or you sleep in your room." He said with conviction.
Ngumungusong tinupi ko na lamang ulit ang blankets. Akma akong lalabas ulit ng silid nito para sana ibalik sa silid ko nang magsalita ito. "Leave them on the couch."
I rolled my eyes. "Fine." Binaba ko ang mga iyon sa couch at humarap sa kanya, my hands are on my waist. "Pag ikaw hindi nakatulog ng maayos dahil sa akin, lilipat talaga ako sa sahig." Banta ko sa kanya.
Umismid lamang ito at tinapik ang espasyo. "Lie down beside me, Bea."
Hmmp. As if I have a choice. Come to think of it, I actually have a choice pero bakit para akong robot na sumusunod sa kanya?
I lay down beside him, but I made sure na mayroong at least twelve inches na space sa aming dalawa.
"Come closer, please." He spoke again.
Aisssht. Gaano ka-close, Ser?
I moved an inch closer.
"Bea, I swear to God, if only it's easy for me to move, you will find me hovering above you. Closer, Bea." Hinila ako nito gamit ang kanyang braso. Napasubsob ako sa kanyang dibdib. Ang ulo ko ay nakaunan sa kanyang balikat.
"Di uso space sa atin, Ser?"
"It doesn't matter." He sighed contentedly and I could feel his chin above my head. His other arm hugged my waist and pulled me closer to his body. Di nga talaga uso space sa kanya.
"I like touching you." He uttered. Pinagsalikop niya ang aming mga palad.
Pumikit ako na may ngiti sa aking labi. "I like being touched by you."
Alam kong mali itong ginagawa namin. Alam kong mali itong nadarama ko sa kanya. Pero mali man sa paningin ng iba, but for me.... this kind of feeling.... it’s pure bliss.