“Ale…” I called his name. But the man didn’t even look at me. He’s ignoring me!
“About kanina….” Kumagat labi ako. Gusto kong itanong kung bakit…err…nanigas siya. I mean, nalilito ako. I thought he was injured and couldn’t feel anything from his hips down. But why on earth did his thing stiffined when I touched it?
Gusto kong malaman kung senyales ba ito na gumagaling na siya? That’s he’s starting to feel again. Na baka may chance nang makalakad ito at magbalik siya sa normal?
“We can talk about it after dinner, Bea. I would appreciate it if you could keep this from them.” Ani nito without throwing me a glance.
Ngumuso ako. “Do you expect me to tell them that your…your…thing stirred in my hand? How am I supposed to tell it to them? Senyora, Senyor, alam nyo bang nanigas siya sa kamay ko? Ano po kaya ibig sabihin nun?” Namewang ako sa kanyang harapan.
He gave me a scowl. “I was just asking you to keep quiet since I know how chatty and talkative you are. I didn’t mean to offend you.”
Kumilos ako at bumalik sa kanyang harapan. I kneeled on the floor para naman hindi niya ako kailangang tingalain. “So ano ang ibig sabihin nun, Ale? Are you, by any chance, recuperating?” Namilog ang mata ko habang nag-aabang ng kanyang sagot.
Alejandro narrowed his eyes at may panunuri sa kanyang mga mata. “You don’t just kneel in front of me like that, Bea. You are giving me ideas I don’t want to entertain.” He answered in a husky voice.
Nag-loading ako dun. Ano daw? “What ideas, Ser? Please enlighten me.” I asked nonchalantly at tumayo sa pagkakaluhod.
He hissed at umiwas ng tingin sa akin. “You better start preparing yourself para sa hapunan. My mother is very strict when it comes to time.”
“Kung bakit naman kasi kailangan mo pa akong sumalo sa hapunan nyo, Alejandro? Ano ba kasing pumasok sa utak mo at dinamay mo pa ako.” Bumusangot ang mukha ko.
Pinagulong na nito ang wheelchair at nagpapadyak akong nakasunod lamang sa kanya. Tignan mo lang ‘tong taong ‘to. Umiiwas na naman!
“Gusto mo ba akong sumabay sa hapunan ng pamilya?” He asked while c*****g his eyebrow at me.
Humalukipkip ako na naupo sa kanyang kama, paharap sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ako tinatanong niya? Unti-unti na namang nabuhay ang iritasyon ko sa lalakeng ‘to. “When did the last time you had dinner with them?”
Nagkibit-balikat ito. “The night before I flew to US.”
“And that was?”
“More than a year ago.”
I sighed deeply. “You should join them as often as you can, Ale. I can tell that the whole family is missing you. Isang taon na palang mahigit. Don’t you miss them?”
“Kaya nga sinabi kong sasabay ako ngayon sa hapunan, di ba?”
“Oo. Pero bakit kasama ako? Ang awkward lang kaya. Iniisip ko pa lang ang ideyang nakaupo sa mahabang mesa nyo sa dining hall, kinikilabutan na ako sa kaba. Pakiwari ko alien ako.”
“Alien ka naman talaga.” He chuckled.
“Joke yun? Tatawa na ba ako?” Pasuplada kong sagot sa kanya.
Sumeryoso ang mukha nito at inilapit ang wheelchair sa akin. He reached for my hand, squeezing it a little.
“You want to know the truth?”
I nodded, looking at him intently.
“I feel safe when I’m with you, Bea.”
My heart skipped a beat. “Hindi naman siguro ako pulis para maging safe ka tuwing kasama ako, noh?” Sarkastiko kong sagot. “At isa pa, paano mo naisip na hindi ka safe? Eh, hello! Pamilya mo kaya yung kasama mo.”
“I know pero hindi ako komportable.”
“Hindi ka komportable o hindi ka lang talaga sanay na kasama mo sila sa kalagayan mong yan, Ale? Kung sana noon mo pa sila pinapasok sa mundo mo, hindi ka sana makakaramdam ng ganyan. Pamilya mo sila, bakit ka nahihiya? Sila ang pinakaunang taong pro-protekta sa’yo. Sila ang pinakaunang taong maaasahan mo. Sila ang sandalan mo. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ka komportable sa kanila.”
Hindi ito umimik at ibinaling ko ang aking atensiyon sa ibang direksiyon. Here I am again. Hindi ko na naman mapigilan ang bibig ko. Nagka-clash na naman ang mga opinyon namin. Nakikinita ko na. Hindi na naman kami magkikibuan nito ng ilang oras o araw.
Napapitlag ako nang hinawi ni Alejandro ang takas kong buhok at inipit sa aking tainga. My eyes went back to his and I was caught by his dark, penetrating gaze.
“The first time I saw you, I know you’ll be a pain in the ass. You are a force that I can’t shake. There is something about you that I adore. There is something about you that makes me smile. There is something about you that makes me weak. There is something about you that I need.”
Lumandas ang daliri nito sa aking labi. Nanginig ako sa lakas ng intensidad na pinupukaw niya sa pagkatao ko. Napapikit ako. “The kiss we shared, and these sweet of your lips are going to give me sleepless nights, baby.”
Napasinghap ako. “Alejandro…”
“I hope you understand why I need you to be there.”
Natutunaw ang puso ko sa paraan ng tingin na pinupukol niya sa akin. Nagdidiwang ang puso ko sa atensyong binibigay niya sa akin. Nangabuhay ang mga paru-paro sa aking tiyan sa mga salitang namutawi sa kanyang bibig. Pero, alam ko, sa kaloob-looban ng puso at isip ko, hindi ito tama. Kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, mali ito. Ayokong umasa lalo na’t wala namang katiyakan sa aming dalawa.
Umiling ako sa kanya. “I know I’m your carer. But you cannot depend on me all the time, Ale. I am sincerely happy that I make you feel that way. Pero alam din nating pareho na mali ito. I was glad na pinapasok mo ako sa mundo mo at tinanggap mo bilang carer. But it doesn’t mean na mananatili ako sa tabi mo, Ale. Remember, two months lang ang serbisyo ko sa’yo. One month down, another month to go at pagkatapos…” Pumiyok ang boses ko. “Aalis na ako sa isla at babalik na ako sa sentro.” Nanginig ang labi ko.
May gumuhit na kirot sa puso ko. Alejandro’s dead eyes staring at me hurt me even more. Gusto ko, bago ako umalis sa lugar na ito, bago matapos ang panunungkulan ko sa kanya, mapalaya ni Alejandro ang sarili sa insekyuridad na nadarama nito. Matutunan niya sanang tanggapin ang suporta ng pamilyang lubos na nagmamahal sa kanya. Sana matutunan niyang patawarin ang sarili dahil sa sinapit na trahedya. At sana matutunan niyang mahalin pa ang kanyang sarili, bumalik man o hindi ang kanyang buhay na nakagawian. Kung ang lahat ng ito ay mangyayari bago matapos ang natitira kong mga araw dito, sobrang ipagpapasalamat ko ito sa Maykapal. Kahit masakit sa puso ang lumayo sa kanya, alam ko, magiging rason ko ang mga iyon para sumaya.
Alejandro pulled his hand from my face and he hung his head low. “I know.” Pinagulong na nito ang kanyang wheelchair patungo sa kanyang closet room. Before he opens the door, he c****d his head sideway upang magsalita ulit.
“Wag kang mag-isip ng kung ano-ano, Bea. I just really need your company. Yun lang. Hindi na lalagpas pa doon ang gusto kong mangyari sa ating dalawa. Someone like you doesn’t deserve a crippled man like me. You deserve someone else who is a lot better than me. Someone who can do things that I cannot. Someone you can depend on and obviously, I am not dependable. At tama ka, I’m depending on you at marahil nga ay dapat ko nang sanayin ang sarili na wala ka sa tabi ko.” He took a sharp breath. “By the way, wear your best dress for tonight’s dinner. It will be a formal one, as it always is.”
Kagat-labing tumango ako kahit hindi na nito hinintay pa ang aking kasagutan. Nang mawala ito sa paningin ko ay saka pa lamang ako lumabas sa kanyang silid.
Mabigat ang kalooban ko habang inisa-isa ang mga damit na meron ako. Nanghihinang napaupo ako sa aking kama. Batid kong may nararamdaman ako kay Alejandro na hindi ko pa naramdaman sa kahit sinong lalake. He makes me feel happy. He makes me feel excited. He makes me smile. He makes my heart flutters. He makes me feel worried about him, all the time.
I didn’t see this one coming. Tandang tanda ko pa nung unang araw ko dito. Halos isumpa ko siya dahil sa pagiging masungit at pagiging magaspang sa akin.
Ang matutunang ibigin ang isang Alejandro Salvatore ang hindi ko kailanman inaasahan sa tanang buhay ko. At natatakot akong pag nalaman nito ang totoo kong damdamin ay baka lumayo ang loob nito sa akin. Baka itaboy niya ako katulad ng pagtaboy niya sa mga taong nagmamahal sa kanya.
Pero mali ba ang mahalin siya? Hindi naman ako bulag. Alam kong he’s not capable of doing things on his own. Pero bakit nahuhulog pa rin ang puso ko sa kanya? Bakit mas malakas ang kagustuhan kong pagsilbihan ang isang katulad niya? Bakit mas mahalaga sa akin ang makasama siya? Kung ipapaalam ko sa kanya ang damdamin ko, may tiyansa bang tutugunan niya iyon?
Pero nilinaw niya sa akin kanina na hindi na kami lalagpas pa doon. But what about the kisses we just shared? Why does he always lead me on? Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang totoong intensiyon niya sa akin.
Ayokong isipin na ginagamit niya lang ako. Ayokong isipin na ginagawa niya lang akong kasangkapan para sa ikakasiya niya. Ayokong isipin na pinaglalaruan niya lang ako dahil ako lang ang nag-iisang taong kasa-sama niya. Kung gayunman, sobrang madudurog ang puso ko. Dahil natutunan ko nang mahalin ito sa kabila ng lahat. Dahil ang bawat araw na kasama ko siya ay sobrang mahalaga sa akin.
***********
When I emerged to the living room, Alejando was already there, waiting for me. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik.
“Do I look okay? Ito lang kasi ang nag-iisang dress na dala ko.” Ani ko at agad pinamulahan ng mukha when Alejandro licked his lower lip while his blazing stares remained on me.
“You wear make-up, I see.” He uttered.
“Light lang naman. Para hindi nila mahahalata ang pamumutla ko.” Pinasadahan ko rin ng tingin si Alejandro. He’s wearing a white polo long sleeves at black pants. Nakatali ang kanyang lagpas-balikat na buhok.
“You look good.” Nahihiyang sambit ko. Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay sa aking likod.
“I like your hair. You should braid your hair like that more often.” Salita ulit nito. “I hate the idea that you made yourself prettier that you already are because you’re about to meet my brother.”
“Stop acting like a jealous boyfriend.” Depensa ko pero agad na pinagsisihan ang mga salitang pinili ko.
Alejandro gave me a lopsided smile. “I am not acting like your boyfriend, but yes I am jealous.” He answered without flickering his eyes on me.
I looked away. “Shall we go down now?”
“Please help me wear my shoes.” He pointed the shoes on his side using his chin.
“Okay.” Kinuha ko ang black leather shoes nito at pagkatapos ay tumayo sa kanyang harapan. “Uhm, you told me that I shouldn’t kneel in front of you, but I have to since I need to reach your feet.”
“Go ahead.” Alejandro straightened his back.
Lumabi ako na lumuhod sa kanyang harapan. Bahagya kong inangat ang isa niyang paa at maingat na pinaloob sa sapatos. Ganun din ang ginawa ko sa kabila. Nang maibalik ko ang kanyang paa sa footrest, tiningala ko ulit ito.
At tumigil na naman ang mundo ko sa mga mata niyang tila nagbabaga. Nakakapaso dahil sa paglagablab ng mga iyon. My breathing became heavy.
“Ale….”
Naglahad ito ng palad. Oh no. Tumatanggi ang isipan ko pero ang puso at katawan ko’y sumusuway. Inabot ko ang kanyang palad at banayad niya akong pina-upo sa kanyang kandungan. My arms went to his neck and Alejandro pressed his forehead against mine.
His eyes were closed but his brows were furrowed. Pansin ko ang paghihirap sa kanyang mukha. “I hate you.” He muttered.
“Why?”
“Because I find it difficult to stay away from you. I don’t know why but there is something about you that pulls me closer. What am I going to do to you, Bea?” He whispered in a strain voice.
I reached his forehead and touched the place between his eyes. nawala ang kunot sa kanyang noo at tinitigan niya ako. “Hindi ko rin alam, Alejandro. Tinatanong ko rin yan sa sarili ko.”
I gasped when his finger touches the valley of breast. “Your cleavage is showing, baby. I hate the idea that someone else will get the chance to see the beauty that are meant for my eyes only.” Patuloy sa paglandas ang kanyang daliri sa aking balat.
Impit na umungol ako. I am starting to get dizzy with the sensations he’s giving me. When Alejandro dipped down and brushed his lips lightly on my collarbone, I am starting to lose it.
“Oh god….Ale…”
At ganun na lang ang singhap ko when I feel him hard on my butt.
“Bea…just the mere mention of your name arouses me. And I can’t even remember when the last time I was aroused. How…why…fuck Bea, what did you do to me.” He said as he started raining kisses on my jaw. Napapikit ako at napatingala. Nag-iinit ang katawan ko. Alejandro lits a flame inside me.
“Ale…we will be late…” Kagat-labing sambit ko.
“Shit.” He cursed at lumayo sa akin. “I avoided your lips because I don’t want to smudge your lipstick.” He smirked. “We better get going. We might be late.”
“Kasasabi ko lang, di ba.”
He chuckled. “At makikinig ako sa’yo dahil masunurin ako.”
Tumayo ako at inayos ang aking dress. Medyo may kababaan nga ang neckline pero conservative pa rin naman ang cut ng dress. Lagpas tuhod din ito at flat sandals lang ang pinares ko dahil wala akong ibang sandals na dala.
“You look wonderful tonight.”
I grinned. “Did you just quote a line from the song?”
Seryoso pa rin itong nakatitig sa akin. “But you really are, Bea.”
“Thank you.”
“Don’t faint in front of my brother, I understand?” he squinted his eyes on me and I did the same to him.
“Excuse me? Why would I? Si Romano lang naman yun.” I flipped my hair and I received a chuckle from him.
Pumwesto na ako sa kanyang likod at sabay kaming pumasok sa lift. Nalilito ako sa relasyon na meron kami ngayon ni Alejandro. Pero napagdesisyunan kong habang magkasama pa kami, habang may panahon pa kaming dalawa, ipaparamdam ko sa kanya kung ano ang nilalaman ng aking puso.
When this month ends and Alejandro will ask me to stay, I might stay. But if he chooses to let go of me, then, I will.
**********
To say that I was startrucked, was an understatement. I was completely blown away by the fact that Romano, the great Romano, the most famous balladeer, the celebrity of all celebrities, is in fact, in front of me, smiling while shaking my hands. I held his hand tighter though.
“I’m your fan!” Pumiyok pa ang boses ko, grinning at him like a lunatic fan that I am. Gosh, nakatunghay ito sa akin at ako naman ay nakatingala. Napakatangkad naman ng lalakeng ito. And my god, kung gwapo siya sa sa TV screen, triple ang kagwapuhan niya sa personal.
He chuckled. “I can see that. Thank you. So, you’re my brother’s carer, eh?” Sinulyapan nito si Alejandro na ang mga mata ay nanliliit habang nakatitig sa mga kamay naming magkadikit.
Nahihiyang bumitaw ako doon at sinagot ang kanyang tanong. “Yes.”
Lumapit si Romano kay Alejandro at pinisil ng bahagya ang balikat nito. “It’s good to see you, big brother.”
Alejandro scowled at him. “You need to tone down a little bit, Romano. Halos araw-araw ata ay laman ka ng Entertainment News.”
Romano chuckled without humor. “Don’t worry, I’ll make sure it won’t affect our empire na halos buong buhay nyong binuno nila Lolo at Papa.”
“Romano.” Their Mom interjected, na kakababa lang mula sa grand staircase. Ang kamay nito ay naka-angkla sa braso ni Senyor na hindi kakitaan ng kahit anong emosyon.
“Kung ganyang nag-aalala ka, then what are you waiting for? Get your ass back to the company! What’s stopping you? So, what if you’re like that? Lumpo ka lang but your brilliant mind still f*****g works, Romano.”
“That’s enough.” Ang Senyor.
Nagtaas ng kamay sa ere ang bunsong anak. Alejandro shook his head at napayuko na lamang. At ako naman ay parang nanliliit sa aking kinatatayuan.
“Can we have a peaceful dinner, gentlemen? Ilang buwan kong pinangarap na makompleto tayo sa hapunan pero heto kayo at nagbabangayan.” Senyora cluthed her chest and Romano came to her in a second.
He kissed his mother’s forehead. “I’m sorry for that, Ma.”
Tumango ang Senyora at nang magtama ang mata namin ay ngumiti ito sa akin. “I’m glad you can join us, hija.”
“The pleasure is mine, Senyora. Thank you.”
“Let’s go to the dining hall. Masamang pinaghihintay ang pagkain.” Ani ng Senyor at nauna nang maglakad paalis sa malawak na living room.
Senyora wanted to come to Alejandro but she put a halt when Alejandro reached for my hand. Natigil ang tingin ng Senyora sa mga kamay namin. Nahihiyang tumayo ako sa likuran ni Alejandor at tinulak ang wheelchair nito.
Nang makarating kami sa dining area, nakaupo na sa kabisera ang Senyor. Sa kanan nito ay may bakanteng space na alam kong para sa wheelchair ni Alejandro. Ipinuwesto ko siya doon. Senyora pulled a chair beside him.
“Bea will sit beside me, Ma.”
“Uh. Of course, anak.” Magiliw na ngumiti ang ina nito at ako naman ay pinamaluhan ng mukha. Nang maupo ako, Alejandro looked at me and I glared at him discreetly. Ngumisi lamang ito.
Sa kaliwa ng Senyor naupo ang Senyora. Romano sat beside her, at katapat nang sa akin.
Romano winked at me. Yumuko ako at napakagat sa aking ibabang labi.
“Tss.” Alejandro clicked his tongue.
Minabuti kong hindi pansinin ang inasta nito. Ang totoo’y namomroblema ako sa dami ng cutlery sa aking harapan. Para saan ba ang mga ito? Kutsara, tinidor at butter knife lang ata ang kaya kong pangalanan.
“Let’s eat.” Pumalakpak ang Senyora.
Three maids in their uniform appeared from somewhere. Dalawa pang maids ang sumunod tulak-tulak ang trolley na may maliliit na platong may lamang pagkain.
Isa-isa nilang nilapag sa harap namin ang mga iyon.
“Aperitif.”
“Huh?” Baling ko kay Elejandro.
“The first course out of seven courses for French cuisine. Try it.”
“Oh okay.” I waited for him to pick up a specific utensil, but Alejandro smiled at me knowingly.
“Aperitif is basically a finger food, baby.”
Romano who was in the middle of drinking his juice, choked. “Baby, eh.”
Their parents looked at me with brows furrowed while Romano just smirked at his brother. Ako naman ay tila sinilaban na sa aking upuan. Alejandro just put me in the hot seat! “Hahaha. Nagbibiro lang si Alejandro. I mean, si Sir Alejandro.”
“Alejandro is not the type who would joke around, Bea. He always means business.” He raised an eyebrow at me.
“Hahaha. Trust me, nagjo-joke lang siya. Pagpasensyahan nyo po, Senyora, Senyor.” Damnit! I can’t look at them in the eyes!
“The biscuits will become soft if you don’t eat them immediately, baby.”
My jaw clenched at sinipa ang kanyang paa sa ilalim ng mesa. Gusto ko nang lumubog sa aking kinauupuan lalo na’t kakaiba ang tinging binibigay ng Senyora sa akin.
We are digging the main course when Romano decided to break the tension in the atmosphere.
“So how was the guitar that you asked me to buy, Alejandro? I was surprised you called me and demanded me to buy a freaking guitar at gusto mo agad ipadala sa isla ora-orada. You were that excited, eh? I thought music is not your thing.”
This time, it was me who got choked. Agad na inabot ko ang baso na may lamang tubig at uminom doon. Wala akong pake kung walang ka-finesse finesse ang dating.
“Bea was ecstatic when she received it. I owe you one.” He shrugged his shoulders na tila ba pinapahiwatig nitong hindi ito big deal para sa kanya.
“The guitar was for Bea then? Oh, I see.” May naglalarong ngisi sa labi ni Romano.
“How about you, Romano? How was your Samal vacation with Veronica dela Vega?”
Romano contorted his face. “None of your business, big brother.” Umiling ang Senyor sa narinig mula sa bunsong anak while Senyora kept her eyes on me. Bakit may talim sa mga tingin niyang iyon?
I need a break. Sa ilalim ng mesa ay tinapik ko ang hita ni Alejandro. “Yes, baby?”
Haisst. Nanadya ba talaga ang lalakeng ‘to? Senyora and Senyor both made a fake cough.
“May I go to the washroom?”
“Of course.” Halos sabay na sagot ng magkapatid.
Tumango at nag-excuse sa kanilang lahat. I was about to leave the dining area when Senyora stood up and spoke. “Let me accompany you, Bea. I also need a break.”
I respectfully bowed my head at hinintay itong lumagpas sa aking kinatatayuan. Tahimik akong nakasunod kay Senyora pero ang totoo ay mas lalo akong kinakabahan.
Nang makapasok kami sa magarbong washroom nito, napapitlag ako sa lakas ng pagkakasara ni Senyora sa pintuan. She faced me and her expression sent shivers down my spine.
“I’m afraid this is the last day of your job, Bea.”
Napaatras ako sa aking kinatatayuan. Did she mean that?