Chapter 2
"Ma-mahal mo ang anak ko Mr. Lopez?" - pagkagulat ni Dad
"Yes Sir, you won't believe me pero nagmamahalan po kami." – sagot niya ulit kay Dad
Ano daw? Sino daw ang nagmamahalan? Kami? Wahahaha! Baliw siya! BALIW!
"Dodoblehin mo yung price ng sa Koreano para sa anak ko?" - tanong ulit ni Dad
Bakit mas after pa siya sa pera kaysa sa akin na anak niya? Well, bakit ba hindi pa ako nasanay? Pera lang naman ang importante sa kanya.
"Yes, And if you allow us. Magsasama na po kami." - mahinahon niyang sabi
What?! Parang gusto kong malusaw sa kinatatayuan ko ngayon! Nakakaloka ang lalaking ito! Saan niya hinugot ang mga kabaliwan niya ngayon?
"What are you saying? Magsasama na kayo ng anak ko? Does she know anything about this?"-tanong ni Dad
"Yes, infact nakapag impake na po siya. Don't worry, ako po ang pumilit sa kanya dahil ayokong mapunta siya sa iba." - pagpapatuloy nitong baliw na lalaki
"Is that true Ysabelle?" - biglang tanong ni Dad sakin
Nakatulala lang ako. Nung hindi ako sumagot, biglang nagmadaling lumakad si Dad papunta sa kwarto ko.
"What are you doing Dad?!" - pagpigil ko sa kanya
*BOOOG!
Pilit na binuksan niya yung pinto ng kwarto ko and then he saw my things! Nakalagay na sa mga maleta.
"So, it's true. Totoo nga." - biglang nasabi ni Dad
"Don't worry Tito, I will take care of your daughter. Here's the cheque, ikaw na lang po maglagay ng amount, as long as you're being honest na doble talaga ng price ng sa koreano ang isusulat mo diyan." - sabi ni Kervin sabay abot ng cheque kay Dad
Oh my god. This guy is really UNBELIEVABLE!
"Does your Dad knows?" - tanong ni Dad na bahagyang nagulantang sa binigay sa kanyang blank cheque
"He will.. Paano ba yan? Aalis na kami, Dad? Ako na po ang bahala sa anak niyo." -sabi nitong lalaki
Kinuha niya lahat ng mga maleta ko tapos lumabas na siya sa kwarto.
"Hindi ako makapaniwala na kasintahan pala ng anak ko ang isang Lopez. May nagagawa rin pala siyang tama kahit papaano." – narinig kong sabi ni Dad
Nasaktan naman ako sa sinabi niya, dahil ba mayaman itong baliw na to? Tss. Lalayas na talaga ako! Bahala na.
Palabas na kami ng bahay, nung may binulong siya.
"Malaya ka na. Huwag ka na ulit iiyak." - bulong niya sakin
Ha? Kailan niya ako nakitang umiyak? Halata ba sa mga mata ko? Ah, baka sobrang maga kasi nung nakita niya ako kagabi.
"Hindi ko alam kung tama ba ito, or kung bakit mo ko tinutulungan. Pero salamat." - sabi ko
"Hindi ka dapat magpasalamat. Kasi, tutulungan mo rin naman ako. Infact, mas mahirap pa nga yata yung favor na hihingin ko kaysa sa nagawa ko kanina para sayo." – sabi niya
So may kapalit pala yung pagtulong niya sakin? Ganon? Kung sa bagay wala nang libre ngayon eh.
"Anong favor ba yan?" - pagtataka ko
Nagbuntong hininga muna siya.
"Let's pretend that we are a couple." - sabi niya
"Haha, tigilan mo ako sa mga ganyan mo ah. Si Dad napaniwala mo sa ganyan pero ako, HINDI!" – sagot ko
I took it as a joke, haha. Baliw talaga siya.
"I'm serious. That's the only way para sakin ipamana ni Dad ang Lopez Company." - serious nga siya
"So pareho pala kayo ni Dad? Business, Money, and Popularity ang importante sa inyo?" - sabi ko, wala pala silang pinagkaiba. Tss
"You don't understand. Only son ako ng Lopez, if hindi ko sinunod si Dad he will give our company to whoever he feels like giving to." - explain niya
"So, kapag nagpanggap akong girlfriend mo? Makukuha mo yung company niyo, that easy?" -tanong ko
"Hindi lang basta girlfriend. Kung magkagipitan, you have to marry me." - bunyag niya
"Anoooo? Marry you? Haha. Hayaan mo na lang yung Company niyo sa iba. Ayoko." - sabi ko
"Seryoso nga kasi ako! Gagastos ba ako ng ganun kalaking halaga kanina para lang sa wala?" -asar na siya
Sa bagay, may point siya. Hindi naman kami close pero nagbayad siya kay Dad ng ilang milyon para sa akin tapos wala siyang mapapala?
"Okay, sige ikaw na bahala. Tutal ikaw naman ang bumili sakin. Bahala ka na. Kaysa naman sa Matandang Koreano ako mapunta. Tsk." - sabi ko na lang
Mas okay nang makasal dito sa baliw na ito, at least hindi nagkakalayo ang age namin. Saka gwapo naman siya eh, mayaman pa. Pwede na rin! Haha.
"Good! Sabi mo yan ah? Basta mamaya, just be yourself. Masungit si Dad pero mabait naman yun." - warning niya sakin
Sus, Wala yan sa tatay ko!
"Okay lang, Feeling ko nga mas mabait pa Tatay mo sa tatay ko eh." - sabi ko
"Warfreak yun." – sabi niya, tinatakot ba ako nito?
"Langya, warfreak pala eh. Ayaw ko na!" - biro ko
"No no no. Hindi ka na pwedeng umatras. Dahil akin ka na ngayon." - sabi niya
Bakit parang kinikilabutan ako habang naririnig ko yung huling sentence na sinabi niya? Brrrr!