Chapter 1
Ang lakas ng buhos ng ulan. Great! Just great! Sumasabay yung panahon sa nararamdaman ko. Ano bang nangyayari sa buhay ko?! Hindi ko na kaya! Nandito na naman ako sa playground na ito, ang dilim dilim na, ang lakas pa ng hangin na dala ng ulan. Masyado nang deikado pero hindi ko yun pinapansin, dahil gusto kong iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Buti na lang umuulan, hindi maririnig ng iba ang mga iyak at hikbi ko.
Last week, I saw my boyfriend i mean 'My Ex-Boyfriend' making out with my bestfriend. I can't believe them! He cheated on me. They stabbed me behind my back! Sa tuwing naaalala ko iyon, hindi ko pa rin mapigilang mapahagulgol sa iyak. My bestfriend? My bestfriend for almost ten years! Siya pa yung makikita kong kahalikan ng boyfriend ko? At si Mark?! Si Mark na minahal ko buong buhay ko? Niloloko lang pala ako? Yeah, I was broken hearted. I am broken hearted! Kulang pa nga ang broken hearted na salita to describe what I am and how I feel right now! Kanina naman, nalaman kong ipinagkalulo ako ni Daddy sa isang Korean Old Man! Just to save his business! Ang sama niya! Paano niya nagawa ito sa kaisa isang anak niya?! Sinanla niya ako sa isang matandang mayaman na koreano! Ano bang tingin nila sakin? Hindi tao? Hindi ba ako nasasaktan para gawin nila sakin lahat ng nagawa nila?
I feel so miserable, I'm hopeless. Masyadong masakit ang lahat. Ang gulo gulo na ng buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay ng masaya dahil sa mga nangyayari ngayon! Ang mga taong mahal ko, sila pa yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon! Ang sakit sakit! Para na rin nila akong pinatay! SANA NGA PINATAY NA LANG NILA AKO PARA TAPOS NA EH!
Nung tumila na yung ulan, nagpasiya akong maglakad lakad. Ang sakit ng ulo ko, sumisikip yung dibdib ko dahil sa sama ng loob, at parang nanghihina ako. ANG SAKIT NG BUONG PAGKATAO KO! Pinilit kong lumakad, babalik ako sa bahay. Kukunin ko lahat ng gamit ko, at lalayas na ako! Magpapakalayo layo na lang ako, mas mabuti pang mamuhay na lang ako mag isa kaysa naman habang-buhay kong pagsisihan ang pagsama sa matandang koreano na iyon! Kung hindi nila ako mahal, PWES! Mahal ko ang sarili ko!
Hindi pa man ako nakakalayo sa pinanggalingan kong playground, bigla na lang dumilim ang paningin ko. Hindi ko na kinaya ang sakit at ang lamig. Naramdaman ko na lang na unti unti akong bumabagsak, pero hindi ko naramdaman na tuluyan akong lumagapak sa mababatong kalsada.
Kinabukasan.
Nagising ako sa isang puting lugar, puting kwarto. Where am I? Is this heaven? Sana nga, dahil ayoko nang umiyak at masaktan. Kaso biglang may nagbukas ng pinto at may pumasok na lalaki.
"Gising ka na pala?" - sabi nung lalaki nung nakita niya ako
"S-sino ka?" - tanong ko sa kanya, para kasing pamilyar yung mukha niya eh
"Ah, hindi mo nga pala ako kilala. I'm Kervin Lopez, sa pagkakaalam ko schoolmate tayo eh, sa Andrei Louise University ka rin diba?" - pagpapakilala niya
"Yeah, but I'm planning to transfer. Paano nga pala ako napunta dito? Anong nangyari sakin? Bahay niyo ito?" – sunod sunod na tanong ko sa kanya
Hindi na ako nag abala pang magpakilala sa kanya kasi hindi na rin naman kami ulit magkikita after nito.
"I saw you unconscious at the front of my house. You had a fever last night." - sabi niya
Ah, nevermind. Hindi na importante kung anong nangyari. Tumayo na ako para magpasalamat sa kanya.
"Salamat sa pagkupkop mo sakin kagabi. Pasensya ka na nakaabala pa ako, hindi na mauulit ito. Promise." - sabi ko tapos lalabas na sana ako
"Ayos lang iyon, teka okay ka na ba? Hindi ba masakit ang ulo mo?" - tanong niya
Concerned? Or mabait lang talaga siya? Daig pa niya ang tatay ko ah? Ang tatay ko na walang kwenta. Even Mom can't control him. Hays.
"Yes, I'm fine. Thanks again. I'm leaving, bye." - sabi ko tapos lumabas na ako sa bahay nung lalaki
Naglakad ako, nilingon ko yung playground kung nasaan ako kagabi. Malapit nga lang dito sa bahay niya yung playground, kaya pala dito ako nawalan ng malay. Medyo malapit lapit lang dito yung bahay namin kaya okay lang kahit nilakad ko lang.
When I got home, sa labas pa lang nakaabang na agad si Dad. Pero dire-diretso lang ako, dahil masama pa rin loob ko sa kanya. Sobrang masama ang loob ko.
"Where the hell were you last night Ysabelle?!" - sigaw ni Dad
Huminto ako just to make him more angry.
"Nagpalaboy laboy, mas gusto ko pang ma-r**e sa daan kaysa ibenta ng sarili kong Ama sa isang Dirty Old Man!" - sagot ko
*PAK!
Sinampal niya ako! At dito pa kami sa garden gumawa ng eksena!
"How could you talk to me that way? Ha?! Ysabelle? Ganyan ba ang natututunan mo sa school? Yan ba ang impluwensya sayo ng boyfriend mong si Mark ha?!" - sigaw ni Dad
"Huwag mo nang ikabit sa buhay ko si Mark! It's OVER between us! Just what you wanted! Wala na kami!" - sigaw ko
*PAK!
Sinampal na naman niya ako.
"Don't raise your voice to me young girl. Wala ka nang galang sakin! I was doing all of these for you!" - sabi niya
"For me? Talaga lang Dad ha? Kung talagang para sa akin man iyang ginagawa mong iyan. No need na Dad! Don't do these non sense things! I don't need it!" - sabi ko
"Para ito sa kinabukasan mo Ysabelle! Whether you like it or not, sasama ka sa Koreano na iyon!" - pagbabanta ni Dad
"No! Kahit patayin niyo pa ako ngayon hindi ako sasama sa Koreanong yon! If you want to save your business! Sell all your internal organs Dad! Hindi dapat ako yung isinasanla niyo na parang gamit lang ako! I won't let you to manipulate my life! I won't!" - sigaw ko
Bumwelo na naman yung kamay ni Dad papunta sa mukha ko. Alam ko na ang next scene, kaya pumikit na lang ako para tanggapin ang pangatlong sampal niya sakin.
"What the!?" – narinig kong sigaw ni Dad
Tapos wala akong naramdaman na kamay na dumapo sa pisngi ko. Sumilip ako kung anong nangyari? At nagulat ako sa nakita ko! Yung lalaki kanina! Paano siya nakapunta dito? Pero hindi iyon yung big deal eh. Si Dad! Pinigilan niya si Dad na sampalin ako! Hinawakan niya yung kamay ni Dad! Nababaliw na ba siya?
"Who are you?! Don't mess with me, damn it!" - sigaw ni Dad sa lalaki
"Kervin Lopez nga po pala." - mahinahong sabi niya kay Dad
Dahan dahan na binitiwan niya yung kamay ni Dad para makipagshake hands ng maayos. Nakita kong natigilan si Dad at parang medyo nagulat.
"From the Lopez Comp-" - hindi natapos ni Dad yung sinasabi niya
"Yes Sir." - sagot agad nung lalaki
"I'm sorry about a while ago. Ano palang sadya mo dito hijo? May pinapasabi ba ang Dad mo?" - mahinahong sabi ni Dad kay Kervin
"Wala naman po. Pero parang may gusto akong ikwento kay Dad na nasaksihan ko ngayon. Hmm." – sabi niya na parang tinatakot niya si Dad
"Ahem. Ah, wala lang yung nakita mo kanina Hijo, tinuturuan ko lang ng leksyon ang anak ko." - paliwanag ni Dad
Nagsimula na akong pumasok sa bahay, balak ko kasing mag impake na ng mga gamit ko. Pinabayaan ko silang maglokohan at magplastikan doon sa labas. Ilang minuto rin bago ako natapos mag impake ng mga gamit, nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Ayoko sanang buksan yung pinto kaso naisip ko baka si Mom yung kumakatok, mamimiss ko siya pag umalis na ako sa bahay na ito. Pagbukas ko, hays. Si Dad lang pala.
"What?" - bitter kong tanong
"Lumabas ka muna saglit, kakausapin ka ng kaibigan mo." - utos ni Dad
Kaibigan? Wala naman na akong ibang kaibigan ah? Don't tell me si Faye yan? Ang magaling kong bestfriend? Kapal naman yata niya. Lumabas ako para harapin yun kung sino man siya. Pero pagkakita ko, siya pa rin? Yung lalaki pa rin?
"Bakit nandito pa siya Dad?" - tanong ko
"Umayos ka nga ng pagsagot. Entertainin mo siya." - bulong ni Dad
Ano na naman ba ito? Kahapon ibinebenta ako, ngayon naman entertainer na ako? Nababanas na ako sa Dad ko. Ako ba ang puhunan nila sa negosyo? Kaya ba nila ako ginawa para hindi sila maghirap?
Kahit naiinis ako, lumapit pa din ako doon sa lalaki. May utang na loob pa din naman ako sa kanya kahit paano kasi kinupkop niya ako nung nakita niya akong walang malay sa kalsada kagabi. Kaya lumapit ako. Umupo ako sa dulo ng sofa.
"Bakit andito ka pa?" - tanong ko
Busy siya sa pagtingin sa mga album pictures eh.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo na dito." - ang layo ng sagot niya sa tanong ko
"Kahit naman 'OO' ang sagot ko, wala ka namang magagawa. Bumalik ka na sa inyo. Huwag ka nang makidamay dito." - pagtataboy ko sa kanya
Bigla niyang sinarado yung album na tinitignan niya kanina.
"Wala akong magagawa? Sure ka?" - tanong niya
Hindi na lang ako sumagot, hindi naman kami close eh.
"Nakapag impake ka na diba? Nasaan si Tito?" - tanong niya ulit
Hindi pa rin ako sumagot, nag aaksaya lang siya na panahon. Bigla siyang tumayo at pumunta sa bandang kusina namin. Feeling close na ito masyado ah, feel at home masyado?! Amp.
"Tito, just like what I said a while ago. Kung okay lang po sa inyo na huwag niyo na siyang ibenta sa Koreano?" - bigla niyang sinabi
Teka? Paano niya nalman?! Narinig niya ba kami kanina? At inuutusan niya ba si Dad?
"Oh, about that. Hindi naman sa binibenta. Mahal lang kasi siya nung Koreano." - pagtatakip ni Dad
"Ganoon po ba? Paano yan? Mahal ko din po ang anak niyo eh. Hindi ba pwedeng pag usapan sa mas dobleng price?" – sabi niya bigla
Nanglaki ang mga mata ko, at naiwan akong tulala at nakanganga sa gilid ng pinto ng kitchen namin. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Hindi nga kami magkakilala tapos sinasabi niya sa Dad ko na mahal niya ako? Nagpapatawa ba siya? Kung JOKER man siya, hindi na ako natutuwa ah!