Chapter 3
"Nandito na ako!" - sigaw ni Kervin
Dali daling tumakbo yung mga katulong nila para buhatin yung mga dala naming maleta, holding hands kaming pumasok sa bahay nila, baka daw kasi nakauwi na yung Dad niya eh.
"Good Afternoon Senyorito." - sabi nung isang maid
"Si Dad?" - tanong niya
"Wala pa ho, baka daw gabihin ng uwi." - sagot nung Maid
"Hindi na nga umuwi kagabi, tapos ngayon gabi na uuwi?" - bulong ni Kervin
"Ah Senyorito, siya po yung babae kagabi diba? Bakit po nandito siya?" - chismosang katulong!
Tumingin lang ako kay Kervin, naghihintay ng isasagot niya.
"Dito na siya titira. Girlfriend ko siya." - matipid na sagot niya
"Eh diba sabi niyo kagabi Senyorito, hindi niyo siya kilala?" - chismosa talaga!
"Ang dami mong tanong, Tatay ba kita? Maghain ka na nga lang." - nainis na si sabi ni Kervin
Binitiwan niya na yung kamay ko.
"Kainis na matanda yun." - bulong niya
"Paano yan?" - tanong ko
"Anong paano? Umakyat na tayo sa taas, aayusin mo pa yung mga gamit mo." - sagot lang niya
Amp! Ang sungit! Akala ko kanina mabait siya.
Umakyat kami sa kwarto niya. And wow! Sobrang laki ng kwarto niya! Parang halos buong bahay na namin to. Grabe.
"Dito TAYO matutulog." - sabi ni Kervin habang kinakaladkad yung mga gamit ko
"Pati ikaw? Hindi ka lilipat ng kwarto?" - tanong ko
"Hindi. Eto ang pinakamalaking kwarto dito sa bahay, saan mo ko gustong matulog?" -pagsusungit na naman niya
"Sa kama ako! Sa sofa ka!" - sigaw ko tapos tumalon talon na ako sa kama niya
"Ako sa sofa? Haha. Ang laki laki ng kama ko, sa sofa mo ako papatulugin?" – sabi niya
"Ibig mong sabihin tabi tayo?!" - sigaw ko
Tumango tango naman siya.
"Asa ka!" - sigaw ko ulit
"Kung ayaw mo, eh di ikaw ang matulog sa sofa." - sagot niya tapos lumapit din siya sa kama at umupo
"Ayoko! Sasakit likod ko dun!" - sigaw ko
"Yun naman pala eh. Huwag ka nang magreklamo. As if naman may gagawin ako sayo." - ipokrito talaga itong lalaking ito eh! Argh!
"Ok. Papayag ako! Pero dapat may unan sa gitna natin!" - kondisyon ko
"Sus, kahit wala na. Hindi mo naman ako maaakit eh. Tss." – sabi niya
"Wala naman akong sinasabi ah?! Oh sige! Wala nang unan! Pero huwag mo kong sisihin kapag tss! Bahala ka na." - hindi ko na lang tinuloy
Bahala na lang siya mamaya. Good luck kung makatulog siyang katabi ako. Bwahahahahahaha!
Kinagabihan.
Kervin's Point of View
Hindi na naman umuwi si tanda. Nakakainis. Hindi pwedeng masayang itong pagpapanggap namin ni Ysabelle. Lumabas ako ng banyo, kakatapos ko lang kasing magshower. Nagpunas ako ng buhok, tapos hinagis ko na yung towel sa kahit saan. Napatingin ako sa kama. Nakatulog na si Ysabelle. Straight na straight siya matulog, akala mo si Snow White. Tss. Pagkatuyo ng buhok ko, humiga na rin agad ako. Hindi nga naglagay itong babae na ito ng unan sa pagitan namin, malaki naman kasi itong kama ko, kasya nga yata ang tatlo dito eh?
Pagkahiga ko, biglang siyang gumalaw. Akala ko tuloy gising pa siya. Tinignan ko siya, pero tulog eh. Maya-maya, biglang tumanday sakin? Nakaside view siya ngayon paharap sakin tapos yung left na binti niya nakatanday sa tiyan ko. Ganito ba matulog ito? Akala ko kanina mahinhin? Tsss, inalis ko yung binti niya sa tiyan ko. Maya maya, kumamot siya ng ulo tapos nag unat. Dumagan naman sa leeg ko ngayon yung braso niya. Ano ba naman ito! Tiis lang konti Kervin. Baka nananadya lang siya. Inalis ko ulit yung kamay niya. Maya maya na naman, gumalaw ulit siya pero hindi na niya ako nasangga. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin, nakasando lang pala siyang natulog?! Tapos yung sando niya ngayon nakalihis na! Nakatanggal na yung strap ng sando niya sa isa niyang balikat at nakikita ko na tuloy yung ano niya! Argh! Kinumutan ko siya ulit para hindi ma-expose sa akin kung ano man yung maeexpose. PAANO AKO MAKAKATULOG NITO KUNG GANITO ANG MAKAKATABI KO?! Nagtalukbong na lang ako ng kumot, baka sakaling makatulog ako.
Kinaumagahan.
Dali dali akong bumaba sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Hoooo! Pagkagising ko kasi, nakayakap na ko kay Ysabelle, tapos nakataas na yung sando niya. Tsk, buti hindi siya ang naunang nagising, baka sinapak sapak ako nun kung nagkataon. Ang likot likot pala nun matulog? Tsss.
"Good Morning Senyorito." - greet nung isang Maid
"Si Dad, umuwi ba?" - tanong ko
"Opo Sir, nandoon siya sa garden." – sagot nung Maid
Buti naman umuwi si Tanda. Pinuntahan ko siya sa Garden, kailangan magkaliwanagan kami, mahirap na. Graduating na ako, at ayokong ipahawak sa iba ang kumpanyang pinaghirapan nila Mom.
"Morning Dad." - magalang na pagreet ko
Oo, magalang na yun. Haha.
"Balita ko may kasama ka daw babae dito kagabi?" - tanong niya
Good, buti naman siya na mismo ang nag open ng topic na yan.
"Yes, about that. Okay lang bang dito tumira ang girlfriend ko?" - paalam ko
Napatingin siya sa akin.
"Are you serious about her?" - tanong niya
Eto na, mukhang kakagat na sa pain ko si Dad.
"Yes Dad, I can feel that she's the one." - sinasabi ko ito nang wala man lang pag aalinlangan sa boses ko, weird no? Haha.
"Well, it's your life. You will be the one who will be with her for the rest of your life, kaya make sure na you won't regret this." - advice niya
"Yes Dad, I won't regret this." - kampanteng sagot ko
"Dapat lang, dahil ayoko nang kahit na anong bahid ng dungis sa pamilya ko. Kilala mo ako Kervin. I'm letting you do all the things you want to do, pero once na nadamay sa gulo ang pamilya natin, you know how I react." - may pagbabanta sa tono ng pagsasalita ni Dad
Yeah, I know him. Kaya niyang pumatay kapag may nagsalita ng masama about our family, lalo na kung ginawan mo ng masama ang pamilya namin. He's so heartless, but very kind when it comes to us.
"Yes Dad. I know you too much." - sagot ko na lang
"Oo nga pala, about our company." - bigla niyang sabi
Nagliwanag naman ang mukha ko dahil sa binanggit niya.
"I will give the Company to you, once you have your own family." -sabi niya
Sabi ko na nga ba eh! Buti na lang hinanda ko si Ysabelle sa ganito.
"Don't worry Dad. We're planning to get marry as soon as we graduate." - sagot ko
"Paghihintayin mo pa ako ng dalawang buwan? You're so slow my son. Hindi mo ba mapapayag agad ang girlfriend mo? When I was at your age, I'm already a married man!" - pang lalait niya sa akin
Sige ikaw na Dad.
"But we are still studying." - parereason out ko
"That's not a big hindrance son, you can do the same thing at the same time." – sabi niya pa
"I'll try to talk and convince Ysabelle about this Dad, I know she will agree about this because she loves me too much. Don't worry." - assurance ko sa kanya
"I need to know that girlfriend of yours first." - sabi niya tapos nagpatuloy na siya sa pag inom ng coffee and pagbabasa ng dyaryo
Pumasok na ulit ako sa kusina. Nandoon na si Ysabelle, umiinom ng milk niya. Ni hindi man lang siya nagsuklay o nag t-shirt man lang?
"Hoy, anong nasa utak mo at hindi ka man lang nagpalit?" - saway ko sa kanya
"Bakit? Hindi naman ako aalis ah?" - pagtataka niya
Mukhang slow pa yata itong isang ito? Hindi man lang makaramdam, hindi ba siya aware sa mga nararamdaman naming lalaki? Langya.
"Nag t-shirt ka man lang sana." - sabi ko tapos tumabi na ako sa kanya
"Haha, hindi ako sanay mag t-shirt sa bahay. Naiinitan ako." - sagot niya
Ako ang mas naiinitan sa suot mo ngayon. Tsk!
"Kahit na, kung mag sasando ka lang. Siguraduhin mong nandoon ka lang sa loob ng kwarto. Pero kung lalabas ka ng kwarto ko. Magsuot ka kahit t-shirt ko na lang." - bilin ko
"Ok lang gamitin yung t-shirt mo ?? " - tanong niya habang nakangiti
Takte, ang ganda ng ngiti niya.
"Oo naman. Hindi naman ako maarte." - sagot ko habang nakatitig sa ngiti niya
"Sige, salamat! Tatandaan ko yang bilin mo." – putek! Ngumiti pa siya ulit!
"Good! Anong oras pasok mo?" - tanong ko
Bigla siyang tumigil at parang nagulat.
"Papasok pa ako? Hindi ba pwede huwag na lang?" - sabi niya
"Ayaw mo nang mag aral?" - tanong ko
"Oo, may makikita lang kasi ako doon. Kaya mas mabuti pang huwag na lang akong pumasok." - sagot niya
Ano naman kaya yung ayaw niyang makita?
"Hindi pwede, ano na lang sasabihin sakin ni Dad kapag huminto ka sa pag aaral?" - sabi ko
Nagpout pa siya, putek! Bakit ang cute naman nito?
"So, papasok pa din ako?" - pagconfirm niya sakin
Tumango ako as sign of YES.
"Tsk." - sabi niya sabay alis at padabog na umakyat ulit sa kwarto
Sumunod naman ako sa kanya.
"Oy! Anong dinadrama mo?" - tanong ko nung nasa kwarto na kami
"Wala, bukas na lang ako papasok!" - sabi niya tapos humiga siya at nagtaklob ng kumot
"Hindi pwede, nandiyan sa baba si Dad. Kapag nakita niyang hindi ka pumasok, magkakaroon ka ng bad impression sa kanya!" – sabi ko
"Ano ba naman yan! Oo na! Sige na, Papasok na ako! Pero kapag nasira ang araw ko at nabad mood ako dahil sa pagpasok ko, kasalanan mo!" - sigaw niya
Dali dali siyang pumasok na siya ng banyo. Bakit parang gusto ko siyang sundan dun sa cr? Shete! Hindi ako pwedeng maakit sa kanya! Bakit ba kasi siya nagpapacute?!