Chapter 4 Isay’s Point of View Sa School. Pinilit kong hindi ipahalata kay Kervin ang kaba ko. Hangga't maaari kasi, ayoko na sanang pumasok sa school. Ayoko nang makita yung dalawang trumaydor sakin. Pero no choice eh, kailangan kong pumasok at mag-aral, hindi pwedeng masira ng tuluyan ang buhay ko dahil lang sa kanila. Sabay kaming pumasok ni Kervin. Nakilala ko na rin kanina yung Dad niya, nakakatakot kasi mukha ngang masungit siya. Sabay kaming naglalakad pero medyo magkalayo kami. Siyempre, mahirap na baka magkachismis pa. Sikat pa naman siya. Brrr. Sobrang yaman niya kasi. Nakayuko lang ako habang naglalakad kami. "Hoy, kapag ikaw nauntog diyan sa ganyang lakad mo. Huwag kang iiyak sakin." - saway ni Kervin Tumingin lang ako sa kanya. "Hayaan mo na ako. Sa