TAHIMIK lamang na naglalakad si Bella habang pinagmamasdan sa kalangitan ang liwanag ng bilog na bilog na buwan at kumikinang na mga bituin na nakapalibot dito. Napayakap siya sa sarili nang maramdaman ang paghaplos ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang balat. Mabilis na lumipas ang mga oras at kagaya ng napag-usapan nila ni Mara ay nag-swimming sila pagsapit nang alas singko nang hapon na iyon. Past six na nang umahon sila sa tubig at dumiretso na rin sa cottage para makapag-dinner. Saka lamang sila nagpalit pagkatapos noon.
Sa ilang sandali ay nagkwentuhan pa sila ni Mara sa villa. Pero nang magpaalam ito na pupunta na naman daw sa bar area ng beach ay nagpaiwan na lamang si Bella para sana magpahinga. Alam naman kasi niya na ang kinababaliwan nitong bagong bokalista kuno ng bandang Danger Zone ang dadayuhin nito roon. Ilang oras ding pabiling-biling sa higaan si Bella nang iwan siya ni Mara hanggang sa napagpasyahan niyang lumabas at maglakad-lakad na lang muna dahil parang hindi siya dinadalaw ng antok.
Parang kailan lamang nang nagpunta sila sa isla na iyon. Talaga ngang napakabilis lamang ng panahon at halos hindi na niya namalayan ang paglipas noon. Pero nagpapasalamat siya dahil sa maikling panahon ay malaki ang naitulong ng lugar na iyon para sa kaniyang nararamdaman—partikular na sa kaniyang puso. Nang dahil sa pagbabakasyon nila sa isla, kahit papaano ay nalibang siya at nawaglit sa isipan niya si Hans.
At ngayong mag-isa siya, hindi niya na masasabing dahil iyon sa nagmumukmok siya kundi dahil sa gusto lang talaga niyang maglakad-lakad. Napabuntong-hininga si Bella. Naisip niya na kahit ano talaga ang pinagdadaanan mong malungkot o mahirap na bagay, lilipas at lilipas din iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa maagaw ang atensyon niya ng isang tila kumikinang na bagay sa buhanginan.
Nang pulutin niya iyon ay napagtanto niyang isa lamang iyong maliit na bote. Nadisenyuhan ito ng magkakahalong kulay na mayroon pang parang glitters kaya ito kumikinang. Nakakunot ang noo ni Bella habang pinagmamasdan ang boteng iyon. Dala na rin ng kyuryosidad ay naisipan niyang tanggalin ang takip niyon para tingnan kung may laman iyon.
“Hindi kaya message in a bottle ito? O kaya may genie na nagtatago sa loob!” biglang sabi ni Bella sa sarili. Magkahalong excitement at kaba ang kaniyang nararamdaman habang naglalaro sa isipan ang mga eksena sa napapanood at nababasa niyang fairytales. Paano nga kaya kung may magic ang bote na iyon?
“Hay nako, Bella! Kung ano-anong naiisip mo! Buksan mo na lang kaya?” muling sabi niya sa sarili nang ma-realize kung anong naisipan niya. Hindi naman kasi totoo iyong fairytales. Kathang-isip lamang iyon at gawa-gawa ng imahinasyon ng tao. “Ano kayang laman nito?”
Nang tuluyan niyang matanggal ang takip ng bote ay itinaktak niya iyon sa kaniyang palad at isang maliit na nakarolyong papel nga ang nasa loob nito. Agad niyang binasa ang nakasulat doon nang mabuksan niya iyon. “If you happen to pick this bottle, that means you’ll be my valentine.” Napakunot ang noo ni Bella. “Ano ‘to?” Natatawa niyang ibinalik ang papel sa loob ng bote at saka muli iyong tinakpan. Pagkatapos noon ay isinilid niya muna sa bulsa ng suot niyang short ang maliit na boteng iyon. Mabuti na lang pala ay may bulsa ang suot niya ngayon.
“Oo nga pala, valentines na sa isang araw,” iyon lang ang nasabi ni Bella saka nagpatuloy sa paglalakad. Ang totoo ay hindi naman talaga siya excited sa valentines dahil bukod sa sawi nga siya sa pag-ibig ay pangkaraniwang araw lang naman talaga iyon para sa kaniya. Dahil kung mahal mo ang isang tao, pwede namang araw-araw na ring valentines. Napapailing na lang siya kapag naiisip ang mga tao na, oo nga, nakakapag-celebrate ng valentines pero hindi naman talaga sila masaya sa pag-ibig.
Hindi pa gaanong nakakalayo si Bella ay natigilan siya nang may makitang tao na papalusong sa gitna ng dagat. Abot na sa baywang nito ang tubig at hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan dahil doon. Nataranta siya nang biglang maalala ang eksena sa isa sa napanood niya na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagpapakalunod.
“Oh my! Hindi niya pwedeng gawin iyon. Una, masama ang magpakamatay. Pangalawa, hindi mapapayapa ang konsensya ko kung gagawin niya nga iyon. Baka mamaya multuhin pa niya ako.”
Hindi na nagdalawang-isip pa si Bella at dali-daling lumusong din sa tubig. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya na para bang hindi lang iyon dahil sa kaba. Noong unang araw kasi niya sa isla ay nagawa na rin niyang isipin na tapusin na ang buhay dahil sa depression. Doon niya naintindihan na kahit ayaw palang gawin ng isang tao ang pagpapakamatay ay maaari niya iyong magawa kung magiging mahina ang kaniyang kalooban. Mabuti na lamang at nakapag-isip pa siya nang matino noon at hindi natuloy ang plano niya.
Ayaw ni Bella na gawin din ng ibang tao ang ganoon. Dahil na-realize din niya na masarap pa rin ang mabuhay at hindi sapat na dahilan ang kahit na anong problema o bigat sa damdamin para wakasan lamang ito.
Umabot na rin sa bandang baywang ni Bella ang tubig ay hindi pa rin tumitigil sa paglusong ang lalake. Hingal na hingal siyang tumigil sandali at saka tinawag ang atensyon nito. “Hey! What are you planning to do? Kung ano man iyan, huwag mo nang ituloy! Utang na loob,” sigaw niya rito.
Napaigtad siya nang maramdaman ang lamig ng tubig dagat. She crossed her arms and rubbed her palms against it. “Parang-awa mo na! Bumalik ka na rito!” muling sigaw niya ngunit tila wala lang itong narinig. Nang hindi pa rin siya pinansin ng lalake ay itinuloy niya ang pagsulong sa tubig. Halos nasa dibdib niya na ang tubig nang maabutan niya iyon. Habol pa rin ang hininga niya nang hawakan ang braso nito habang nakatalikod sa kaniya. Nakatulong ang liwanag ng buwan para magbigay ng tanglaw sa kanilang dalawa.
Nang humarap sa kaniya ang lalake ay halos mahulog naman ang panga ni Bella nang mapagtanto niya kung sino ito. “Ikaw?!” gulantang na bulalas ni Bella at napaatras na binitiwan ang lalake. Sa dami ng taong ma-e-encounter niya . . . iyon pa talagang ayaw na niyang makita.
Hindi ito sumagot at seryoso lamang na tumitig sa kaniya. Nang ilang sandali pa ay nanatili lamang itong nakikipagtitigan sa kaniya ay nag-iwas na ng tingin ng dalaga. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nakayukong napapikit nang mariin. What’s worse is she came up with a realization na mukhang mapapahiya pa siya dahil hindi naman yata magpapakamatay ang taong iyon. Mas mukha pa ngang siya ang mahihimatay sa pagtitig nito na para bang hihigupin na siya ng itim nitong mga mata.
Mayamaya ay napangisi ang binata. “Why, lady? Do you have a problem with me? Let me ask you. What are you doing here?” He tried to catch Bella’s gaze but she kept looking away.
“H-ha? W-wala! Ano kasi . . . kasi . . .” Hindi maituloy-tuloy ni Bella ang sasabihin. Pakiramdam niya ay namumula na rin siya dahil sa pagkapahiya sa sarili.
‘Ano ba naman kasi, Bella? Ano bang naisipan mo at sumunod ka pa? Imbes na makagawa ng heroic deed, mukhang mas mapapahamak ka pa.’
“What? Don’t tell me you’re stalking me?” nakangising sabi muli nang binata kay Bella. Sa loob-loob niya ay tuwang-tuwa siya sa reaksyong nakikita niya rito. Naalala niya ang pagkakataon na nakabanggaan niya ito. Bago iyon ay napansin niya na rin ito habang nag-aalmusal siya noong unang araw niya sa isla. May kasama itong isa pang babae at sa palagay niya ay hindi naman interesado sa kaniya ang babaeng kaharap. Hanggang sa nagkaroon sila ng engkwentro pagkatapos ng aksidenteng pagbabanggaan nila at naisip niyang interesting ang babae.
“A-anong . . . anong sinasabi mo? I’m not stalking you!” agad na protesta ni Bella at pagkatapos ay inirapan pa ito. Para namang agad na nawala ang hiyang nararamdaman niya kanina at napalitan iyon ng inis. Inirapan pa niya ang binata sa kaniyang harapan. “Excuse me?”
He then laughed mockingly. “Then what? If you’re not stalking me, bakit ka nga nandito? Bilisan mong magpaliwanag dahil nasasayang ang oras ko.”
“At anong tingin mo sa oras ko? Hindi nasayang dahil sa pagsunod ko sa ‘yo rito? Malay ko bang hindi ka pala magapapakama—” Natigil ang pagsasalita ni Bella nang muling bumunghalit ng tawa ang lalake.
“Seriously, miss? Don’t tell me you’re thinking that I’m going to take my own life?” Amusement was in the man’s voice.
“Aba, ano ngang malay ko? Baka mamaya, kung nagpakamatay ka nga, multuhin mo pa ako, ano, dahil hindi kita pinigilan!”
“Ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa multo. Isa pa, kung totoo man ang multo, bakit naman kita mumultuhin, eh, hindi naman kita kilala.”
Natigilan si Bella. Kahit saang anggulo tingnan ay talo siya sa labang iyon. Gusto niyang kastiguhin nang ilang ulit ang sarili. Sa huli ay pinilit niyang patatagin ang loob para sungitan ang lalake at umalis na lang. “Whatever! Kung hindi ka naman pala magpapakamatay, then you may continue whatever you’re going to do now! Ciao!”
Patalikod na sana si Bella at maglalakad palayo nang bigla siyang hawakan nito sa braso. The man even gripped her arms and when she looked back at him, he’s expression towards her was dark . . . and playful. Tiningnan niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso at saka ito muling sinulyapan at tiningnan nang masama.
“Where do you think you’re going?” he asked with a smirk.
Sa halip na sumagot ay sinubukang magpumiglas ni Bella at bawiin ang kaniyang braso mula rito. Pero mas lalo lang hinigpitan ng lalake ang pagkakahawak sa kaniya at hinila pa siya papalapit dito. Para namang napaso si Bella nang magdikit ang kanilang mga balat at natatarantang humakbang paatras hanggang sa magawa niyang mabawi ang braso rito. Tuluyan nang tumalikod si Bella rito at lulusong na sana papalayo nang maramdaman niyang muli ang katawan nito sa kaniyang likuran. Hawak-hawak niya na si Bella sa magkabilang braso at ang mukha nito ay nakalapit na sa kaniyang mukha. Napapikit si Bella nang maramdaman niya ang hininga nito sa kaniyang bandang balikat hanggang sa marinig niya itong muling magsalita.
“You didn’t answer my question again, lady. I asked you where do you think you’re going?”
Halos manginig na si Bella, hindi dahil sa lamig ng tubig kundi sa kakaibang dating ng boses ng lalake sa kaniya. Idagdag pang magkadikit ang katawan nila ngayon at hindi niya alam kung bakit parang wala siyang magawa kundi manatili lamang doon. Ni hindi niya magawang gumalaw. Halos marinig na rin niya ang t***k ng kaniyang puso sa sobrang lakas niyon dahil sa kaba.
“P-pwede bang pakawalan mo na ako?” ani Bella nang magawa na niyang magsalita. “You’re asking me where I’m going? Malamang, babalik pa ako sa villa! Saan pa nga ba? Don’t tell me you want me to join you here,” matapang niyang dugtong at pilit pinatatag ang loob. Sa isip niya ay hindi siya dapat magpatalo rito. Dahil kung makikita nito ang kahinaan niya, mas lalo lang siyang paglalaruan nito. Mas lalo lang siyang mapapahamak.
Muling natawa ang lalake. Sa isang iglap ay nagawa nitong iharap siya rito. Nanatiling nakayuko lamang si Bella kaya hindi niya alam kung ano ang ekspresyon ng mukha nito pero ramdam niya ang titig nito sa kaniya.
“What if I tell you that you’re right? That I want you to stay here with me?”
“What?! That's insane! Let me go!” Masama ang tinging ipinukol dito ni Bella. Pero nanatili lamang nakangisi ang lalake sa kaniya.
“Paano kung sabihin kong ayoko?”
“Ano?!”
"Sabi ko, ayoko. A-yo-ko!" ulit pa nito na para bang nakikipagbiruan si Bella sa kaniya.
“I said let me go! Are you crazy?” Kung nakakamatay lang ang titig, for sure ay napatay na ni Bella ang lalake. Pero habang nagpupuyos si Bella sa inis ay tuwang-tuwa naman ang lalake sa emosyong ipinapakita niya. He’s getting fonder of her.
"Sorry, but I’m not letting you go,” seryosong sabi ng binata at nakipagsukatan pa ng tingin kay Bella.
"What? Are you crazy?" hindi naman makapaniwalang sabi ng dalaga at halos magpuyos na sa inis dito.
Ngumisi ang binata sa kaniya at sa sumunod na sinabi nito ay dumoble ang kaba sa dibdib ni Bella.
“Guess what, miss? Maybe I really am.”