KANINA pa kinukulit ni Beast si Bella pero dedma lang ang dalaga sa kaniya. Nainis talaga ito dahil sa ginawa nitong kalokohan nang bumili sila ng ice cream kanina. Kasalukuyan silang nakaupo ngayon sa isang bench sa tapat ng college nila Bella. Tahimik lamang ang dalagang nag-i-scroll ng kaniyang social media feed sa cellphone. "Uy, sorry na. Pansinin mo na ako. Grabe. Hindi ka ba naaawa sa akin? Para na akong ewan dito. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin," pagmamaktol ni Beast na nakaupo sa tabi niya. Nang lingunin siya ni Bella ay napaayos siya ng upo saka malawak na ngumiti rito. "Bati na tayo?" Pero imbes na positibong sagot ang makuha niya mula rito ay sinamaan siya nito ng tingin at saka inirapan. "Bakit parang kasalanan ko pa kung magmukha kang tanga diyan? Hi