Chapter 27

1521 Words

ILANG tapik sa kaniyang balikat ang gumising kay Bella. Pupungas-pungas pa siyang iminulat ang mga mata saka nag-inat. Ilang beses pa siyang kumurap bago mapagtanto na nasa sasakyan pa rin siya ni Beast dahil ihinatid siya nito at ngayon nga ay nasa tapat na sila ng kanilang bahay. Nang lingunin niya ang binata ay nakangiti pa ito sa kaniya. “We’re here…” “A-ah, oo nga. Sorry. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.” Natawa naman nang bahagya si Beast at saka nginitian siyang muli. “Ang sarap nga ng tulog mo. Ang cute mo pa nga humilik.” Napakunot naman ang noo ni Bella. “H-ha? Humilik ako? Hindi naman ako humihilik, ha?” Pagkatapos ay bigla siyang napaisip kung humilik nga ba siya. Hindi naman kasi siya talaga humihilik. Ang sabi pa nga ng mommy niya, maganda raw siyang katabi mat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD