MAGTATANGHALI na nang muling magising si Bella. Matapos ang pag-e-emote niya nang umagang iyon dahil sa eksenang naganap sa pagitan nila ni Beast ay nagdesisyon siyang matulog uli para mawala ang gumugulo sa kaniyang isip. Noong una ay nahirapan pa siya dahil parang hindi na niya makuha ang antok niya. Pero hindi na lamang niya namalayan na nakatulog na rin pala siya. Pupungas-pungas pa si Bella nang bumangon mula sa pagkakahiga. Umupo muna ito sa kama at pagkatapos ay napatulala sandali saka kinuha ang kaniyang cellphone sa may bed side table. "Oh my gosh!" naibulalas niya nang makita sa screen kung gaano karami ang missed calls mula sa kaniyang pinsan. Baha rin siya ng text messages na sa palagay niya ay mula rin dito. Agad-agad niyang binuksan ang cellphone at nang i-check iyon ay hin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books