THREE YEARS AGO...
"Ano na naman ba 'to, Val? Ano na naman ba ang pumasok sa kukote mo at naisipan mong magpakamatay?" Kanina pa siya hindi magkaundagaga sa kakasermon sa kapatid.
Naka-confine ito noon sa ospital matapos maglaslas. Mabuti na lang at nakita ito kaagad ng katulong nila. Nagkataon kasi noong nasa trabaho siya para sa isang napakalaking proyektong niluluto ng boss niya para sa kaniya.
Tatlong araw pa lang itong dumating mula Baler para sa isang pictorial nito. Tatlong araw lang daw dapat ang ilalagi nito doon. Kaya nagtaka siya kung bakit ang tagal nitong umuwi.
Iyon pala ay nakatagpo daw ito ng bagong pag-ibig sa nasabing lugar. Marami na itong naging boyfriend pero kahit kailan ay hindi niya ito nakitaan ng pagka-seryoso sa isang lalaki. Ni minsan ay hindi nito ipinagpalit ang career sa isang lalaki.
Sinubukan niya itong sundan noon sa Baler para siguruhing maayos ang kalagayan nito. Pero tumanggi itong ibigay ang lokasyon. Wala daw siyang dapat na ipag-alala dahil masaya at nasa magandang kalagayan lang ito. Base sa boses ni Valerie ay totoo ngang masayang-masaya ito.
Pero nagulat na lang siya isang araw ay umuwi ito sa bahay nila sa Makati na tahimik at walang kibo. Ang buong akala niya ay maysakit lang ito dahil napansin niya ang pangangayayat at pamumutla ng kapatid. Palagi rin itong dumadaing na masakit ang tiyan at nahihirapang dumumi. Kaya inalok niya itong samahan sa doktor ngunit tumanggi ito dahil dala lamang daw iyon ng pagod at puyat.
"I'm s-sorry, Ate..." sa wakas ay nagsalita na rin ito bagama't sa garalgal na boses. "H-hindi ko na kasi kaya ang sakit, eh. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahal ko. Noong una sila Momy at Daddy. Tapos ngayon naman-"
"Ng boyfriend mo!?" Napasapo sa noo niya si Vassyleen nang maunawaan ang ikinakasama ng loob ni Valerie. Naintindihan na niya ngayon kung bakit ito nagiging malungkutin na naman. "My God, Val! Lalaki lang 'yon para magkaganiyan ka. Sasayangin mo ang buhay mo na pinaghirapan kong ingatan buong-buhay ko? Please naman,Val...be considerate. Alagaan mo naman ang sarili mo. Hindi naman kasi puwedeng bente kuwatro oras akong nasa tabi mo. Kasi paano naman ang mga pangangailangan natin? 'Di b-" Natigil siya sa pagsasalita nang marinig ang malakas na paghikbi ng kapatid. Nag-aalala niya itong niyakap. "I'm sorry. I'm just carried away."
"I feel so bad about myself, Ate. Lagi na lang kitang binibigyan ng problema." Napailing si Vassyleen. Nag-uumpisa na namang bumaba ang kumpiyansa ni Valerie sa sarili. "Kaya niya siguro ako iniwan dahil wala akong kuwenta..."
"Sssh..sssh..." pilit niya itong pinatahan pero lalo lamang lumakas ang paghikbi nito.
"Minahal ko siya. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat. Isinakripisyo ko para sa kaniya ang trabahong mahal ko rin." Puno ng galit ang tinig ni Valerie. "Pero ano ang ginawa niya? Niloko lang niya ako. Pinaasa. At ang masakit ay ipinagpalit niya ako sa ganon kaiksing panahon.."
Napakuyom si Vassyleen. Naranasan na rin naman niya ang magmahal at maloko kaya alam niyang masakit talaga iyon. Lalo na siguro kay Valerie na halos ibinigay ang lahat sa taong mahal nito.
Dahil doon kaya nabaling sa taong iyon ang kanina'y galit niya kay Valerie. Buong-buhay niyang iningatan ang kapatid tapos sasaktan lang at muntik-muntikan pang patayin ng kung sino? Baka mapatay niya ang lalaking iyon kapag nakita niya.
"Gusto ko silang paghigantihan, Ate. Lalong-lalo na ang lalaking iyon."
Parehas sila ng iniisip ni Valerie pero iba naman ito kung magdesisyon kumpara sa kaniya. May pagka-aggressive ito at natatakot siyang baka kung anong kalokohan ang gagawin nito. Hinding-hindi niya iyon papayagang mangyari.
Masuyo niyang hinaplos ang noo nito. "Alam kong sinaktan ka niya. But hurting him back wouldn't help you for moving on. Magiging katulad ka lang niya na walang puso." Malumanay ang kaniyang boses para hindi maramdaman ng kapatid niya na kumokontra na naman siya sa gusto nito.
Hindi ito umimik at yumakap lang ng mahigpit sa kaniya. Laking pasalamat ni Vassyleen nang hindi na iyon muli pang nabanggit sa kaniya ni Valerie hanggang sa tuluyan itong makalabas ng ospital. Ilang araw niya itong inobserbahan at natuwa naman siya na kahit papaano ay nakakangiti na ito. Hindi nga lang bumalik sa dati ang malusog nitong pangangatawan.
Nakahinga na rin siya ng maluwag nang bumalik ito sa dating trabaho na agad namang tinanggap ng manager dahil nanghihinayang din daw ito umano sa career ng kapatid niya.
Kaya naging magaan kay Vassyleen ang umalis papuntang Baler para sa isang proyekto. Isa siya sa pinakamagaling na arkitekto sa Ventura's Architectural Firm sa Maynila. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang siya ang ipinadala ng boss niya sa probinsiyang iyon.
"Puwede mo bang i-promise sa'kin na magpapakabait ka dito habang wala ako?" Bilin niya sa kapatid nong gabing bago siya umalis. "Kasi kung sasabihin mo sa'kin na malulungkot ka at kailangan mo pa ng kasama ay puwedeng huwag na akong tumuloy. Mas mahalaga ka sa'kin sa kahit ano pa man. Alam mo 'yan."
Malambing itong yumakap sa kaniya. "You've done so much for me, Ate. Hindi na ako papayag na pati ang career mo ay maapektuhan nang dahil sa'kin." Napangiti siya sa tinuran ng kapatid. "Saka baka tanggapin ko na rin 'yong inaalok sa'kin ng manager ko na project sa Paris. Makakapag-move on agad ako kapag nasa malayo. Matagal-tagal din ang kontrata ko doon."
"Kaya mo ba? Hindi pa naman tayo naghihirap...puwede kang magpahinga hangga't gusto mo."
"You know it's not just about money, Ate." Anito bago umupo paharap sa kaniya. "Basta sakaling maligaw ka sa Charlie's Lounge sa Baler at makilala mo doon ang sesiyonistang si Nikko o kahit ang girlfriend niya. Puwede mo ba akong ipaghiganti sa kanila?"
Bigla ang panghilakbot na naramdaman ni Vassyleen kaya napabitaw siya rito. "Val! Akala ko ba tapos na tayo diyan?"
Ngumiti ang dalaga pero hindi ito umabot sa mga mata. "I'm just kidding, Ate." Saka muling yumapos sa kaniya. Hindi na niya napansin ang pagbago sa anyo nito. "Magpapakabait ako dito, Ate. Promise. Kaya magrelaks ka lang don sa Baler, okey?"
May pag-agam-agam man ay napatango na lamang si Vassyleen. Hanggang sa makaalis siya kinabukasan.
Kanina pa nakatayo si Vassyleen sa tapat ng malaking gusali ng Foreman Holdings sa Baler. Ito ang magiging contructor nila para sa kaniyang proyekto- ang magiging pinakamalaking mall dito sa Baler. Ang pagkakaalam niya ay kamag-anak ng boss niya ang may-ari ng Foreman Holdings.
Tatagal din ang proyektong ito kaya ibig sabihin ay mananatili din siya dito ng matagal. Kasama naman sa kontrata niya ang hotel accomodations at ang sasakyang pansamantalang gagamitin niya habang nandito siya sa Baler. Kaya minabuti ni Vassyleen na mag-commute na lang papunta dito dahil matagal-tagal na rin naman nong huli siyang sumakay ng bus.
Uuwi-uwi din naman siya sa Maynila kapag libreng araw niya para dalawin si Valerie. Pero baka hindi rin naman iyon mangyayari kapag tinanggap nito ang bagong proyekto sa Paris. Iyon ang pinakamalaking break ni Valerie sa career nito kung sakali. Kaya nga hindi na niya ito tinutulan kahit alam niyang tatagaTHREE YEARS AGO...

Uuwi-uwi din naman siya sa Maynila kapag libreng araw niya para dalawin si Valerie. Pero baka hindi rin naman iyon mangyayari kapag tinanggap nito ang bagong proyekto sa Paris. Iyon ang pinakamalaking break ni Valerie sa career nito kung sakali. Kaya nga hindi na niya ito tinutulan kahit alam niyang tatagal ito doon.
LADY J.