Nang masiguro ni Klyv na tulog na ang dalaga ay saka siya bumangon. Kanina pa siya nakapikit pero hindi naman talaga siya natulog. Paano niya magagawa 'yon kung mula sa nakaawang na pinto ay nasisilip niya ang napakagandang si Vassyleen na tulog na tulog. Ang babaeng umagaw ng pansin niya at hindi na nagpatulog sa kaniya simula nong magkakilala sila. Madalas nitong guluhin ang kaniyang isip. Hindi nga niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniya para makitulog dito at magsinungaling na takot sa baha. Dahil ang totoo ay sanay na sanay siya sa lugar nila na madalas bahain. He simply acted in a romantic way whenever Vassyleen was around. Ibang-iba ito sa lahat ng mga babaeng nakilala niya. Sa edad na trenta ay dalawa pa lang ang naging girlfriend niya. Isa noong college siya at ang huli ay l