Maganda ang gising na umiinat-inat si Vassyleen. Hindi niya alam kung bakit. Basta may pakiramdam lang siya na isa iyon sa mga magagandang araw niya. Aktong magsusuklay na sana siya ng buhok nang may mapansin siyang kapirasong papel na may nakasulat na: Hi loves, Good morning. I left because it's simply hard to stay calm whenever you're around. But I still thank you. See you later in the office. Don't forget to eat breakfast. Hugs and kisses, Klyv Matapos basahin ay halos mapunit ang ngiti sa labi ng dalaga. Patakbo pa siyang lumabas ng kuwarto para siguruhing umalis nga si Klyv. Nakita niyang maayos ng nakatupi ang kumot n