Chapter 69: Isang pasok

1531 Words

"Masakit pa rin ba talaga?" tanong ko kay Winston nang makita ko siyang nakaupo sa harap ng dresser ko at sinisipat ang mukha niya sa salamin. Sa panga kasi siya natamaan ng suntok ni Papa kanina. Nalagyan naman na namin ng cold compress kanina. Nakapagluto na nga siya at nakakain na kami ng hapunan kaya akala ko okay na siya. Tinanong ko rin naman siya kanina sabi niya okay na raw siya. Lumapit ako sa kaniya. Nakapantulog na ako at tanging silk night dress ang suot ko na kulay maroon. Habang naka-white na t-shirt at short naman siya. Napansin ko na mahilig siyang magsuot ng puting t-shirt kapag natutulog. Tumayo ako sa harapan niya at hinawakan ko ang baba niya para iangat ang mukha niya. Bahagya kong itinagilid ang mukha niya para tingnan ang panga niya. Medyo namumula pa iyon. "Gus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD