George “George, what kind of question is that?” tanong nito sa akin na Winston na para bang hindi niya maunawaan kung bakit tinatanong ko siya ng ganoong bagay. Tila hindi nito inaasahan ang tanong ko kaya gulat na gulat ito. Gusto ko lang namang malaman kong kahit asawa na niya ako mas mahalaga pa ba ang kaibigan niya, si Riona kaysa sa akin kasi iyon ang nararamdaman ko. Iyon ang pinaramdam niya sa akin. “I am asking you. Mas importante ba siya?” ulit na tanong ko sa kaniya. “Of course not. You are my wife, mahalaga ka sa akin,” sagot nito habang nakatingin sa akin. "Mas mahalaga ka. Palagi kang mahalaga sa akin." “Pero hindi iyon ang nararamdaman ko kapag nasa paligid siya o kasama mo siya,” saad ko. Hindi ko na mapigilang hindi ilabas ang nararamdaman ko. "You made me feel the o