WINSTON "She's angry," saad ko bago muling uminom ng alak na hawak ko. “Hindi niya ako pinapansin. Daig ko pa ang tae kung iwasan niya ako.” Kanina pa ako umiinom mula nang dumating ako dito sa bar. Kanina si Warren lang nakakaalam na nandito ako. Hindi lang alam kung bakit nandito na si Six at Enzo. Bigla na lang silang dumating, siguro tinawagan ni Warren. Two days na mula nang sabihin sa akin ni George ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin at humingi ako ng tawad sa kaniya pero mula noon ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Sa opisina, kinakausap lang niya ako kapag kailangan. Hindi na rin siya sumasabay sa akin ng agahan at hapunan. Maaga itong papasok palagi at kapag nakauwi ay busog na raw ito. Sa lunch naman mas gugustuhin pa niyang hindi kumain, huwag lang akong makas