Matapos naming kumain ni Shirly ay bumalik na rin kami sa opisina. Pero eksaktong pagbukas ng elevator kung saang floor ako sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Riona. Lumabas ako ng elevator habang si Riona naman ay hindi sumakay. Nanatili itong nakatayo. Napatingin ako sa dala niyang lunch box. "Hi, George. I just brought Winston a lunch. Ipinagluto ko kasi siya ng paborito niyang Grilled Buffalo Steak," nakangiting wika nito. Maikling tumango lang ako sa sinabi niya. Nilaro-laro ko ang daliri ko para hindi iyong dumapo sa buhok niya at mahablot ko ang buhok niyang halatang pinaghirapang i-wavy bago pumarito. Hindi pa ba siya nakontento kagabi na "I hope you don't mind. Paborito kasi ni Winston ang luto ko," dagdag pa nito. Paborito man iyon o hindi ni Winston, kung may delica