Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Morris. "I hope hindi ka na guguluhin noong lalaking nangungulit sa iyo, kapag kailangan mo ng rescue tawagan mo lang ako," biglang saad nito habang nagmamaneho kaya napatingin ako sa kaniya. "Thanks, but no thanks. I can handle him." "How?" "I know how to crack eggs," simpleng sagot ko. "You are scary," natatawang saad nito. "Don't be offended, pero mukhang masungit ka, tapos hindi ka pa ngumingiti. George, broken ka ba? Sinaktan kaya nagkaganyan?" may pagka-usyuserong tanong nito. "No." "Sure ka?" Tiningnan ko lang siya pero hindi ako sumagot ulit. Napailing na lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. I know he is trying to be friendly, but I am too lazy to make friends. Isa pa wala akong social battery kay