Matapos maubos ng dextrose na ikinabit sa akin ay lumabas na rin ako ng hospital. Medyo maayos na ang pakiramdam siguro, medyo nawawala na ang pagkahilo ko dahil sa ikinabit sa akin at sa inom na ininom ko. "Salamat, pasensya na sa kayo sa abala," saad ko habang nagbabyahe kami. Ihahatid niya ako pauwi sa bahay. "Hindi ka abala. Isa pa kasalanan ko kung bakit masama ang pakiramdama mo. Dapat hindi ka na talaga pumasok at nangpahinga lang para hindi na lumala pa ang nararamdaman mo. Huwag mong isipin ang trabaho mo, may iba namang pwedeng gumawa noon habang nagpapagaling ka. Isa pa, hindi naman kita tatanggalin sa trabaho kahit isang taon ka pang mag-leave," saad nito habang nagmamaneho. "Bakit naman isang taon?" Ilang araw ko lang naman kailangang magpahinga sabi ng doctor. "What if y