Chapter 25: He wants something

1616 Words

GEORGE Maaga akong pumasok. Wala pa ang boss ko nang dumating ako. Tumawag lang ito na may biglaan itong meeting na wala sa schedule nito. Hindi naman niya nabanggit sa akin kung tungkol saan ang meeting niya. Baka personal, kaya hindi na niya sinabi pa. Kasalukuyan akong subsob sa trabaho nang biglang may isang babaeng nagmamadaling lumapit sa akin. "I want to talk to your boss," bossy na bungad nito kaya napataas ang kilay ko. Sino na naman ito? Bagong babaeng naghahabol sa boss ko? Bakit ba hindi sila nauubos? "He is not here, ma'am," sagot ko sa kaniya. "May I know who you are?" "Are you sure he is not here? Baka naman tinatago mo lang siya," mataray na saad nito na hindi sinagot ang tanong ko kung sino ito. "Why would I hide my boss? I am sorry, but do you have an appointment?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD