Chapter 2

1748 Words
*CLOUD POV* "Yes, it'll be more convenient for me," sabi ko pa habang nag-ayos ng mga dalang bagahe sa aking walk in closet. "Okey, then. Baka bukas din ay ipapa-anunsyo namin sa clubhouse ang pagdating mo. Any orders?" Tanong pa ni tita Nikita sa akin na noo'y nakaupo sa aking kama. Tinapunan ko lang siya ng magandang ngiti na tila alam na nya ang ibig sabihin n'on. "Okey, I'll cater that thing. I mean that place," sabi pa nito bago pa tumayo at lumapit sa akin para bigyan ulit ako ng halik sa pisngi. "I'll go ahead, hijo. See you later sa dinner." Sabay tapik sa aking ulo na gaya ng ginagawa niya dati. Sa totoo lang isa si tita Nikita sa pinaka-cool na kaibigan ni mamay Summer. Lumaki ako sa presensya nya lalo na kapag may party sa mansion. Siya ang laging nirerequest ni ate Shine na mag-DJ sa aming mini club sa seaside lounge. Kaya naman hindi kataka taka na parang kapatid ko na rin ito. Gayundin si ate Shine sa kanya. Sa totoo nga, dahil sa amin ay nakita nya ang kanyang naging asawa ngayon, si Tito Yvan. Ang ahead na commandant ko sa batallion noon sa training camp. Nakita ko pa itong lumabas sa aking silid habang may tila naiwan yatang bagay sa aking kama ito. It's a card for something. Nilapitan ko pa ang bagay na iyon at kunot noong pinasadahan ang nakasulat. "Royal Casino VIP Pass," sambit ko pa habang napalinga sa kabuuan ng kwarto. Mas nagulat pa ako nang makita ang nakasulat na cardholder sa likod na iyon. "Claudio Romero." The what? Napakamot ako sa mahabang buhok habang isinalampak ang pang-upo sa kanina'y pwesto ni tita Nikita. Napabuntung-hininga na lang ako nang mag sink in sa utak ko ang mga bagay na kanina lamang ay pinapaliwanag ni tita sa akin. Earlier.. "Cloud, heto ang lounge area, doon ang VIP at dito ang regular client. You can walk also to our personal lounge there," sabay na pahayag habang ang kaliwang kamay naman ni tita Nikita ay nakaturo sa may beach line na bukana ng gusali. Actually, I don't even care what I said, pagod kasi ako ngayon. Kaharap nito ang boarding road kung saan naroroon ang port area ng mga nakahilerang yate at isang maliit na helipad para sa mga aerial vehicles. Tamad ko pang nilinga ulit ang bandang iyon na may nakahilerang wave board. Hmmm..I see. I'll not be bored here. I guess. Litanya pa ng isip ko habang nag iimahinasyon sa posibleng gawin ko kapag walang gagawin na asignatura o operasyon bilang monitoring head dito sa pulong tinatawag bilang Hidden Paradise. Not bad. They have amenities here na nakasanayan ko rin sa villa mansion ni daduds at sa isla Cristostomo. Ang islang pagmamay Ari ni daduds sa Cebu. Iisa lang naman ang kaibahan ng Palau sa mga resort na nakasanayan ko. Ang mga taong magmamaniobra at nagpapatakbo ng ganitong klaseng kalakaran. Kaya nga'y minsan ayokong mamalagi sa poder ni Dada Storm dahil kung mahigpit si daduds Bimbo sa akin. Mas nakakasakal naman si dada Storm, lalo kapag patungkol ito sa akin...sa akin bilang panganay niyang lalaki na anak. At sa hindi maipaliwanag na rason ay mas nakikiayon ako kay daduds, dahil para sa akin, kahibangan ang mapabilang sa isang Romero. Tss. Kahibangan.. Isang kahibangang kinabibilangan ng aking pamilya sa mga aristokratang gaya nito. "Yes, tita. Thanks for the assistance but it'll be better for me to stay near in the sand. I want to have a private wakeboard area and also a skiing jet. And that would be great." Sabi ko pa kay tita Nikita na noo'y namilog ang mga mata. "You know how to play water sports, hijo?" namamanghang tanong pa niya sa akin. Obviously, dahil siguro sa pagkakaintindi nito na sanay ako sa kagubatan at sa mga pang-militar na bagay, pero sa totoo lang mas nawili ako at nasanay sa mga pang dagat na mga laro lalo na't namulat ako sa tabing dagat sa Cebu. "Yeah," simpleng sagot ko bago isinuklay ang kamay sa aking mahabang buhok. Itinaas ko pa ang kanang kilay bago pasimpleng nagyabang. "I am a wakeboard and water ski master.." Sabay palatak ng pwesto sa dalawa kong kamay sa aking tagiliran. "Ahh, I see.. I see," sabi pa ni tita sabay tango ng pagsang ayon sa akin. Ngumiti pa ako bago nagsalita muli. "I want to have a private villa here." I demand as I check by my sight that castle-type lighthouse na nakapuwesto sa tabi ng dagat. "Oh sige, kung 'yan ang mas ikaka-komportable mo'y sasabihin ko sa management." Wika nito na may pag sang-ayon. Napansin ko pa na narating na pala namin ang pansamantalang silid ko at noo'y naging abala sa pag labas ng mga gamit ko sa aking bagaheng dala. Nakaupo lamang si tita sa kama habang pinapasadahan ako ng tingin. "Okey lang ba talaga sa'yo na doon ka mamalagi sa lighthouse?" "Yes, it'll be more convenient for me." I responded to her without looking her way. "Okey, then. Baka bukas din ay ipapa-anunsyo namin sa clubhouse ang pagdating mo. Any orders?" Orders? Ano nga ba? Hmm..napangiti pa ako nang maalala ang nakahilerang yate doon sa labas. I want to have an extreme sports using that thing. And I know tita Nikita won't let me upset by not letting that happen. Tiningnan ko lang ito at makahulugang sinipat ang aking bintana na noo'y nakasentro sa mga nakahilerang yate sa labas. "Okey, I'll cater that thing...I mean that place." Sabi pa nito bago pa tumayo at lumapit sa akin para bigyan ulit ako ng halik sa pisngi. "I'll go ahead, hijo. See you later sa dinner." Sabay tapik sa aking ulo at iyon nga'y lumabas na ito sa aking silid. Mayamaya pa'y tinahak ko ang bintana. It's late in the afternoon but I can see the cold breeze of the air outside. Sinipat ko pa ang relo at nakita ang oras. Alas kwatro y medya na. Napangiti naman ako dahil sa naiisip na gagawin sa labas. Madali pa akong nagbihis at sabik na tinungo ang lugar na iyon. *WINDY* "Animal ka talaga dhay!" Pabalik-balik na litanya ni Criztelyn sa akin habang humahagikhik ako sa pagkwento ng kahibangan kaninang umaga. "Oo nga, eh, paano hindi ko napansin, eh. Malay ko bang nahulog na pala ang saplot ko na kumot. Kaya pala siguro hindi ito nakatingin sa akin.." Halos mabilaokan pa ako habang lakas tawang inaabot ng sampal ang braso ni Crizzy. Nandito kami sa tabing dagat habang nagbababad sa sikat ng dapit hapon. Suot pa namin ang bohemian tubes na kung titingnan ay parang twinable outfit namin ngayon. Naka shorts si Crizzy ng maong habang ako nama'y kulay black na high waisted thong. Yes, absolutely. I am just wearing my perfect thong with this bohemian tube. Kaya naman kanina pa kami pinagtitinginan ng mga dumadaang tourist sa royal club area na iyon. Pasimple pa kaming sumalampak sa plastic chaise doon at nagpatuloy sa pag inom ng aming Lime flavoured Mimosa drink. Hanggang sa may dumaan sa aming harapan na dahilan upang mabilaokan ako habang sumisipsip sa straw ng aking baso. Bahagya pa akong napabangon sa pagkakasandal. "Uho-uho!" "Hoy! Okey ka lang dhay?" Dinalohan pa ako ni Crizzy habang hinahagod ang aking likod. "Animal! S-siya 'yon, eh.." Hindi ko pa halos masambit ang sinasabi dahil halos malaglag ang panga ko sa kabuuan ng lalaking kani-kanina lang ay lumagpas sa aming harapan. Naka sunglass ito ng itim habang naka sports trunks na pang wakeboarding, dala-dala pa nito ang kaniyang board at halatang nakatuon lamang sa dagat ang paningin. Animal! Siya 'yong putok muscle na gorilyang 'yon. Halos hindi ko pa namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniyang likuran. Kahit pa hindi ito humaharap ay plakado pa rin ang matitigas na bulto ng kaniyang likod na halatang-halata sa pag-ge-gym. Taga rito kaya ang gorilyang 'to? O isa sa mga client ng rampage island? "Dhay, magtrapo ka nga ! Tumutulo na 'yang laway mo, oh!" Sambit pa ni Crizzy na nagbibiro sa akin habang nagpapalit palit ng tingin sa akin at sa lalaking nakatayo sa dagat. Parang may hinihintay itong bugso ng hangin at hampas ng alon. "Type mo.. ano?" Litanya pa ni Crizzy sa akin, kaya naman inabot ko ang singit nito at mariing kinurot iyon. Kung hindi ko lang 'to kilala at naging isa sa mga kasabayan ko na bugaw sa Casino, siguro'y pina-straight ko na ang buhok nito sa ibaba. Nakaka-imbyerna rin kasi minsan ang pagiging matabil nito. Gaya sa akin. Duh! "Sssh. Tahimik ka nga, manood lang tayo," sabi ko pa kay Crizzy. Kaya 'yon, tanging pagsagwan at pagmamani-obra ng lalaking iyon sakay sa kaniyang board at ang kaniyang makalaglag thong na exhibition lamang ang aming pinanood sa halos isang oras. Sa totoo lang kahit pa malayo ito ay tanaw na tanaw ko ang mayabang na umbok nito sa harap na i-niimagine ko kung ano ang hitsura. Kagat-labi pa akong nanood nang hindi sinasadyang mapako ang tingin niya sa akin. Para kaming naging koneksyon ng alon. Matagal iyon na tila pinapanood ang aming bawat hitsura. Ako, dito sa plastic chaise at nakabukakang naka-upo habang ikinakalawit ang mga braso sa aking mga tuhod. Siya, na nakasakay sa board habang ikinakampay ang magkabilang braso sa tubig. Weird na gorilya talaga... *CLOUD POV* "Damn!" Mahinang litanya ko ulit nang masipat ang babaeng may pamilyar na mukha. Gaya kanina'y tanaw ko na naman ito sa kalayuan habang naka upo ng ganoon. Her awkward sitting position wearing those thongs makes my thing gone wild. She's a liberated braveheart to do such things. Nakita ko pa itong napangiti sa aking gawi na pinapasadahan din ang aking dibdib na noo'y litaw dahil sa walang saplot na suot. Parang ako yata ang nahihiya ngayon sa ginagawa nito. Damn again! Mas bumilis pa ang t***k ng puso ko nang makita ko itong tumayo at tumalikod sa akin na tinatahak ang daan papuntang main patio. "Bootylicious Ass," sambit ko pa sa pang-upo nito na malayang nakikita ng kahit na sino habang arisgadang naglalakad ng normal. Kasama pa nito ang isang babae na gaya niya'y tila walang pakialam sa mundo. "Warfreaks.." I murmur as I help myself to catch the last wave. Napangiti na lang ako sa sarili habang iniiling ang ulo. I guess, she's having the guts.. A guilty dropping guts. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD