Chapter 3

1672 Words
*Cloud POV* "Ugh." naisambit ko pa habang namalayan ko ang sikat ng umaga sa aking mukha. It's my first morning here in Palau, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanggap ang mga nagdaang pangyayari bago ako napunta rito. Sapo ang ulo na damang dama ang mabigat na pakiramdam ay marahan pa akong bumalikwas mula sa pagkakahiga. Sumandal muna ako sa kama bago tuluyang tumayo. I saw my messy long hair that time. Kaya naman, kinuha ko ang isang bandanang palagi kong daladala at iyon ang ginamit na pang tali sa aking mahabang buhok. I slowly walk to my mini veranda at napahawak sa railings n'on. Suot ko lamang ang boxer shorts habang walang pang itaas. Nasanay na ako na ganito ang suot sa kampo. Nilinga linga ko pa ang mga katabing veranda sa kabilang banda. Wala sa isip akong natameme bigla nang mapansin ang isang pigura ng babae na alam na alam ko ang hitsura. Maitim ang buhok, balingkinitan, may pagka tan ang kulay ng balat at ang perpektong hubog ng pangangatawan. Sya ba 'yon? Tanong pa ng sarili ko. Kahit animo'y alam ko naman ang kasagutan. . Mataman lamang itong naka indian-squat na tila nag yoyoga. I know these types of wellness routine, ganito rin sila Darlene, ate Shine at mamay Summer sa mansion. They all got that girl issue things. Tss. Mga babae talaga. Papatalikod na sana ako ng bilang may sumipol sa kung saan. Napalingon pa ako at nilinga ang kabuuan ng paligid. This building has six storey level na may pa kwadranggulo ang hugis na sakto namang malawak ang espasyo at napapalibotan ng karagatan. It is the main building of Rampage Island o tinatawag nila Dada Storm na 'Hidden Paradise' . Nalingonan ko pa ang gawi ng babaeng iyon na may pagitan lamang ng tatlo o apat na kwarto mula sa akin. Natatanaw ko ito sa right wing habang siya naman ay nasa left wing ng gusali. Kaya naman para kaming nagkakasalubong ng tanawin. Nakita ko pang kumaway ito sa akin gaya ng pagkaway niya dati. Tumaas bigla ang kanang kilay ko at nagkibit beywang. Hmm.. Ano naman kaya ang pakulo ng babaeng 'to? satsat pa ng isip ko at nanatiling nakaganuong pwesto. "Pssst! Anong pangalan mo?" Medyo may kalakasan pang sigaw ng babaeng iyon. Seryoso, ang aga aga nyang nagsisisigaw sa bahaging iyon na nag eecho sa kabuuan ng gusali kaya naman nataranta ako at napalinga sa ibang gawi roon. Naisabi ko pa sa pamamagitan ng aking hintururo na tumahimik ito habang itinuon iyon sa aking bibig. Seryoso, nakakailang sa kakulitan ang babaeng warfreak na 'to. Tsss. Ang taas ng hangin sa katawan eh. Parang walang pakialam sa ibang mabubulahaw sa ingay nya. Umiling pa ako habang may kinuhang papel sa kung saan. Tahimik ko ring sinulat doon ang aking pangalan bago iyon tinupi na gaya ng eroplanong papel at pinalipad iyon sa gawi niya. Sakto namang nag-landing iyon sa kanyang harapan at nakita ko pa ang pagpulot niya sa bagay na iyon. Sa hindi malamang dahilan ay humagalpak ito ng tawa na dinig na dinig ko sa aking kinatatayuan. Tsss. Ayan na nga ba sinasabi ko, may tuktuk talaga 'to sa ulo, eh. Marahan pa akong napa-face palm at umiling. I must ready myself now. Ngayon na ang pagpapakilala ng management sa akin bilang monitoring head sa lugar na 'to, pero heto't para akong nasiraan na rin ng bait habang nakikipag saranggolang papel ng liham sa babaeng may tuktuk na iyon. "---I'm WINDY! you can call me anytime..anywhere and in any position. " dinig ko pa sa kanya habang tinatahak na ang looban ng aking kwarto. The what---? Napahinto ako sa paglalakad. "Windy..hmmm. " hindi ko ito hinarap bagkus ay nagpatuloy sa pagpasok ng aking kwarto. Nasilayan ko na lang ang sarili sa salamin na napapangiti sa sinabi niyang iyon. Tss. Mahangin talaga.. Bagay nga naman ang pangalang 'yon sa gaya niyang tila hangin na malaya, hindi gaya ko na nakatali sa aking apilido na Romero, ang apelido't pangalang Cloud Romero. *** Nandito ako ngayon sa harapan ng madla, at nakatayo sa kanilang lahat habang kasama ko ang iilang staffs ng Rampage Society dito sa isla ng Palau. Dito ginanap ang pagpapakilala sa akin sa tinatawag nilang clubhouse area. Tanaw ko pa ang mga mangilan ngilan na namumukhaan ko noon sa mga okasyon kung saan dala dala kami nila Dada Storm at Mamay Summer. I am exposed of this nature, pero ako lang naman ang ayaw na maki-blend in. Lutang akong nakaharap sa kanila sa aking matikas na pagtindig. Suot ko ang khaki green na plain t-shirt at isang cargo pants na beige. Hinayaan ko lang ang aking buhok na ganuon ang hitsura na kung titingnan ay napaka gulo at wala sa pwesto. Mas magulo, mas nagugustuhan ko. I like how I look as a rough-dirty looked guy. It's my way to deny myself from being exposed to some woman. Seriously, parang allergic ako sa mga ito. And that's why even my dearest friend Oasis Star choose not to chase me again. I even busted her last time when she told me, she like me. Sa totoo lang kababata lang at parang kapatid ko lang si Oasis. Ang aking kababata noon. As I recall her, ay napabuntunghininga na lang ako. Kanina pa sila nagsasalita ng kung anu-ano pero walang ni isa sa mga iyon ang nasisink-in sa memorya ko. Ang tanging nakapaloob lamang sa isip ko ay ang salitang PROTEKSYON. Ako ang magiging depensa bilang lahat dito sa isla. That's all. Nothing less and nothing more. Tsss. Aksaya lang sa oras ang bagay na 'to. Lihim pa akong umirap ng tingin sa isang banda nang mapako ko ang paningin sa kung sinong kakarating lamang. Matangkad, may pagkablondee ang buhok nito na noo'y nakalugay lang, suot niya ang plain T-shirt at jeans na kung titingnan ay parang mag-oojt lang ng catering services.. Pero-- Napasmirk na lang ako nang matingnan ko ang kanyang mukha. Halatang pagod ito at gaya ng unang araw ng paglapag ko rito ay wala sa histura't lutang.. It's her. My cousin Reece. Nang mapako ang kanyang tingin sa akin ay nakita ko pa ang pag iba ng mood niya habang marahan pa itong tumahak ng distansya papalapit sa akin. "Cloud.. " "Reece.. " pagbabatian naming dalawa na noo'y naging center of the eyes ng clubhouse. Eh, bakit nga ba? Nasa kalagitnaan ng pagsasalita ang isang babae hawak ang mikropono habang kaming dalawa ni Reece ay may sariling mundo na ngayo'y nagyayakapan. Nang maiwalay namin ang aming mga sarili ay bigla pa niyang sinuntok ang aking matigas na dibdib at pasimple pang nag high five sa akin. Well, it's our sign since then. Reece was my student in muay thai at kickboxing noon. Mas malapit ako sa kanya sa lahat ng pinsan ko dahil pareho kami ng istilo. She has the fierce-swag style of a girl na may pagka-tigasin. She's even qualified to be a weapon shooter. Lahat yata ng ensayo ko noon sa kampo ay naituro ko sa kanya. And that's how me and Reece bond like this. As a sugar coated generation of family Galvez. "I missed you, how's Italy? " sabi ko pa na hindi alintana ang pag pause ng emcee sa kabilang banda. "All is well.. and you? " balik na tanong pa niya sa akin. Pero bago pa ako makapagsalita ay may kung sinong umalingawngaw ang boses gamit ang isang mikropono. Napalingon pa kaming lahat sa gawi niya na noo'y hatak hatak ang nag iisang mikropono na gamit kanina ng emcee. "Mic check! One two three! Ehem. Nga pala ano.. Pwedeng mamaya na kayo maglampungan dyan, patapusin na muna ninyo ang meeting na 'to dahil halos dalawang oras nang delayed kaming mga empleyado dito. " at iyon nga, walang iba kundi ang mahangin na may tuktuk sa ulo na babaeng 'yon. It's Windy. Nakasuot pa ito ng black bunny attire na swimming suit cut- style na litaw ang mahaba nitong legs. May suot din itong ID na nakalugay sa leeg nito at nang masipat ko iyon ay nanlaki ang mata ko. Royal Casino Dept. The what--? Empleyado si Windy sa Rampage Society? Ni hindi ko nga napansin ito kanina dahil sa sobrang kalutangan ko. And there, we closed the meeting with an epic awkward moment. Nagsi-alisan na ang lahat ng empleyado sa Clubhouse. Tanging kami na lang ni Reece at ang ubod lakas makahangin na may tuktuk na babaeng 'to ang nandoon at nakatayo. Nakacrossed arms pareho sila Reece habang tila nag sisignal ng pagpapasadahan ng tingin.. I know Reece, I know her better than anyone else. Gaya rin siya ni ate Sunshine na hindi nagpapa alas. Kaya naman, sa hindi maipaliwanag na bagay ay imbes na si Reece ang hilahin ko sa lugar na iyon ay marahas kong hinila papalayo at walang lingon lingon sa paglakad ang inakala kong si Reece. Naglilitanya pa ako sa hallway habang hila hila ito. "Don't mind her, she's just an annoying woman.. She even do the same to me, last time. Alam mo bang nakita ko ang---" hindi ko na naituloy ang pagsasalita nang mapalingon ako sa hawak hawak ng kamay ko. Para akong naitulos sa kinatatayuan. Dahil, nakita ko pa itong nakangiti ng ubod tamis at tila nakikipaglaro sa akin ng pagtitig. "Anong nakita mo.. Hmmm? " rinig ko pa ang kanyang mapang akit na boses. Bahagya pa itong lumapit sa akin at pinasadahan ng tingin ang aking dibdib. And, dammit! She even touch those things without my permission. Para akong na-harass ng babae habang masagana pa niyang pinipisil ang ibabang bahagi ng aking dibdib. Sa bandang kalamnan at ang magkabila kong braso. "Nice. " tanging sambit niya na noo'y rason na para akong nanghihina at tila ginapangan ng takot. Dinaig pa nang presensya nito ang pagsabak ko sa isang giyera. Damn! "Afraid of me? " sambit pa nito na noo'y inabot ang mukha ko na may kataasan mula sa kanyang pagkakatayo. She slowly reach my cheek and sealed my innocent skin with her sinful kiss. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD