"Lumabas ka na ng kwartong ito, Nika, ako na ang bahala sa kanya," pagtataboy ni Seth sa aking Ina. "Okay. July anak, sa maintindihan mo si Mama. Ayaw ko lang nag-aaway kayo ni Seth, kaya pinipigilan kitang lumabas," anas sa akin ni Mama. Hindi ako nagsalita sa mga kasinungalingan ng aking Ina. Labis akong nalulungkot at naaawa sa ugali nito. Masunod lang ang gusto nito ay gagawin ang lahat ng ikakasira ko. Ibang-iba ito, pakiramdam ko'y malaki ang galit niya sa akin. Napaisip din ako na kung Ina ko ba talaga ito? Pero alam kong tunay ko siyang Mama dahil sa mga picture na nakita ko noon na kalong-kalong niya ako noong bata pa ako. Kaya alam kong siya ang Ina ko. Haggang sa marinig kong humakbang si Mama para lumabas ng kwarto. narinig ko ring inilock ni Seth ang pinto ng silid. Pagka