Matuling lumipas ang araw. Sa ngayon ay mahigit isang linggo mula nang makalabas si Mama sa hospital. Kasalukuyan akong nandito sa sofa habang hinihintay ang magiging private nurse ni Mama. At sa loob ng isang linggo ay wala akong naririnig na mga masasakit na salita kay Mama. Dahil siguro sa usapan namin. Pero ang hindi ko malilimutan ay ang pagbabanta sa akin ni Mama, oras daw na magsumbong ako kay Seth ay ang pagbabalingan ng galit ni Mama, ay si Papa. Kayang-kaya raw na ipapatay ni Mama ang aking mahal na Ama. Iyon ang 'di ko matatanggap. Kaya nga sumang-ayon ako sa plano nito. Kaysa naman mapahamak si Papa. Ayaw ko rin naman abalahin si Seth. Lalo at ilang araw na itong busy sa kanyang trabho. Kanina nga ay nagpaalam sa akin na may business trip daw itong pupuntahan. At baka abutin