Mahiwagang Kahon 4

1324 Words
"Dapat lang akong umiwas sapagkat babatuhin mo ako ng vase. Hindi ko naman hahayaang magasgasan ang gwapo kong mukha," mayabang na sagot nito sa akin. Sabay upo muli sa sofa. Ako naman ay nanggigigil sa galit para kay Seth Lawson. Naku! Ang sarap kulamin ng lalaking ito. "Ano July, papayag ka na sa gusto ko?" tanong nito sa akin. At wala man lang kangiti-ngiti sa mukha nito. "Isang malaking "NO" hindi pa ako nasisiraan ang ulo para sumang-ayon sa gusto mo!" sigaw ko sa lalaki. "Okay! Pero alam kong babalik din ka rito. Sige na umalis ka na! Inabala mo pa ako wala naman pala akong mapapala sa 'yo!" singhal nito sa akin. Nasa mukha rin nito ang iritasyon. Pairap na lamang akong tumingin sa lalaki sabay talikod dito. Pabagsak ko ring sinadaro ang pinto. Nakakainis! Paano kaya mapapawalang bisa ang kasal namin? Kailangan kung mag-isip ng paraan. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gusali nang bigla akong harangin ng limang lalaki. Kaya naman lalong sumama ang timpla ng mukha ko. "May kailangan ba kayo? Ano'ng gusto ninyo? Away, oh, gulo? Sabihin lang ninyo nang mapagbigyan ko kayo!" tapang-tapangan na turan ko sa mga lalaki. Napansin kong nagtinginan sila sa akin mga tinuran. At pansin ko'y hindi sila natatakot sa akin. "Paumanhin po, Ms. July. Pero muli po kayong pinababalik ng boss ko sa itaas ng hotel," saad ng lalaking medyo mataba. "At bakit daw? Tapos na ang usapan namin. Kaya hindi na ako babalik sa amo mong mukhang tumbong!" walang pakundangan saad ko. Sabay lihis ng daan upang umiwas sa mga lalaking tauhan ni Lawson tumbong. Kaya lang ay muli na naman akong hinaran ng mga ito. Kaya itirang tumingin ako sa mga ito. "Ano bang promblema inyo? Saka uuwi na ako!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung maging palengkera ang labas ko sa kanila. "Ms. July, pasenya na po. Pero kung ako sa inyo ay bumalik po ulit kayo sa itaas dahil may sasabihin pa raw ang boss ko sa iyo," pagsusumamo na saad ng isa pang lalaki. "Eh! Kung ayaw kong bumalik? Ano'ng gagawin ninyo?!" palatak ko. Pero bigla akong kinabahan. "Mapipilitan po si Boss na bumaba para muli kayong ibalik sa itaas ng hotel," sagot ng tauhan ni Seth. Napa-isip ako. "Sige! Sige! Pupunta na ako roon!" pagalit na sabi ko, sabay talikod at nagdadabog na humakbang paalis sa limang lalaki. Agad akong pumasok loob ng hotel. Ngunit naghanap ako ng fire exit para roon dumaan. Saka, wala na akong balak na makipagkita sa lalaking iyon. Mag-iisip ako ng paraan. Bahala na, ang mahalaga ay mapawalang bisa ang kasal naming dalawa. Para magpakasal na ako sa boyfriend ko. At nang makakita ako ng fire exit ay malalaki ang mga hakban ko para dumaan doon. Saka ko na babalikan si Seth. Kapag pumayag na ito sa aking gusto. Nagdiwang naman ako nang tuluyan akong makaalis sa hotel. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa tinutuluyan na bahay namin ni Maya. Nakita ko ang aking kaibigan na busy pa rin sa panonood ng tv. Ako naman ay napasimangot habang papalapit dito at naupo sa sofa. "Oh! Ano'ng nangyari sa pagmumukha mo at tila binagsakan ng durian, July? Hindi mo ba nakausap si Mr. Lawson?" sunod-sunod na tanong ni Maya sa akin. "Nakausap. Ngunit mahirap pa lang makipag-usap roon maraming demand! Nakaka high blood lamang!" palatak ko sa aking kaibigan. "Paano iyon? Hindi kayo puwedeng magpakasal ni Brix. Kasi kasal pa kayo ni Mr. Lawson?" saad ni Maya. Sabay iling din ng ulo nito. "Bahala na. Gagawa ako ng paraan. Para lang mapawalang bisa ang kasal namin ng tumbong na iyon!" asar na asar na turan ko sa aking kaibigan. "Ano'ng paraan naman iyon? Ang akitin ba siya? para mapapirma mo sa annulment papers ninyo?" tanong sa akin ni Maya. "Hmmm! Puwede rin. Ngunit huwag muna iyon. Mag-iisip pa ako ng paraan. Teka may alam ka bang tao na puwedeng gumawa ng mga gayuma? Para mapasunod ko si Mr. Lawson?" desididong tanong ko sa aking kaibigan. "Mayroon. Ngunit kailangan nating bumalik sa ating probinsya. Dahil mayroon akong kakilala roon na isang matandang babae. Magaling iyon. Saka manggagamot din iyon," anas nito sa akin. "Sige, kung kinakailangan ay bumalik tayo roon ay gagawin ko. Para tuluyan na akong maging malaya sa kasal namin ni Seth Tumbong!" palatak ko. Malakas namang tumawa ang aking kaibigan dahil sa tinuran ko. "Grabe ka kung makatumbong!" palatak ni Maya. "Eh, totoo naman na mukhang tumbong ang lalaking iyon. Nakakainis ang pagmumukha!" pairap na anas ko. "Talaga lang, ha? Eh, samantalang dati halos pikutin mo siya, July," pangangasar ni Maya sa akin. "Dati iyon. Hindi na ngayon. Saka puppy love lang iyon dati. Ngayon ay si Brix na ang mahal ko," sagot ko pa kay Maya. "Okay, tingnan natin sa mga susunod na araw. Teka, ano uuwi ba tayo sa probinsiya?" "Sige, ngayong darating na sabado," sagot ko kay Maya. "Magsasalita na sana ako nang mayroon nagdoorbell sa pinto ng bahay namin. Kaya naman ako na ang nagdisisyon na tumayo para buksan ito. At nang tuluyan kong ma-open ang pinto ay ang tumambad sa akin ang isang delivery boy. May dala-dala itong kahon na hindi kalakihan. Kumunot tuloy ang aking noo. "Ma'am Kayo po ba si Ms. July Fabilla?" tanong sa akin ng delivery boy. "Yes, mayroon ka bang kailangan?" tanong ko. "May delivery po kayo," sagot nito. "Delivery? Sure ka bang sa akin iyan?" tanong kong nagtataka. "Opo. Saka may pangalan po ninyo," anas nito. Sabay pakita sa akin ng pangalan ko na nakasulat sa box. Agad ko naman iyong kinuha upang tingnan kung saan galing. "Mr. Unknown?" basa ko sa pangalan ng taong nagpadeliver sa aki. Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa. . . Unknown? Sino kaya iyon? Kaya naman kahit labag sa akin loob na kuhanin ang kahon ay napilitan ako. Lalo at makulit ang lalaking delivery boy. Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng bahay. "My Gosh! July! Ano iyan? Bakit dinala mo iyan dito sa loob ng bahay?" palatak ni Maya nang makita ako. Habang kinakalog ko ang box na dala-dala ko. "Ha! Saan ko naman ito dadalhin?" tanong kong nagatataka. "Jusko po! Hindi ka ba nag-iisip na baka bomba ang laman niyan? Saka isipin mong mabuti. Sino naman ang magpapadala sa 'yo niyan!" muling palatak ni Maya habang nakatingin sa akin. Ako naman ay bitawan ko ang hawak kong kahon. Kabado rin ang aking dibdib na baka nga bomba nga ang alam nito. "s**t! Bakit mo binagsak, July? Paano kung sumabog iyan!" sigaw muli ni Maya. "Okay fine! Dadalhin ko sa likod bahay!" asar na sabi ko sa babae. Kaya naman maingat kong kinuha ang kahon at agad na dinala sa likod bahay. Ingat na ingat naman akong ibaba iyon nang nandito na ako sa likod bahay. "Dahan-dahan mo lang buksan ang box, July. At kung sakaling sumabog iyan. Ikaw lang ang masasabugan at ligtas ako," walang prenong sabi no Maya. Kaya naman asar na asar akong tumingin sa aking kaibiga. Ngunit ngumisi lamang siya sa akin. "Sige na, July. Bukas muna," utos sa akin ni Maya. "Ayaw ko! Gusto kong dalawa tayong magbubukas," sagot ko sa babae. Masamang tingin naman ang binigay niya sa akin. Ngunit wala na itong nagawa nang bigla ko siyang hilahin papalapit sa box. Pagakatapos ay sinimulan na naming buksan ang kahon. Subalit sobrang kaba naman ng dibdib ko. Sari-saring isipin din ang laman ng utak ko. Paano nga kung bomba ito? At sumabog kapag binuksan namin. "Sabay nating buksan," anas ko kay Maya. "Nakakainis ka, July! Idadamay mo pa akong mamatay!" asar na sabi nito sa akin. "Maganda nga iyon. Para sabay tayong matitigok. Di ba nga walang iwanan," abnormal sa sagot ko sa aking kaibigan. "Aray!" sigaw ko nang bigla akong batukan ni Maya. Gaganti sana ako rito. Nang bigla nitong buksan ang box. Subalit ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko nang tuluyan ang loob ng kahon. "Jusko po!" bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD