Parang hindi ako makapaniwala na ito pala ang laman ng kahon. Sinong baliw na tao ang nagpadala sa akin nito? Nasisiraan na ba iyon ng ulo?
Kaya naman agad kong kinuha ang laman ng kahon at pinakatigtigan ko pa ito ng husto at baka namamalik mata lamang ako. Ngunit hindi naman nagbago. At talagang isang buong limang piso lamang ang laman ng kahon.
"July, may kaaway ka ba? Oh, baka naman ang tingin sa 'yo ay isang babaeng nagpapalimos sa kalye kaya pinadalhan ka ng isang buong limang piso!" palatak sa akin ni Maya. Nakikita ko rin sa mukha nito ang 'di makapaniwala.
"Ha! Alam mo naman na hindi ako nakikipag-away. At ang tanging kaaway ko lang ay si Seth. Ngunit malabong gawin iyon ng lalaki, sa akin. Dahil busy na tao ang katulad ni Mr. Lawson," anas ko sa aking kaibigan.
"Kung ganoon sino ang nagpadala niyan, sa 'yo? Saka, bakit hindi man lang dinagdagan kahit isang libo. Para naman matuwa tayo sa kahon na iyan," tuloy-tuloy na litanya ni Maya.
Isang malakas na tawa lang ang ginawa ko sa mga sinabi ni Maya. Pagkatapos ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay para mag-isip ng matino.
Hanggang sa sumapit ang alas singko ng hapon. At dumating na rin si Brix. Paglapit sa akin ay agad akong hinalikan sa aking pisngi. Ito ang nakakatuwa sa aking nobyo hindi ito basta nang hahalik. Ang sabi nito ay gagawin lang daw namin iyon kapag mag-asawa na kami.
"How are you, babe?" tanong sa aking ni Brix. Agad ko itong niyaya sa loob. Ngunit ang sabi nito ay sandali lang daw siya rito. At dito na lang daw kami salabas mag-usap.
"Nakausap mo na ba ang ex-husband mo?" tanong nito sa akin.
"Hindi, eh. Ang hirap kasi noong hagilapin," tanging nasabi ko na lamang sa lalaki. Gusto ko kapag sasabihin ko rito ay okay na ang lahat at pumuyag na si Seth sa aking gusto.
"Okay, sabihan mo na lang ako kung ayos na ang lahat para maayos natin ang ating kasal, babe," anas nito sa akin.
"Okay," sagot ko rito. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin si Brix. Mayroon pa raw itong pupuntahan. Nakangiting kumaway pa ako sa aking mabait na nobyo. Wala na talaga akong masasabi rito. Sabi nga nila sobrang swerte ko raw kay Brix.
Masaya ang tabas ng mukha ko habang nakatingin sa kotse ni Brix na papalayo na sa akin. Hanggang magulat na lang ako sa kotseng biglang sumulpot sa aking harapan. Sobrang bilis ng mga pangyayarin. Hindi nga agad ko nakapagsalita.
Nakita ko na lang ang kahon na inihagis sa akin ng tao na nakasakay sa kotseng kulay puti. Hindi naman ako natamaan ng kahon. Sapagkat sa tapat ko lang iyon bumagsak. Kahit gusto kong sigawan ang nakasakay roon ay sobrang late na sapagkat ang layo-layo na ito.
Kaya naman kahit natatakot sa box na nasa harapan ko'y agad ko iyong kinuha. At binasa kung saan galing na naman ang kahon na ito.
"Mr. Unknown," mahina kong pagbasa sa pangalan ng nagpadala ng kahon. Kaya medyo natakot ako sa nilalaman ng kahon. No choice na lang ako kundi ang box sa loob ng bahay
"Oy! Ano iyan? Mayroon naman ba? Buksan na natin!" palatak ni Maya nang makita ang hawak-hawak kong box. Nagsalimbayan sa pagtaas ang kilay ko dahil excited pa si Maya na buksan ang kahon.
Nagulat pa nga ako nang bigla niyang kuhanin sa aking kamay ang box. Ay ito na mismo ang nagbukas. Kaya naman hinayaan ko na lamang si Maya. Hanggang sa tuluyan nga nitong mabuksan ang box.
Nagulat pa ako nang biglang tumawa ng malakas si Maya. At pagkatpos ay kinuha ang laman ng box at pinakita sa akin.
"Limamg piso ulit ito, ah. At ngayon ay mayroon ka ng sampung piso. Itabi mo muna ito. At kapag marami ang pera ay paghatian na natin, July," anas ng babae sabay abot sa akin ng buong limang piso.
Nakangiwing tumingin naman ako sa aking kaibigan. Sabay kuha ng limang piso na buo mula sa kamay nito. My Gosh! Sino kayang nilalang na iyon ang nagpapadala sa akin nito? Hindi kaya nasisiraan na ito ng bait. At ako ang pinagtitripan. Napakamot na lamang ako sa akin ulo. Sabay punta sa aking kwarto para matulog na lang. Kaysa isipin kung sino man ang loko-lokong tao na iyon.
Pagdating nga sa aking kwarto ay agad akong nahiga. At tuluyang nakatulog. Nagising lamang ako sa mga katok sa pinto ng kwarto ko. Walang iba kundi si Maya. Kaya naman inis na inis akong bumangon para pagbuksan ito ng pinto.
"Saan ba may sunog at nagmamadali ka sa pagkatok?" tanong kong naiinis sa aking kaibigan.
"Walang sunog! Subalit may dumating kang bisita, July. Nandiyan ang ex-husband mo!" palatak nito sa akin. At tila kilig na kilig.
Ako naman ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Maya. Hindi rin ako makapaniwala sa aking narinig.
"T-Totoo ba? Nandiyan siya ngayon?" tanong kong nanlalaki ang mga mata.
"Oo nga sabi, nandiyan siya. At hinahanap ka. Gusto ka raw makausap," anas muli sa akin ni Maya.
"S-Sige, susunod na ako sa ibaba," sagot ko rito.
Kaya naman kahit may pag-aalala sa aking isipin at nagtatanong din kung bakit napasugod ang lalaki rito sa babay? Nagdesisyon na lang akong bumaba para malaman ko kung ano ang dahilan ng lalaking iyon!
Malalaki ang mga hakbang ko papaba sa munti naming hagdan. Nakita ko agad ang likod nito habang nakaupo sa sofa.
"Mr. Lawson. Ano'ng masamang hangin ang pumasok sa utak mo para puntahan ako rito sa bahay ko?" tanong ko agad nang makalapit ako rito.
"My wife, walang masamang hangin ang pumasok sa aking utak. Saka natural na puntahan ko ang aking asawa," sagot nito sa akin.
Pairap tuloy akong naupo sa sofa na katapat ni Seth. "Mr. Lawson, baka nakakalimutan mong hiwalay na tayo? At hindi na kailangan pang magkita!"
"Hiwalay? Sa aking pagkakaalam ay kasal pa rin tayo? At may karapatan pa rin ako sa 'yo, July. Puwede ko kayong kasuhan ng boyfriend mo," seryosong sabi ni Seth sa akin.
Ako naman ay hindi agad nakapagsalita. Tama nga naman ito. Puwede akong kasuhan. Mayamaya pa'y muli na namang umataki ang bibig ni Seth.
"Puwede kong sabihin na kaya ka umalis ng bahay natin dahil sumama ka sa boyfriend mo, July."
Kaya sa sinabi nito ay lalo akong natakot. Alam kong kayang-kaya nitong gawin iyon dahil mapera itong tao. Saka kung sakaling mangyari man iyon. Madadawit naman ang pangalan ni Brix. Lalo at kilalang tao rin ang boyfriend ko. Jusko po! Para akong nasa gitna na dalawang nag-uumpugang bato. Ano'ng gagawi ko?
"A-Ano'ng dahilan at nagpunta ka rito, Mr. Lawson?" nauutal na tanong ko.
Nakita kong sumandal muna ito sa sofa. At pagkatapos ay tumitig muna sa aking mukha.
"Kailangan ko ng asawa sa loob ng limang buwan? Siguro naman ay pagbibigyan mo ako? Huwag kang mag-alala at ibibigay ko sa iyo ang hiling mo na mapawalang bisa ang kasal natin para maging malaya ka na, July," tuloy-tuloy na litanya ni Seth.
Ako naman ay labis na nagulat sa sinabi nito? Ano kayang dahilan nito?
"B-Bakit ako? Alam ko naman na makakakuha ka ng ibang babae na puwede mong maging asawa sa loob ng limang buwan?" anas ko kay Seth.
"Bakit hindi ikaw? Eh, ikaw ang asawa ko. Bakit ako kukuha ng ibang babae kung nandiyan ka naman, 'di ba?" naiinis na sabi nito sa akin.
May point naman ito. Kaya lang labis pa rin akong nag-aalala dahil kaya ko bang tumayo bilang asawa nito sa loob ng limang buwan? Hindi kaya muling bumalik ang feeling ko sa lalaking ito? Pero pagkakataon ko na ito para tuluyang makalaya sa kasal namin ni Seth.
"Sige, payag na ako. Basta tuparin mo ang pangako mo," anas ko.
"That's good! Magkakasunod tayo kong papayag ka agad. Nextweek ka magsisimula bilang asawa ko. Susunduin na lamang kita rito," anas ni Seth. Pagkatapos ay agad na tumayo para umalis sa babay namin.
Medyo napaisip din ako. Kasi kung nextweek pa pala. Makakauwi pa ako sa probinsya. Para humanap ng paraan upang mapadali ang pagpapaamo ko kay Seth. Ayaw ko nang paabutin ng tatalong buwan.