Mga Demand 3

1244 Words
Tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob ng hotel. Labis din ang aking pagtataka kung bakit dito pa kami mag-uusap, eh, puwede naman sa isang restaurant. Kaya naman parang tinatambol ang dibdib ko, lalo na nang pumasok kami sa elevator. At dahil sa kaba ay hindi ko na mapigilan ang mga usisa kay Seth. Tumikhim muna ako sabay lunok ng laway ko upang kahit papaano ay mawala ang panunuyo ng aking lalamunan. "Mr, Lawson, bakit sa loob ng hotel pa tayo mag-uusap? Puwede naman sa isang restaurant, 'di ba?" kabadong tanong ko sa lalaki. Tumungin siya sa mukha ko pero nakapaskil sa mga mata nito ang iritasyo na 'di ko alam kung sa akin ba ito naiinis. Hinintay ko naman ang sasabihin niya sa akin ngunit wala namang salita ang namutawi sa bibig nito. Hanggang sa bumukas na ang elevator at muling humakbang ito papalabas. Ako naman ay sumunod lamang dito. Ramdam ko rin ang panginginig ng mga tuhod ko at tila ba ayaw makisama. Nakita kong tumigil ito sa tapat ng pinto. Alam kong room na niya iyon na kung saan pansamantala itong tumutuloy. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto, tuloy-tuloy naman pumasok si Seth sa loob. Hindi man lang ito lumingon sa akin. Parang gusto ko tuloy tumakbo papalayo sa lalaki. Pero nandito na ako, ito na ang pagkakataon ko para makausap ang lalaki upang mapawalang bisa ang kasal namin, alam ko naman na papayag ito agad. Kaya naman lakas loob na pumasok na rin ako sa room nito. Namataan ko agad si Seth, naka-upo ito sa sofa at tingin ko'y ako ang hinihintay nito. "Mukhang mahalaga ang iyong sasabihin? Sana lang ay matuwa ako sa iyong ipapahayag, dahil nasasayang ang oras ko!" masungit na turan ni Seth sa akin. Alanganin tuloy akong ngumiti rito. At bago ako magsimula ay ngumiti muna ako rito. Ngunit isang pagkunot ng noo ang isinukli niya sa akin. "Mr. Lawson, gusto ko sanang ipawalang bisa ang ating kasal. Siguro naman ay agad kang papayag sa aking hiling. Kung may mali man akong nagawa sa 'yo noon sana lang ay mapatawad mo ako," madamdaming usal ko. Tumingin ako rito. Nababanaag ko sa mukha nito ang iritasyon. Bigla ring nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin. Pansin ko rin kakaiba ang pagtitig niya sa akin. "July, kaya ka ba nagpakita sa akin para lang sabihin iyan? Tingin mo ganoon lang kadali ang gusto mo? Alam mo bang labis akong napahiya ng araw na iyon, sapagkat iniwan agad ako ng babaeng pinakasalan ko. Hindi ako ganoon katanga para lang pumayag sa iyong kahilingan," umiiling na sabi ni Seth. "W-What do you mean?" nauutal na tanong ko. "Hmmm! Hindi ako papayag na basta na lang ipawalang bisa ang kasal natin. Gumastos ako ng malaki ng araw na iyon. Pero ano'ng napala ko, wala 'di ba?" saad nito sabay sandalan sa sofa. Napanganga ako nang marinig ko ang mga sinabi nito. Hindi ko akalaing mahirap pa lang kausap ng lalaki. Akala ko'y papayag ito ka agad, maling akala pala. "Ano'ng gusto mong mangyari? Oh, baka naman ang nais mo ay bayaran ko ang mga nagastos mo noong kinasal tayo, tama ba ako, Mr. Lawson?!" aras na tanong ko sa lalaki. "Yes! Hindi naman puwedeng madali mo lang makukuha ang gusto mo. Pagkatapos akong mapahiya ng araw na iyon. Isang malaking kalolohan na ako'y pumayag ka agad. Maliban na lang kung..." Tumaas ang isang kilay ko nang bigla itong tumigil sapagsasalita. Ngunit nakita ka agad nang maliksi kong mga mata ang paglalakbay ng tingin niya sa aking mukha pababa sa leeg ko hanggang sa mapunta sa aking hinaharap. Peste! Dahil iba na ang titig niya sa akin. Tila ako isang masarap na pagkain kung tingnan nito. "Sige, Mr. Lawson, babayaran ko na lang mga gastos mo noong ikinasal tayo!" matapang na saad ko. Ngunit ang aking dibdib ay labis namang kumakabog sa kaba. Pakiramdam ko'y muling bumalik ang pagsintang pururot ko sa lalaking ito. Pero hindi ko hahayang mangyari ulit iyon. Pipigilan ko ang aking puso lalo at may boyfriend na ako. Nagulat ako nang biglang tumawa ang lalaking kaharap ko na aking pinagtataka. "July, saan mo naman kukuhanin ang perang ibabayad mo sa akin? Lalo't isang hamak na saleslady ka lang sa isang Mall. Maliban na lang kung ang boyfriend mo ang magbibigay sa 'yo ng pera, tama ba ako, July?" Hindi ako makaimik sa aking nalaman. Alam pala nito kung na saan ko? Pero bakit hindi ako pinuntahan para muling ibalik sa bahay namin. Iyon ang aking ipinagtataka. "Nagulat ka ba July? Na alam ko kung saan ka naroroon? Sabihin na lang nating magaling akong maghanap ng dagang nagtatago." "Kung alam mo na pala kung na saan ako. Bakit hindi mo ako pinunthan para ibalik sa bahay namin?" "Hindi ko ugaling habulin ang isang babaeng umalis nang kusa. Bakit sino ka ba? Para gawin ko iyon." Parang tinablan ako sa sinabi nito. Oo nga pala. Sino nga ba ako? Alam kong pagdating sa babaeng gusto nito ay bagsak na ako ka agad. Saka ako nga pala ang dahilan kung bakit nakasal kami ng wala sa oras. Dahil sa desisyong kong pabigla-bigal. Ako tuloy ang nahihirapan ngayon. "Mr. Lawson. Para matapos na ang usapang ito, babayaran ko na lang ang lahat ng nagastos mo. Huwag mo nang alamin kung saan ako kukuha ng salapi. Ngayon! Ang gusto kong malaman ay kung magkano ang iyong nagastos para alam ko." Mataman akong tinitigan ng lalaki. "Paano kung iba ang hilingin ko?" tanong niya sa akin. "A-Ano ba ang iyong gusto? Para tuluyan na akong makawala sa kasal na nangyari sa atin," tanong ko. Pero labis naman akong kinakabahan. "Sabihin na lang natin na gusto kitang makasama ng isang gabi. Hindi naman siguro masama iyon, 'di ba? Lalo at hindi naman natuloy ang honeymoon natin. Siguro naman ay hindi magagalit ang boyfriend mo sa ating gagawin. Kung sakaling pumayag ka sa gusto ko ay wala ka nang babayaran sa akin kahit peso," baliw na saad nito. Tila umusok ang tuktok ng ulo ko sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Parang gusto ko lumapit dito at pagkakalmutin ang mukha nito. "Mr. Lawson! Hindi pa ako nababaliw para makipag s*x sa 'yo!" bulyaw ko rito. Ngunit ang aking mukha ay labis na namumula dahil sa hiya. Naman! Bakit ba lumabas sa aking ang s*x. Nakakahiya tuloy. "At sino ang gusto mong umangkin sa 'yo ang boyfriend mo ba?!" galit na tanong nito. "Wala kang pakialam kung sino ang lalaking gusto kong makasex!" "Alalahanin mo July kasal pa rin tayo. Kung tutuusin ay puwede ko kayong kasuhan ng boyfriend mo. Lalo at kasal pa tayo pero nanlalaki ka na," anas nito. Ako naman ay nagulat sa sinabi ni Seth. Kung tutuusin ay tama ito. Maaari akong makulong dahil may boyfriend ako. Ngunit hindi pa rin ako magpapatalo rito. "Kahit ipakulong mo ako Lawson, hinding-hindi ako papayag sa gusto mo!" sigaw ko sa lalaki. Sabay tayo mula sa aking pagkakaupo sa sofa. Mas mabuti pang umuwi na lang kaysa makipag debati sa baliw na lalaking ito. "Okay, hindi rin mangyayari ang nais mo. Habang buhay kang nakatali sa akin." Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa tindi ng galit kay Seth Lawson. Parang gusto ko itong sapakin. Bigla tuloy akong napatingin sa vase na nakalagay sa center table. Hindi na ako nag-isip, agad ko iyong kinuha sabay bato sa lalaki. Kaya lang maliksing umilag lamang ito. "Peste! Bakit ka umiwas?!" tanong kong galit na galit sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD