Kahit kabado ay sumunod pa rin ako kay Seth, nang lumabas ito ng dressing room. Namataan ko agad ito. Nakatalikod siya sa akin habang may inaayos sa attache case. Hanggang sa muling lumingon siya sa akin. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa mukha ng lalaki, ngunit pakiramdam ko'y parang binabasa nito ang buong pagkatao. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa lalaki. "Let's go," pagyaya nito sa akin. "Ha! Saan?" gulat na tanong ko. Bigla namang nagsalubong ang kilay nito. "Remember? Di ba asawa kita? Natural na ipaghahain mo ako ng aking kakainin!" asar na sabi nito sa akin. Isang marahang pagtango na lang ang bigay ko rito. Pagkatapos ay sumunod ako sa lalaki. Nauna kasi itong lumabas ng silid. Ngunit pagdating sa hagdan ay biglang tumigil si Seth, sabay tingin sa akin. At nang makalapi