"Lahat ng mga gamit mo'y ilagay mo sa loob ng cabinet. At simula bukas ay kailangan mo akong asikasuhin bilang iyong asawa," paalala ni Seth sa akin. Pagkatapos ay agad na rin itong umalis dito sa silid. Kaya ang ginawa ko'y nagmamadali ang mga kilos ko. Pagkatapas iligpit ang mga damit ko'y nagpunta muna ako sa loob ng CR para maligo. Wala naman sana akong balak maligo. Ngunit baka masilan ang lalaki at sabihin na mabaho ako. Maarte pa naman ito. Lalo at tabi kaming matulog. Pagkatapos mag-shower ay agad kong pinatuyo ang buhok ko. At nang alam kong tuyo na ay nagmamadali akong nahiga sa kama. Parang ang sarap matulog. Lalo at malambot ang hinihigaan ko. Hindi nagtagal ay agad akong nakatulog. Subalit biglang nagising ang diwa ko. Kaya lang ay hindi ko maimulat ang aking mga mata, ka