"Ma! Sana po maintindihan mo ako! Saka, bakit ganyan ka magsalita? Anak mo ako!" maluha-luhang sabi ko. "Anak? Magiging anak lamang kita kung susundin mo ang gusto ko, July. Umalis ka sa bahay ni Seth, ngayon din!" "Susundin ko naman ang gusto mo, Ma. Pero sa ngayon ay hindi po muna. Sana po mapagbiyan mo pa ako kahit mga ilang buwan lamang," nakikiusap na sabi ko sa aking Ina. Mas lalong nanlisik ang mga mata nito sa akin. "Sige, pagbibigyan kita. Pero tiyakin mong aalis ka sa bahay ni Seth. Dahil ako ang nahihiya sa ginawa mo rati kay Seth. At puwede ba huwag ka nang magpakita sa kanya, July!" singhal nito sa akin. "Sige po, Mama. Susundin ko ang gusto mo. Hayaan po muna ninyong magawa ko ang aking balak. Para tuluyan na kaming magpakasal ng nobyo ko," malungkot na anas ko sa aking