Nagmamadali ang mga kilos ko. Para lang makabili ng ulam na pinabibili ni Maam. Nagsakay na nga ako para mapabilis ako. Lalo at medyo malayo rin ang palengke. Pagdating sa loob ng palengke ay agad akong bumili ng dalawang kilang karne ng baboy at manok. Ito lang naman ang pinabibili sa akin ni Mama. Kaya maliksi rin akong umalis dito. Nang may dumaan na jeepney ay agad akong sumakay. Subalit biglang huminto. Dahil nagkaroon daw ng banggaan sa unahan. s**t! Hindi puwedeng magtigil ako rito. Kailangan kong makauwi ka agad. Kaya no choice ako kundi maglakad na lamang. Lakad at takbo ang ginawa ko para lang makarating sa bahay ni Seth. Kaya lang medyo malayo pa talaga. Bigla akong lumingon sa kaliwa ko at nakakita ako ng sasakyan na paparating. Agad ko iyong pinara para sumakay. Laking t