Hindi naman ako matagal naghintay sa pagbabalik ni Seth. Agad naman siyang lumapit sa akin sabay halik sa labi ko. "Kumain na tayo, My wife..." bulong sa akin ni Seth. Isang marahang pagtango ang sinagot ko rito. Tumabi naman siya sa akin. At ito na rin ang naglagay ng pagkain ko sa aking plato. "Matagal na bang iniinda ni Mama ang sakit ng tiyan niya?" tanong ko kay Seth. "Hmmm! Mga tatlong buwan na. Sinabi ko naman sa Mama mo na pumunta na sa doctor. Pero sobrang kulit at ayaw makinig sa akin. Ikaw na ang kumausap sa kanya, My Wife. Baka sakaling makinig sa 'yo," anas nito sa akin. "S-Sige, susubukan ko siyang kausapin," sagot ko rito. "Hmmm! Balak sana kitang isama sa aking pupuntahan. Ngunit nakiusap si Nika. Na kung puwede ay huwag na muna kitang isama at kung puwede raw ay asi