"July, kailangan na nating umuwi baka biglang bumuhos ang malakas na ulan," saad sa akin ni Maya.
Tumango lamang ako kay Maya. Wala na kaming sinayang na oras nito, maliksi kaming lumabas ng Mall kung saan kami nagtatrabaho. Nakakita naman kami ng jeepney na masasakyan kaya nakipagsiksikan kami sa mga tao para lang makapasok sa loob ng sasakyan.
Pagbaba ng jeep ay halos takbuhin namain para lang makarating sa bahay na inuupahan namin ni Maya. Laking pasasalamat ko nang tuluyan kaming makauwi. At doon lamang bumuhos ang malakas na ulan.
"July, wala ka bang balak na kamustahin ang mama mo?" tanong sa akin ni Maya.
"Wala, saka alam ko naman ayos lang si mama," baliwalang sagot ko kay Maya.
"Isang taon na rin ang nakakalipas simula nang tumakas tayo sa iyong asawa. Paano kung magulat ka na lang isang umaga na padalhan ka ng divorce paper?"
"Mas mabuti kung iyon ang mangyayari. Saka may boyfriend na rin ako. Ngayon ako nagsisi nang labis sa ginawa kong kagagahan noon. Wala sana kaming problema ni Brix," saad kong umiiling.
"Ganoon talaga nasa huli ang pagsisisi kaya madala ka na!" sermon niya sa akin.
"Sabi nga sa akin ni Brix dapat daw asikasuhin ko na ang pagpapawalang bisa ng kasal namin ni Seth. Lalo at matagal ang process noon. Para raw magpakasal na kami," saad ko kay Maya.
"Tama naman ang boyfriend mo. Saka siya naman ang gagatos kaya hayaan muna. Ang kailangan mong gawin ay makipag-usap ka nang maayos kay Seth. Siguro naman ay papayag iyon," anas nito sa akin.
Tumango na lamang ako rito. Tama si Maya kailangan kong makausap si Seth. Kaya bukas na bukas din ay kakausapin ko si Brix tungkol sa balak ko.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang ginawang pagtulong sa amin ni Brix noong tumakas kami ni Maya mula sa bahay namin. Panay lang ang takbo namin ng mga panahong iyon hindi rin namin alam kung saan kami pupunta. At basta na lang kaming tumawid sa gitna ng highway.
Nagulat na lang kami nang may biglang magbusina sa amin na isang kotse akala namin ni Maya ay katapusan na namin iyon. Mabuti na lang at mabilis ang driver ng sasakyan at nakapagpreno ka agad. Dahil na rin sa sobrang takot ko ay nawalan ako ng malay. Nagising na lamang ako na nakahiga sa isang malambot na kama.
Nang magtanong naman ako kay Maya ay agad nitong sinabi sa akin na ang tumulong daw sa amin ang lalaking muntik nang mabangga kami.
Halos dalawang buwan din kaming nagtigil sa bahay nito. Naghanap muna kami ng trabaho ni Maya para mayroon kaming pang rent sa bahay na uupahan namin. Nakakahiya rin kasi sa lalaki. Ang gusto rin kasi nito ay roon na lamang kami tumira at magtrabaho sa hotel na pagmamay-ari ng binata. Ngunit hindi ako pumayag Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nito.
Laking pasasalamat namin nang matanggap na naman kami bilang sales lady sa isang Mall sa Makati. Kaya ng sumahod kami ni Maya ay naghanap na talaga kami ng bahay na puwede naming matirhan.
Papaalis na kami sa bahay ng binata at nakapag-alam na rin kami rito nang magulat ako nang biglang magtapat ng pag-ibig sa akin si Brix. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko lalo at may asawa na ako.
Ayaw kong maglihim sa binata kaya sinabi ko rito na kasal na ako sa isang lalaking tinakasan ko. Ngunit halos ma-shock ako sa sinabi nitong tutulungan raw ako mapawalang bisa ang kasal namin ni Seth. Kaya nang araw ding iyon ay sinagot ko ang lalaki.
Wala akong masasabi rito. Sobrang bait at maalalahin niya pagdating sa akin. Kaya lang may pagtataka sa aking isipan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matutunang na mahalin si Brix. Isang taon na rin ang nagdaan.
Napabuntonghiniga na lamang ako nang maalala ko naman ang ginawa kong katangahan. Kaya heto akon ngayon nag-iisip kung papaano ko makakausap si Seth. Siguro'y kailangan kong umuwi sa Cebu. Papayag naman siguro ito sa gusto ko.
Kailangan ko na ring makipag-usap sa aking mama at papa. Alam kong magagalit sila sa akin. Dahil sa aking ginawang pagtakas noon. Pipilitin kong magpaliwanag sa kanila.
"Matulog ka na July, bukas ang hirap mo na namang gisingin!" biglang sabi ni Maya. Medyo napalakas pa nga ang pagsasalita nito kaya tinapik ko ito sa braso.
KINABUKASAN nagising ako sa ingay ni Maya. Gustuhin ko sana itong batuhin ng unan nang marinig ko ang sinambit nitong pangalan.
"July, gumising ka na riyan at tingnan mo itong balita!" palatak ni Maya habang nakatutok ang mga mata sa harap ng tv. Kaya naman agad ring nalipat ang mata ko roon.
Napanganga ako nang makita ko ang pagmumukha ni Seth. Hindi ko inalam kung baki ito naroroon sa tv. Ang gusto kong malaman ay kung saan ito tumutuloy rito sa Maynila.
"Hindi mo ba narinig kanina ang sabi niya na pansamantalang sa isang hotel siya tumutuloy. At doon sa hotel ng boyfriend mong si Brix. Ano pang hinihintay mo July kumilos ka na kung gusto mo siyang makausap!" pasigaw na sabi sa akin ni Maya.
Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Maya kaya para akong ipo-ipo sa liksi nang galaw ko. Kahit sa paliligo ko'y ginawa ko lang na one, two, three. Mayamaya pa'y tapos na akong ayosin ang aking sarili.
"Ang bilis, ah," umiiling na saad ni Maya.
"Kailangan kong bilisan ang kilos ko. Para makausap ko ang lalaking iyon," saad ko. At nagmamadaling lumabas ng bahay. Laking pasasalamat ko nang may dumaan namang jeep at tumigil sa aking harapan.
Mabilis lang akong nakarating sa hotel. Pagkatapos kong magbayad sa driver ng jeepney ay maliksi akong bumaba. Tuloy-tuloy ako naglakad papalapit sa hotel. Bigla akong napangisi nang mamataan ko ang malaking bulto ni Seth. Heto na pagkakataon ko para tuluyang makausap ito.
"Mr. Lawson!" pagtawag ko sa lalaki. Papaliko na sana ito ngunit biglang tumigil nang tawagin ko ito. Maliksing lumingon siya sa akin. Nabanaag ko pa nga ang pagkagulat niya nang makita ko. Nagsalimbayan din ang kilay ko sa pagtaas nang humakbang ito papalapit sa akin.
"How are you," my wife?"
Hindi ako makapagsalita parang nalunok ko yata ang boses ko. Diyos ko! Bakit ngayon pa ako nabangag kung kailan kaharap ko na ang lalaki. Ano bang sasabihin ko? Kaya lang hindi ako puwede matameme sa harap ng lalaki. Bahala na nga!
"M-Mr. Lawson, nais sanang kitang makausap kung iyon mamarapatin..."
"Sure! Basta't maganda ang sasabihin mo sa akin."
"Salamat! Puwede bang huwag dito? Doon sana sa lugar na makakapag-usap tayo nang maayos," paki-usap ko.
"Okay, follow me," saad nito. Kabadong sumunod ako sa lalaki. Para tuloy tinatambol ang dibdib ko sa kaba.