Nakarating ako sa bahay ni Maya ng matiwasay. Mabuti na lang at wala pa rito ang kaibigan ko. Kaya hindi nito nakikita ang aking pagluha. Hanggang sa sumapit ang gabi ay roon lamang ito umuwi. Panay ang kwento nito sa akin tungkol sa pagkikita nila ng mga dating kaibigan. Ako naman ay panay ngiti at tango ko rito. Hindi ako naglabas ng sama ng loob kay Maya. Ayaw kong maputol ang kasiyahan nito para lang damayan ako. At nang maubusan ito ng kwento ay nagyaya na itong matulog lalo at maaga kaming aalis bukas. Ako naman ay agad din nakatulog dahil na rin siguro sa kaiiyak ko noong wala pa si Maya. Hanggang sa sumapit ang madaling araw. Maliksi ang mga kilos namin ni Maya. Hindi naman naglaon ay nakarating kami sasakayan ng bus. Medyo mahaba pa naman ang oras bago kami makarating sa luns