JANE
"Jane, anong nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Jake. Para bang hindi siya makapaniwala sa inaasal ko. Napapuot ako ngunit hindi siya sinagot.
"Gusto kong kumain, masama ba?" naiinis kong tanong at saka sinamaan siya ng tingin.
"May sakit ka ba?" tanong pa nito at inilagay ang kamay sa noo ko at hindi man lang natakot sa sama ng tingin ko sa kanya.
"Wala. Gusto ko lang kumain. Iyon lang iyon. Ma-issue 'to" nanatiling masama ang aking tingin sa kanya ng sabihin iyon dahilan upang mapakamot na lang ito ng kanyang batok.
"Bilhan mo na, Jake. Hindi ka rin titigilan niyan hangga't hindi ka pumapayag" bigla ay sabi ni Ana. Nakangiti akong tumingin sa kanya ngunit pinag-taasan lang ako nito ng kilay.
"Ako pa ang kailangan mag-adjust ngayon?" nagugulat na tumingin si Jake kay Ana.
"Malamang dahil ikaw ang pinapabili at hindi ako" pambabara habang nakataas ang kilay na sagot ni Ana kay Jake.
Nakakunot-noong tumingin si Jake sa akin at sinalubong ko iyon ng isang matamis na ngiti.
"Sige na Jake, please" nakangiti kong sabi at napabuntong hininga na lang siya na para bang ang bigat-bigat ng bagay na hinihingi ko.
"Sige na. Huwag ka lang ngumiti ng ganyan" napapalunok nitong tugon at saka nag-iwas ng tingin. Napapalakpak ako sa subrang tuwa dahil sa kanyang sinabi.
Sa huli ay napapakamot ng ulong tumayo si Jake sa kanyang kina-uupuan para bilhan ako ng Ice cream. Alam kong hindi rin naman niya ako matitiis dahil kukulitin ko lang siya ng kukulitin hanggang sa pumayag siya.
Mas lalo pang lumawak ang aking ngiti ng nagmamadaling umalis ng condo ko si Jake.
"Jane, ano bang nangyayari sa'yo?" bigla akong napatingin sa gawi ni Ana sa naging tanong nito. Nagtataka kong sinalubong ang mariin na titig nito.
"Anong ibig mong sabihin sa tanong mo? Nakikita mo naman ako, hindi ba? Wala akong sakit at gusto ko lang kumain ng kumain" mahaba kong sabi sa kanya at tumayo pa sa kanyang harapan upang ipakita ang katawan ko.
"Eh bakit ang takaw mo ngayon at saka iyang kinakain mo, hindi ganyan kumain ang mga normal na tao" nagtataka parin na tanong nito.
"Sinasabi mo bang abnormal ako?" hindi makapaniwalang tanong ko at tila naiinis na.
"Wala akong sinabing gano'n. Ikaw nagsabi no'n" kibit-balikat nitong sagot. Tila walang pakialam na naiinis na ako.
"Ang sama mo.." mahinang bulong ko habang masamang nakatingin sa kanya. Ilang sandaling nanatili ang masama kong tingin sa kanya hanggang sa naramdaman kong naiiyak na ako.
"O bakit ka umiiyak? Hindi kita sinaktan ah. Oh tissue" natatawa nitong sabi at ibinigay ang tissue box.
"Ang tagal ni Jake" naiinip kong sabi sa kawalan.
"Matuto kang maghintay, girl" matatawang sagot ni Ana sa akin dahilan upang mapapuot ako.
Mabilis akong napatayo sa kina-uupuan ko ng marinig ang ingay door bell.Lakad-takbo ang ginawa ko upang agad na makalapit sa pinto. Nasasabik sa pagkain na dala ni Jake. Tila ba ningning ang aking mga mata sa subrang tuwa ng makita iyon.
"Salamat best.."
masayang ani ko rito at mabilis na kinuha ang dala nito kahit hindi pa niya binibigay iyon sa akin
.
Sarap na sarap ako habang kinakain ko ang ice cream pero biglang napatigil ng mapansing parehong tulala habang nakatingin sakin si Jake at Ana.
"Gusto niyo? Ay wag na pala..kulang pa ito sakin hehehe". Sabi kong nakangiti sa kanila habang nasa kandungan ko ang isang gallon ng Ice cream.
"Best/Girl..".
Sabay na tawag nila sakin kaya nagtataka akong tumingin sa kanila. Nagkatinginan sila at para bang nag-uusap gamit lang ang kanilang mata.
"Anong problema niyo? "
tanong kong nakakunot ang noo sa kanila. Mariin akong tumingin sa nagtataka nilang mukha habang nasa labi ko ang kutsara at dinidilaan iyon.
Kailangan ba talaga na magkasabay sila sa pag tawag sakin? Ang weird nila..
"Ahh wala best, sige alis na ako..may date pa pala kami ni Beatrice mamaya".
Masayang paalam ni Jake.
May kirot akong naramdaman sa puso ko pero hindi ko na iyon pinahalata sa kanila at sa halip ay pilit pa akong ngumiti kay Jake. Walang nakakaalam ng nararamdaman ko at mas makakabuting mananatili na lang iyon na lihim.
"Aahh sige best. Salamat dito ha.."
paalam ko rin sa kanya at pilit na ngumiti. Mabilis akong napa-iwas ng tingin ng mas tumindi pa ang sakit na naramdaman ko sa puso ko.
"Jane, sigurado ka bang ayos ka lang? Kailangan ko na rin kasi umalis" Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Ana na aalis na rin daw ito. Nakangiti akong tumango habang patuloy na nilalantakan ang Ice cream sa harapan ko.
Nag-aalala nitong tingin ang sumalubong sa akin pag-angat ko ng tingin sa kanya.
"Ana ayos lang ako, huwag ka ng mag-alala. Mas lalo kang pumapangit diyan sa hitsura mo" natatawang biro ko sa kanya dahilan upang mapangiti siya.
"Girl, ikaw na ang maganda. Tanggap ko na iyon. Sige, alis na ako. Ingat ka, tawagan mo ako kung may problema ah"paalam nito, hinalikan ako sa pisngi at saka niyakap bago tumalikod sakin.
May lungkot akong naramdaman habang hinahatid ang pigura ni Ana na lisanin ang aking condo.Nakakapagod din pala ang lagi na lang naiiwan na mag-isa.
Mahirap at malungkot ang mag-isa. May mga oras na hinihiling kong sana ay may mga magulang pa ako upang hindi ako laging nag-iisa. Sana ay kasama ko ang mga magulang ko upang may yayakap sa akin pag nasasaktan ako. Sana ay may mga magulang ako na laging nandiyan at matatakbuhan ko pag napapagod na ako.
Sana ay may mga magulang pa ako para magparamdam sa akin ng pagmamahal pero alam kong kahit anong hiling ko na sana ay nandito ang mga magulang ko, na sana ay bumalik sila ay alam kong hinding-hindi na iyon mangyayari pa. Wala na sila at baka tahimik at masaya na rin sila sa langit habang ako ay naiwan mag-isa at malungkot.
"Kaya mo iyan, Jane. Matapang at matatag ka kaya dapat kayanin mong harapin ang lahat ng pagsubok ng mag-isa" mahinang bulong ko sa kawalan at pinagkasya na lang ang sarili sa kinakain kong Ice cream.