Chapter 1

1022 Words
JANE Dalawang linggo na ang lumipas mula ng may mangyari sa amin ni Jake pero hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkikita at kung maaari ay ayaw kong magpakita sa kanya, kahit sa barkada ay plano ko rin umiwas sa kanila. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nahihiyang magpakita sa kanya kahit na alam kong wala naman siyang maalala sa lahat ng nangyari sa amin. Ako lang ang tanging nakaka-alam nang lahat ng iyon. Nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang masama ang pakiramdam ko. Nasusuka ako sa umaga at lagi rin ako nakakaramdam ng pagkahilo. Mahirap lalo na't mag-isa kong hinaharap ang lahat ng iyon. Walang masasandalan kung nanghihina ako. May mga oras na gustong-gusto ko nang makita at mayakap si Jake ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko.Hindi na rin ako lumalabas ng condo dahil lagi akong inaantok. Laging nanghihina at walang lakas upang kumilos ng matino. Tanghali na pero di parin ako nakapag breakfast. Madalas ay hindi rin ako kumakain sa tamang oras. May mga bagay akong gustong gawin pero hindi ko matukoy kung ano. Gusto kong kumain ng manggang maasim, 'yon lang ang gusto ko at naiisip ko pa lang ang hitsura nito ay naglalaway na ako pero tinatamad akong lumabas. Sa huli ay napagdesisyonan kong tawagan na lang ang kaibigan kong si Ana para papuntahin at siya na lang ang padalhin ng mangga dito. Kahit gustuhin kong si Kuya Mico ang pabilhin no'n ay hindi ko parin siya tinawagan at marahil ay nagtataka na iyon sa inaasal ko. Hindi nagtagal ay dumating si Ana na may dalang mangga, sa subrang saya na naramdaman ko ay mabilis akong napatakbo papalapit sa kanya.Agad kong inagaw ang dala nito at mabilis na nagtungo ng kusina upang agad na balatan ang mangga,sumunod siya sa akin at pinapanood ako habang binabalatan ko ang mga iyon. "Girl kung alam ko lang na may boyfriend ka, iisipin kong buntis ka" . Sabi nito na nagpa tigil sakin, naalala ko ang nangyari sa amin ni Jake. Kung sakali man na may mabuo sa gabing 'yon ay wala akong pinagsisihan pero nakaramdam ako ng kaba. Paano kung mayroon nga? Paano ko bubuhayin ang magiging baby ko? Nasa gano'n akong pag-iisip ng may mag doorbell, agad na umalis si Ana sa harapan ko para pagbuksan ang pinto. Malakas akong napabuntong-hininga pagkatalikod niya. "Kaya mo'to Jane, ginusto mo itong mangyari kaya panindigan mo" mahinang bulong ko sa aking sarili saka pinagpatuloy ang ginagawa. Lumabas ako ng kusina nang hindi na bumalik pa si Ana at nadatnan ko na lang sila sa sala at kausap si Jake.Nagulat ako at bahagya pang napatigil sa paglalakad, matinding kaba ang agad na bumalot sa pagkatao ko. Ano kaya ang sadya niya dito? "Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo diyan" natatawa nitong tanong nang mapansin ang naging asal ko. Kinakabahan at pilit ang ngiti kong lumapit sa kanila. "Best, musta ka na? Bakit di ka na nagpapakita sa barkada?" sunod pang tanong nito pagkalapit ko sa kanya. "Aa-ahh ehh busy lang ako best,pasensya na.." kinakabahan kong sagot sa kanya.Alam kong hindi kapani-paniwala ang sagot ko dahil wala naman akong trabaho pero tanging iyon na lang ang naisip kong sagot at nagpapasalamat ako na hindi na niya ako kinulit pa kung ano ang pinagkakaabalaha ko. Umupo ako sa tabi niya dala-dala ang sandamakmak na mangga, napatingin siya dito kaya kumunot ang noo nito. "Mangga? Sa ganitong oras na ganyan karami?" hindi makapaniwalang tanong nito sakin. "Hhmm oo ang sarap nga eh, gusto mo? Ay wag na pala..kulang pa ito sakin hehehe.." masaya kong sagot sa kanya na kina-iling lang nito. Nakakunot ang noo nilang nakatingin sa akin nang sunod-sunod kong isubo ang mga mangga na walang asin o kahit anong sawsawan. Nagpapalitan sila ng nagtatanong na tingin ng makitang sarap na sarap ako sa aking kinakain at hindi man lang iniinda ang asim no'n. "Wala na..?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa platong wala ng laman. Tila nagsusumbong akong tumingin kay Ana. "Wala na kasi kinain mo lahat. Parang Ice Cream nga lang ang nasa harapan mo eh.." nakataas ang kilay na sagot ni Ana sa'kin. Nahagip ng paningin ko ang nakakunot-noong si Jake na nanatiling nakatitig sa'kin dahilan upang sumama ang mukha ko. "Naubos na.." malakas na singhal ko sa kanya at parang nagulat pa ito dahil bahagya pa siyang napaigtad. Napataas ang kilay ko at tila hinahamon siya na magsalita. " Anong ginawa ko?" hindi makapaniwalang tanong nito at tila humihingi ng tulong na tumingin kay Ana. Muli ko siyang sinamaan ng tingin at nakangusong tumingin sa kawalan. Ilang segundo akong nasa gano'n na senaryo ngunit agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi ng mapagtanto ang sinabi ni Ana. Dinilaan ko pa ang aking pang ibabang labi na parang nakikinita ko na ang sarap ng pagkain na iyon. " Jake, pwedeng bilhan mo ako ng Ice cream please?". Nakiki-usap kong sabi sa kanya at ngumiti ng pagkalawak-lawak. "Huh.. Anong nangyayari sayo Jane? Kakaubos mo lang ng sandamakmak na mangga at ngayon naman ay Ice cream? Para kang naglilihi niyan, siguro kung hindi lang kita kilala ay iisipin kong buntis ka?" Di makapaniwalang sabi nito dahilan upang agad na humaba ang nguso ko. Gusto kong umiyak sa isiping ayaw niya akong bilhan ng Ice cream. " Hoy tinatanong kita,bakit nakabusangot ka diyan?" Ani pa nito habang nakahawak sa balikat ko at niyogyug ako. " Eehh sa ayaw mo akong bilhan ng Ice cream eh.." Naiiyak kong sagot sa kanya kaya mas lalong nangunot ang noo nito pero wala akong pakialam basta gusto ko ng ice cream! " Weird.." mahinang bulong nito pero dahil magkalapit lang kami ay hindi iyon nakalampas sa pandinig ko. Seryoso lang na nakamasid si Ana sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat galaw at salita ko sa paraan ng kanyang titig. Anong problema ng mga taong ito? Natanong ko na lang iyon sa isip ko. Bahala sila mag-isip ng kung anu-ano basta gusto kong kumain ng kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD