Chapter 3

1084 Words
JANE Nagising ako sa umaga na may kakaibang nararamdaman, pakiramdam ko ay nasusuka at nahihilo ako, madalas na itong mangyari sakin nitong mga nakaraan na araw ngunit binabalewala ko lang. Ang buong akala ko ay mawawala din iyon kaagad subalit nagdaang na ang ilang araw at gano'n parin iyon at pakiramdam ko ay mas lalo pang lumalala sa bawat pagdaan ng mga araw. Naisip kong baka may sakit na ako kaya napag pasyahan kong magpa check up. Natatakot ako sa kung anuman ang pweding sabihin ng doctor pero kailangan kong harapin ang takot ko. Kailangan ko nang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sakin. Pagdating ko sa hospital ay lumapit ako agad kay Dr. Jimenez,ang unang doctor na nakasalubong ko sa loob ng hospital. Sandali siyang nagpaalam dahil may aasikasuhin pa daw ito. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago siya bumalik at pinatuloy ako nito sa kanyang opisina at doon ay kinuwento ko ang lahat ng nararamdam ko nitong mga nakaraang araw ngunit nakangiti lang siya sakin habang nakikinig. "Heto.., pumasok ka do'n sa banyo at lagyan mo ito ng iyong ihi" nakangiti nitong sabi habang inaabot sakin ang maliit na bote. Kahit nagtataka ay sumunod parin ako sa kanyang sinabi. Pumasok ako sa banyo at ginawa ang habilin nitong lagyan ko ng aking ihi ang maliit na boteng hawak-hawak ko. "Heto na po, Doctora" kinabahan kong sabi sabay abot ng maliit ng bote na naglalaman ng aking ihi. Kinakabahan ako ngunit mas nangingibabaw ang nararamdaman kong hiya dahil sa ihi. "Wag kang mahiya, normal na gawain na ito para sa akin", nakangiti nitong sambit bago ako tinalikuran. Nakasunod ang aking tingin sa kanyang bawat galaw hanggang sa pumasok si Doctora sa maliit na kwarto na karugtong lang ng kanyang opisina habang dala-dala parin ang boteng binigay ko na naglalaman ng aking ihi. Naghintay lang ako ng ilang sandali para sa resulta. Matinding kaba ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon at ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay. Hindi ko maipaliwanag ang naghahalong emosyon na bumabalot sa'kin. Agad akong napatayo nang bumukas ang pintong pinasukan ni Doctora at gano'n kabilis ang naging galaw ko nang lumabas siya doon. Kinakabahan akong napatayo habang hinihintay siyang magsalita. Hinarap ako ni Dr. Jimenez na nakangiti na ipinagtaka ko, alam kong nagsasalubong na ang kilay ko ngayon habang hinihintay kung ano man ang kanyang sasabihin. Alam kong may kakaibang nangyayari sa katawan ko dahil nakikita ko ang kunting pagbabago nito at dahil na rin sa mga nararamdaman kong hindi ko maipaliwanag. Buong pagtataka akong nakamasid sa kanya nang hindi man lang mawala ang munting ngiti nito sa kanyang labi. May sakit na nga ako't lahat pero nagagawa pa niyang mag saya? "Congratulation Ms. Fajardo you're three weeks pregnant.." sabi nito habang naka ngiting nakatingin sakin saka ibabalik muli ang kanyang tingin sa hawak nitong papel. Pakiramdam ko ay parang nanghina ako sa aking narinig. Ramdam ko ang takot at pangamba. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang sandaling iyon. May bahagi ng katawan ko ang nakaramdam ng saya ngunit may bahagi rin ng katawan ko ang nakaramdam ng lungkot. Masaya dahil si Jake ang ama ng magiging anak ko..ang lalaking pinangarap ko noon pa man pero hanggang kaibigan lang ang turing sakin. Malungkot dahil walang kaalam-alam si Jake sa nangyayari at kahit pa siguro malaman niya ay hindi rin siya maniniwala. Mahal na mahal ng lalaking mahal ko ang nobya nitong si Beatrice. Baka kamuhian niya lang ako kung sakaling malalaman niya na dinadala ko ang anak niya at baka ako pa ang maging dahilan upang masira ang relasyon nila. Nasasaktan ako sa isiping iyon. Pero ganun pa man, sa kabila ng hindi magagandang senaryo na pumapasok sa isip ko ay umuwi parin ako sa condo ko na naka ngiti. Kahit ano pa mang pagsubok ang pagdadaanan ko ay siguradong kakayanin ko lalo na ngayon na hindi na ako nag iisa. Magkakaroon na ako ng anghel na kahit walang ama ay hindi ko ipaparamdam na may kulang sa kanya. Pipilitin kong punan kung ano man ang pagkukulang nang kanyang ama. Pinapangako ko sa aking sarili na handa akong gawin ang lahat ng makakaya ko para sa kanya, para sa anak ko. Ngayon ko pa lang nalaman na buntis ako pero kakaibang saya na ang nararamdaman ko, para bang bigla ay nakaramdam ako ng tuwa na hindi ko pa kailanman nararamdaman at sa sandaling iyon ay para bang gusto ko nang makita at mahawakan ang baby ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon ngunit nangingibabaw ang saya sa puso ko. Sayang walang katulad! Napahawak ako sa tiyan ko at bahagya pang hinaplos iyon kahit na hindi pa ito lumalaki, wala pang nagbabago sa hugis ng aking tiyan ngunit nasisiguro kong may munting anghel nang namamalagi doon at sa tamang araw ay lalabas na din siya. Balang araw ay masisilayan ko na rin ang bunga ng pagmamahal ko sa matalik kong kaibigan at sa pagdating nang araw na iyon ay alam kong ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Tuloy ay parang gusto ko na lang hilain ang araw upang dumating na ang araw ng kabuwanan ko. Mahina akong napatawa sa isiping iyon, baka magalit bigla ang anak ko dahil sa mga naiisip ko. Baka iisipin niyang minamadali ko na siya at hindi na makahintay pa. "Hay Jane..matuto kang maghintay", natatawang bulong ko sa aking sarili at saka hinaplos ang aking tiyan. "Pasensiya ka na Anak, ngayon pa lang ay humihingi na ako saiyo ng tawad kung hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya pero pinapangako ko sa'yo na pagsisikapan kong gawin ang lahat para sa iyo. Anak, kapit ka lang ha..wag kang magtampo kay Nanay, huwag mong iiwan si Nanay. Anak,ikaw na lang ang alam kong mayroon ako na matatawag kong tunay kong pag-aari. Anak, kakayanin natin lahat basta magkasama tayo " Hindi ko namalayan ang biglaang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi habang kinakausap ang munting sanggol sa sinapupunan ko na walang kaalam-alam sa kung ano ang buhay na naghihintay sa kanya dito sa mundo . Nasisiguro kong hindi magiging madali ang lahat ng ito para sa akin pero alam kong mas magiging mahirap para sa anak ko ang sitwasyon namin ngayon. Malakas akong napabuntong-hininga habang hinahaplos ang aking tiyan, alam kong mabigat na responsibilidad ang kahaharapin ko pero may tiwala akong kakayanin ko ang lahat, kahit ano pa ang mangyari ay kailangan kong kayanin para sa magiging anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD