Chapter 4

1136 Words
JANE Nasa mall ako ngayon at mag-isang namamasyal, nakangiti na parang baliw habang naglalakad. Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko sa ngayon . Umaapaw sa ligaya ang puso ko pero unti-unting nawala ang ngiti kong 'yon ng makita ko si Jake na kasama si Beatrice, ang babaeng mahal niya at masayang magka-akbay habang naglalakad. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi. Ang sakit tanggapin na makita silang magkasama pero alam kong wala akong karapatan na magreklamo. Ginusto ko ito kaya paninindigan ko. Magtitiis sa abot ng aking makakaya. Sosoluhin ko na lang ang lahat ng sakit hanggang sa kusa na lang sumuko ang puso ko. Kahit mahirapan ako ay hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasira nila. Hindi yata nila ako napansin sa subrang saya nila. Pakiramdam ko ay naging hangin lang ang presensiya ko sa kanila, hangin na nararamdaman pero hindi nakikita. Napakagat labi ako ng maisip na ako ang nagiging kontrabida sa masaya nilang relasyon. Bago pa man nila mapansin ang presensiya ko ay tumalikod na lang ako para hindi na makita pa ang paglalambingan nila. Napahawak ako sa tiyan ko at agad na gumuhit ang ngiti sa bibig ko nang maisip na may munting sanggol na sa loob nito. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya pumunta na lang ako ng jollibee. Miss ko na si Kuya Mico pero kailangan ko munang lumayo sa kanya. Ayaw kong may madamay ako sa mga nangyayari. Pagka kuha ko ng order ko agad ko na itong kinain. Sarap na sarap na aakalain mong ilang araw akong di kumain. Napangiti ako nang maisip na di lang pala ako ang mag isang kumakain sa sandaling iyon dahil may buhay sa loob ng sinapupunan ko at kailangan din niyang kumain. Habang tahimik at magana akong kumakain ay nagulat na lang ako dahil nasa harapan ko na pala si Jake at Beatrice na magkahawak ang kamay. "Best..nandito ka pala?" tanong ni Jake pero ngumiti lang ako ng pilit bilang tugon at nagpatuloy sa pagsubo. "Anong gusto mo babe? Ako na ang bibili ng pagkain natin!". tanong ni Jake kay Beatrice habang nananatiking magkahawak kamay at nagngingitian. Kailangan ba talaga sa harapan ko pa sila mag harutan? Hindi ba nila naiisip na may AKO dito sa harapan nila na nasasaktan sa mga nasasaksihan ko? Ayst, oo nga pala..wala silang alam sa nararamdaman ko para kay Jake. Ang alam lang nila ay bestfriend kami..matalik na magkaibigan! Akala nila ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya.. Hindi nila alam na no'ng nanliligaw pa lang si Jake kay Beatrice ay mahal ko na siya pero inilihim ko lang dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Natatakot din akong baka layuan pa ako ni Jake pag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya, kaya sa huli ay mas pinili ko na lang na mahalin siya sa malayo nang di niya nalalaman kahit na lagi akong nasasaktan pag nakikitang masaya sila. Anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa kanya at alam kong ibang babae ang mahal niya at hindi ako 'yon. Bumalik si Jake na dala na ang pagkain nila. Nagsusubuan pa sila sa harapan ko kaya napayuko na lang ako. Ayaw kong makita kung paano niya pagsilbihan ang ibang babae dahil mas lalo lang ako masasaktan. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para maka-alis na sa harapan nila dahil habang tumatagal ay mas lalo lang nadudurog ang puso ko. Nasasaktan ako pero hindi ko magawang magreklamo dahil wala akong karapatan. Nagpaalam na ako sa kanila dahil masama na rin ang pakiramdam ko at mas lalo lang sasama pag manatili ako sa harap nila at panoorin silang maglambingan. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko palayo sa kanila nang marinig kong nag I love you si Jake kay Beatrice. Doon ko na di kinaya at bigla na lang tumulo ang mga traydor kong luha. Napakasakit na marinig siyang magsabi ng gano'n sa ibang babae, napahawak ako sa tiyan ko at ngayon pa lang ay alam kong walang puwang ang anak ko sa kanyang Tatay. Kahit anong punas ang gawin ko ay patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha ko. Ang sakit.. Alam kong wala akong karapatan para mag selos pero diko parin mapigilan..diko maiwasan. Nasasaktan ako kahit anong pigil ko sa sariling damdamin ko. Mahal ko siya kahit nasasaktan na ako. Mahal ko siya kahit alam kong iba ang mahal niya at hindi ako 'yon. Napatingin ako sa hawak kong bag nang may ingay na nanggagaling sa loob nito. Naagaw nito ang aking pansin kaya pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi bago ito kinuha. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Kuya Mico. "Baby girl, saan ka? Pinuntahan kita sa condo mo pero wala ka. Baby girl, miss na kita!" agad na bungad nito pagkasagot ko ng tawag. Mas lumawak pa ang ngiti sa bibig ko ng maramdaman ang lungkot sa kanyang boses. "Kuya, ayos lang ako kaya huwag ka ng mag-alala pa!" nakangiti kong sagot. "Magpapakita ako sa'yo pag namiss na kita!" natatawa ko pang dagdag. "Jane..," nagugulat niyang singhal dahilan humalakhak ako. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa sa kabilang linya. "Kuya Mico, gusto ko muna mapag-isa!" kapagkuwan ay mahinang sabi ko. Natahimik siya sa kabilang linya kaya nagpatuloy ako. "Kuya, tatawagan kita kung kailangan ko ng tulong pero gusto ko muna mapag-sa sa ngayon!" seryosong sabi ko. "Baby girl, kung may problema ka alam mong nandito lang ako lagi para sa'yo! Hindi mo kailangan lumayo sa'kin, handa akong makinig kung ano man 'yang problema mo." malambing ang tinig ni kuya Mico ng sabihin iyon. Alam kong nag-aalala na rin sila sa'kin pero gusto ko munang lumayo at mag-isip. Ayaw kong idamay sila sa nangyayari sa buhay ko. Alam kong maiipit lang si kuya Micl sa amin ni Jake. Matalik silang magkaibigan at alam kong magagalit si kuya Mico pag nalaman niya ang kalagayan ko ngayon, ayaw kong sirain ang pagkakaibigan nila. " Ayos lang ako kuya, huwag ka ng mag-alala. Gusto ko lang subukan mamuhay ng mag-isa. Lagi na lang kasi ako nakadepende sa'yo!" natawa siya sa sinabi ko, buong buhay ko ay nakadepende na lang ako sa kanya at sa magulang niya. Tungkol naman sa pinagbubuntis ko, ayaw kong magsinungaling sa kanya pero kailangan. " Okay, panalo ka na. Basta huwag kang makalimot magtext o tumawag sa'kin pag may problema, huh?" malambing na sabi ni kuya Mico kaya napangiti ako. Napakaswerte ko dahil sa kanya ako napunta. "Salamat, kuya. I love you!" malambing kong sagot. "Mas mahal kita, baby girl!" natatawa niyang sagot kaya napapuot ako. "Kuya, mas mahal kita!" sigaw kong naiinis kaya malakas siyang tumawa. "Oo na lang..," pagsuko niyang sagot. Napangisi ako. Alam kong hindi niya ako matitiis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD