JANE
Three months na ang baby ko at medyo nahahalata na ang umbok ng tiyan ko. Mahirap lalo na pag may hinahanap akong gustong kainin ngunit wala akong mauutusan,.mahirap lalo na pag sa umaga pero lahat ng hirap ay kinakaya ko para sa aking anghel.
Kahit minsan ay kating-kati na ang kamay kong tawagan si kuya Mico ay pinipigilan ko pa rin ang sarili ko. Ayaw kong maipit siya. Matalik niyang kaibigan si Jake at ayaw kong ako ang magiging dahilan ng pagkasira nila. Tiniis kong hindi magpakita sa kanila para makapag-isip. Tiniis kong lumayo para hanapin ang sarili ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin nagbabago. Mas lalo ko pang pinapalala ang sitwasyon ko. Ngunit gaano man kahirap ang pagdaan ko, may dahilan ako upang magpatuloy at huwag susuko sa laban ng buhay.
May munting anghel na umaasa sa'kin kaya kailangan kong maging matatag para sa sarili ko.
Ayaw kong ipaalam kay Jake ang kalagayan ko dahil ayaw kong mapilitan siyang panagutan ako.Gusto ko kapag nasa tabi ko na si Jake, gusto ko 'yong dahil ginusto niya hindi dahil sa may pananagutan siya sa'kin pero dahil sa gusto niya at do'n siya masaya. Ngunit alam kong malabo 'yon mangyari.Masaya siya sa babaeng mahal niya at ayaw ko silang guluhin.
Napabuntong hininga ako at saka pumunta ng kusina upang maghanap ng makakain.
Dahil nauubos na ang pagkain ko, naisip kong lumabas. Habang abala ako sa pamimili ng grocery item, diko sinasadyang may mabangga ako.
Nag sorry ako without looking kung sino man ang nabangga ko pero ganun na lang ang panlalamig ko ng makilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yun.
Iniiwasan ko na nga siya pero bakit mapaglaro parin ang tadhana? lagi pa rin niya pinagtatagpo ang landas namin.
"Best..ikaw pala?.Kamusta? Wait..buntis ka? Sinong Ama?" .sunod sunod na tanong niya na nagpa kaba sakin.
Nataranta ako..diko alam kung anong sasabihin ko? Wala naman siyang kilala na manliligaw ko dahil ang alam nila manhater ako.
Di man lang niya naisip na kaya ayaw ko sa ibang lalaki dahil siya ang gusto ko.
Siya ang hinihintay ko na manligaw sakin kahit na napaka imposibleng mangyari pero diko pa rin maiwasan na di siya pangarapin.
"Jane tinatanong kita, sinong Ama ng dinadala mo?" seryoso nitong tanong.
Tinawag na niya ako sa pangalan ko at alam kong seryoso na siya at may halong galit at pagtatampo ang boses nito.
Wala akong alam na isasagot sa kanya kaya tumahimik na lang ako.
Biglang dumating si Beatrice kaya medyo nakahinga ako.
Hinila na siya paalis ni Beatrice at naiwan akong nanghihina.
Napa buntong hininga na lang ako.
Muntik na ako dun.
Ano nang gagawin ko? Sinong sasabihin kong Ama ng baby ko? alam kong di siya titigil sa kakatanong hanggang di ko sinasabi kong sino ang Ama ng baby ko.
Kahit gusto kong itago na lang habangbuhay ang anak ko, alam kong darating at darating ang araw na malalaman niya ang totoo pero hindi pa sa ngayon, di pa ako handa, at diko alam kung kailan ako magiging handa. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Paano kung di niya tanggapin ang anak ko?
Naiisip ko pa lang na di niya kayang tanggapin ang anak ko ay nasasaktan na ako.