Chapter 6

793 Words
JANE'S POV Abala ako sa pagluluto ng breakfast ko ng biglang may mag doorbell, nagtaka ako..sino naman kaya ang dadalaw sakin ng ganitong kaaga? Nagtataka man pero lumapit pa rin ako sa pintuan. Seryosong mukha ni Jake ang sumalubong sakin na nagpanginig ng boung katawan ko..Ramdan ang biglang panlalamig ng aking kamay at ang mabilis na pagtibok ng aking puso na tila ba nagkakarerahan. Walang sinabi at mabilis siyang pumasok at naiwan akong naka tulala sa tabi ng pintuan. "Jane.." seryosong pagtawag niya sa pangalan ko na nagpagising sa diwa ko, pero sa halip na harapin siya ay mas pinili kong magtungo ng kusina para tignan ang niluluto ko at para pakalmahin na rin ang sarili ko. Hindi ko siya pinansin kahit nakailang tawag na siya sa pangalan ko. Inabala ko ang aking sarili sa kusina at hinanda ko na lang ang mesa dahil tapos na akong mag luto. "Tara kain muna tayo.." sabi ko sa kanya kaya sumunod na lang siya sakin sa kusina. Habang kumakain kami ay ramdam kong nakatitig lang siya sakin dahil magka harap ang upuan namin Di ako makalunok ng maayos dahil sa presensya niya, naiilang ako kaya nag tanong na ako. " Anong ipinunta mo dito ng ganitong kaaga?" seryosong kong tanong habang di naka tingin sa kanya. "Sino ang ama ng dinadala mo?" seryoso din nitong tanong na nagpakaba ng husto sakin. Napalunok ako ng paulit ulit, diko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, di ko alam kung tama bang sabihin ko ang totoo sa kanya? Ang sabi ng puso ko ay wag kong sabihin dahil masasaktan lang ako dahil may mahal siyang iba pero sabi ng isip ko ay kailangan niyang malaman ang totoo. Nagtatalo ang puso at isip ko, Pero sa huli ay isip ko pa rin ang nagwagi. "Ikaw!" halos pabulong na sagot ko na nagpatahimik sa kanya. "Paano nangyari yun?" di maka paniwalang tanong niya. Kinuwento ko ang lahat ng nangyari nung gabi ng birthday niya, Hindi ko alam kung nakikinig ba siya o hindi? dahil ilang minuto na ang lumipas pero tahimik lang siya kaya muli akong nagsalita. "Wag kang mag alala Jake walang nakaalam sa nangyari sa atin at di ko rin ipipilit ang sarili ko sayo para panagutan mo, kasalanan ko rin kung bakit nangyari iyon, lasing ka ng gabing yun pero hinayaan lang kita, nasa tamang isip ako ng oras na 'yun pero di kita pinigilan kaya kasalanan ko, sorry pero hindi ko pinagsisihan na may nabuo ng gabing iyon, ginusto ko ito at masaya ako, wala kang responsibilidad sa bata kaya wag kang mag alala, kakayanin kong alagaan ang anak ko". mahabang paliwanag ko sa kanya pero tahimik pa rin siya..wala pa rin siyang imik, wala akong natanggap na sagot sa haba ng sinabi ko. Diko na napigilan ang sarili ko at bigla na lang ako napa luha. Diko alam kung sanhi lang ba ito ng pagbubuntis ko o sadyang nasaktan talaga ako sa naging trato niya sakin. Ano pa bang inaasahan ko? Di nga pala niya ako mahal..paano naman siya matutuwa na malaman na buntis ako at siya ang ama kung may iba siyang minamahal at hindi ako yun. Malamang sa malamang..di rin niya tanggap ang baby namin. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa natapos na kaming kumain ay wala pa rin akong naririnig na salita mula sa kanya. Napagdisisyonan kong umalis ng kusina at pumunta ng sala para lumayo sa kanya. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga dahil sa presensya niya. Nasasaktan ako sa diko matukoy na dahilan. Nanood ako ng tv para para di ipahalata na nasasaktan ako sa naging reaksyon nya. Nagkukunwaring walang pakialam sa naging resulta ng aming pag-uusap. Sinubukan kong wag ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ilang minuto lang ay lumabas rin siya ng kusina at nagpaalam ng aalis na daw siya, tumango lang ako bilang sagot ko, ayaw kong mag salita dahil alam kong mababasag lang ang boses ko, ayaw kong mahalata niyang umiiyak ako. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. Wala man lang siyang sinabi? di ba nya talaga tanggap ang baby ko? Ang sakit.. Napahagulgul na lang ako.. Akala ko tama lang na malaman nya ang totoo.. pero sana di ko na lang sinabi para di ko na nakita pa ang ganung reaksyon niya. Peo siguro tama na rin yung alam niya, Tanggap man niya o hindi? tatanggapin ko.. Mahal ko siya at gusto kong maging masaya siya, At alam kong si Beatrice lang ang babaeng nagpapasaya sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD