Chapter 7

743 Words
JAKE'S POV Mula ng magka banggaan kami ni Jane habang namimili ng grocery item diko alam pero may saya akong naramdaman. Ilang buwan din kaming di nagkita at subrang na miss ko siya. pero laking gulat ko ng makita ko siyang buntis??? Paano nangyari yun? Ang alam ko wala siyang boyfriend dahil ayaw niyang may lumalapit na lalaki sa kanya, kaya nakapagtataka kung paanong nangyari na buntis siya? Pag uwi ko ng bahay pagkatapos nun di na ako mapakali. Naiinis ako na kinakabahan. Gustong gusto ko ng malaman ang totoo mula sa kanya, kaya heto ako ngayon.. Maaga pa lang nandito na ako sa labas ng condo niya para malaman ang totoo, at para na rin matahimik na ako sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Nakakapagod mag isip. Pagbukas niya ng pintuan ng kanyang condo ay parang nabigla siya ng makita ako Seryoso lang akong naka tingin sa kanya, pumasok ako ng walang pasabi sabi kanya. Tinawag ko siya para sana kausapin pero di niya ako pinansin, at sa halip ay pumasok lang siya ng kusina na parang walang narinig kaya nakaramdam ako ng inis Inaya niya akong kumain at agad naman akong sumunod sa kanya sa loob kusina kung saan nakahanda na pala ang pagkain niya. Habang magkaharap kaming nakaupo, diko mapigilan ang sariling kong di siya pagmasdan. Siya 'iyong babae na sa unang tingin mo pa lang ay mabibighani ka na. Simple lang pero napaka ganda at di nakakasawang pagmasdan ang kanyang mukha. Gandang lahat ng lalaki ay mabibihag niya. Mahal ko siya mula pa noon pero ayaw kong malaman niya, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Mas pinili kong maging magkaibigan nalang kami dahil alam kong mahirap yun sirain, isa siya sa mga taong mahalaga sakin at ayaw kong mawala kaya nakuntento na akong kaibigan siya. Mahal ko siya pero mahal ko rin si Beatrice.. .haist ang gulo. Nag-uusap kami habang kumakain at di ako naka imik ng marinig ko ang kasagutan sa mga tanong ko. AKO ANG AMA NG ANAK NYA??! May saya akong naramdaman pero naisip ko si Beatrice. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng ibang tao. Mahabang katahimikan ang namayani at wala pa rin akong imik. Wala akong alam na sabihin. Di ko alam ang tamang salita na isasagot sa kanya. Ayaw mag sink in sa utak ko na magkaka anak na kami. Napasabunot ako sa aking buhok ng umalis siya ng kusina at pumunta ng sala..diko siguradokung ok lang ba sa kanya ang kalagayan niyang ganito o hindi? hindi ko mabasa ang isip niya, pero alam kong di madali ang pinagdadaanan niya, alam kong nahihirapan siya pero ayaw lang niyang ipakita sa iba. Wala akong alam na sabihin sa kanya kaya napag pasyahan ko na lang na umalis ng condo niya para makapag isip-isip. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya lumabas na lang ako ng tahimik. Mas mabuti na 'yung ganun sa halip na magbitiw ng salita na maari kong pagsisihan sa huli. Pagkaalis ko ng condo niya ay dumiretso na lang ako sa tambayan ng barkada at dun nadatnan ko sila Clark, Dave, Jaze at Mico na may kanya-kanyang mundo. Wala rin alam si Mico sa nangyayari kay Jane dahil di siya nagpapakita sa amin, tumawag lang sa kanya si Jane para sabihin na gusto muna niyang mag isa. Nag aalala na rin si Mico pero nirerespeto nito ang kagustuhan ni Jane. "Anong problema dude?" tanong ni Clark, alam nila agad sa galaw kung may gumugulo sa isip ko. Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita, sinabi ko sa kanila lahat lahat kaya natahimik rin sila. Maiintindihan ko sila kung magagalit sila sakin dahil nag iisang babae sa barkada namin si Jane at prinsesa ang turing namin sa kanya lalo na si Mico dahil sa pangangalaga na niya lumaki si Jane, totoong kapatid kung ituring niya ito. "Anong gagawin mo ngayon dude?Siguradong nahihirapan si Jane ngayon sa sitwasyon nya..kaya naman pala matagal na siyang di nagpapakita sa atin.." mahabang ani ni Jaze. "Diko alam dude pero may saya at excitement akong naramdaman ng malaman ko yun..diko maipaliwag iyong tuwa at galak sa puso ko" mahinang sagot ko pero mahihimigan ang tuwa sa aking boses. Gusto ko siyang panagutan pero naiisip ko si Beatrice, ayaw ko siyang saktan pero diko rin kayang pabayaan na lang basta-basta si Jane. Naguguluhan ako. Alam kong kahit anong pasya pa ang gawin ko, may masasaktan parin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD