JANE'S POV
Nagising ako kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam, ramdam ko ang pamamaga ng talukap ng aking mga mata. Buong gabi akong nag-isip sa kung ano ang makakabuti sa sitwasyon ko pero wala akong mahanap na tamang salita para mabawasan man lang ang sakit sa dibdib ko pero kahit anong pangungumbinsi ko sa aking sarili para balewalain ang sakit na nararamdaman ko ay walang epekto, nasasaktan ako at iyon lang ang alam ko.
Akala ko ayos na ako, akala ko ay kaya ko ng harapin ang sitwasyon ko ng di nasasaktan, akala ko ay kaya ko harapin ang takot sa magiging buhay na haharapin namin ng magiging anak ko, pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon dahil heto ako, nagmumukmuk sa aking condo at umiiyak sa tuwing naiisip ko si Jake at ang magiging anak namin.
Paano ba ako makakaligtas sa giyera ng pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay alam kong ako na ang talunan?
How can I love the person without even getting hurt If I'm always feel unworthy?
How can I handle the most heavy responsibilities in my life?
Sabi nila, kung masakit na, tumigil ka na.
Kung 'di mo na kaya, sumuko ka na.
Kung napapagod kana, magpahinga ka.
Kung nahihirapan kana, pakawalan mo na.
Dahil may mga bagay na kailangan mo nang bitawan kapag mabigat na.
May mga bagay na sadyang nakakasakit na..
Sa puntong hindi mo na kaya.
Mga bagay na kailangang ipaubaya nalang sa iba kapag alam mong hindi mona matatawag na iyo pa.
O... Naging pagmamay-ari mo ba talaga?
Masakit man isipin..
Masakit man damhin..
Pero hindi mo maiaalis ang katotohanang..
Hindi ikaw ang mahal niya. Na hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya. Na alam mong walang magiging katapat ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya.
Pero okay lang 'yan..
Iiyak mo lang..
Ilabas mo ang lahat ng sakit..
Hanggang sa wala kanang mailuha pa..
At wala ka nang mararamdamang hapdi pa dahil 'di mo namamalayan.. Namamanhid kana..
Kapag naisip mong sumuko na, kapag naisip mong wala ng saysay ang iyong buhay, alalahanin mong may isang buhay na tinitingala ka at umaasa saiyo.
Mahirap man ang buhay, magpasalamat ka lalo na't pinagkalooban ka ng isang anak na bubuo sa iyong pagkatao.
"Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang damdamin ko
Di mo man ako mahal heto parin ako
Nagmamahal ng tapat sayo.
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka nang iba
Ba't baliw na baliw ako sayo
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba mahal kita".
Napatigil ako sa pagbukas ng pintuan sa balkonahe ng marinig ang masakit na mensahe ng kanta na nagmumula kung saan. Tumingin ako sa katabi ng tinutuluyan ko at doon ay sumalubong sa paningin ko ang babaeng nakasubsub ang mukha sa lamesa at matunog na umiiyak habang nakikinig ng musika.
"Bakit ba di mo'ko magawang mahalin? Ano bang meron siya na wala ako? Kaya ko naman gawin ang lahat para sa'yo e pero bakit di mo siya makalimutan? Ako 'yung kasama mo nung iwan ka niya, akala ko akin ka na dahil masaya naman tayo pero bakit nung bumalik siya, iniwan at kinalimutan mo na ako? Pwede bang ako na lang?". Umiiyak na sabi ng babae habang kinakausap ang kanyang cellphone na tila ba sasagot ito sa kanyang mga tanong.
Ramdam ko ang sakit sa kanyang hikbi, siguro kasi pareho kaming nagmamahal sa taong may mahal nang iba.
Lumabas ako ng balkonahe para sana lumanghap ng sariwang hangin pero diko inaasahan na ganitong sinaryo ang sasalubong sa umaga ko.
Masakit ang katutuhan na kung sino pa ang napili mong mahalin ay siya pa iyong taong di ka magawang mahalin.
Napakagat ako sa aking labi nang di ko na napigilan ang sarili ko na sumabay sa kanyang mga hikbi, mailap ako sa mga tao pero diko alam dahil parang gusto ko siyang lapitan at yakapin pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon, alam kong masakit ang sitwasyon niya pero mas malala ang sitwasyon ko dahil nagbunga ang pagmamahal ko sa lalaking may mahal nang iba.
Nakakagaan sa loob ang may makausap at makaintindi sa sitwasyon mo, masarap sa pakiramdam na may isang tao kang masasandalan kung pakiramdam mo ay iniwanan ka na ng lahat at alam kong may mga kaibigan akong masasandalan sa mga oras na ganito pero mas gusto kong mapag-isa, mas pinili kong harapin nang mag-isa ang problema ko dahil ayaw ko silang mamili, parehong malapit kami ni Jake sa kanila lalo na si Kuya Mico, siya na rin ang nagtayong Kuya at Magulang sakin.
Pumasok ako sa loob ng mabigat ang aking dibdib. Napakasakit na makita ang babaeng umiiyak dahil sa pagkabigo sa lalaking mahal niya. Ramdam na ramdam ko ang dinadala niyang sakit.
Pagkatapos ng nangyaring pag-uusap namin ni Jake ay naisip ko na lang na lumayo muna para makalimot. Uunahin ko na muna ang kalagayan ng anak ko kaysa sa sariling nararamdaman ko. Kailangan kong maging matatag para sa kanya. Ayaw ko muna mag-isip ng kung anu-ano baka mapahamak pa ang dinadala ko kung lagi na lang akong umiiyak.
Nagliligpit na ako ngayon ng mga gamit ko na dadalhin dahil pupunta muna akong probinsya at doon na lang muna ako kila tita maninirahan. Baka sakaling makalimutan ko siya kung di ko na siya makikita pa.
Mahirap at masakit makita na ganun lang ang reaksyon ni Jake pagkatapos niyang malaman na magiging ama na siya ng anak ko. Gusto kong isipin na baka nabigla lang siya kaya ganun na lang siya umakto pero naiisip ko rin na baka ayaw rin niya sa batang dinadala ko at nasasaktan ako sa isiping iyon.
Mapait akong napangiti sa isiping iyon. Kasabay ng paghaplos ko sa maumbok kong tiyan ay ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Masakit. Nasasaktan ako para sa batang dinadala ko.
Siguro nga di talaga niya kayang tanggapin ang baby ko kaya lalayo na lang ako sa kanya.
Habang abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ko ay bigla na lang may mag doorbell. Wala akong inaasahan na bisita kaya alam kong isa sa mga kaibigan ko ang nasa labas ngayon ng condo ko.
Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at binuksan ang pinto, nakangiting mukha ni Jake ang sumalubong sakin.
Nagulat ako nang bigla na lang niya akong niyakap.
"A-ahhh Jake di ako maka hinga.."
Wika ko sa pagitan ng mahigpit niyang yakap dahil naiipit ang baby ko.
"Sorry sorry sorry.." Mabilis at natataranta nitong sagot sakin at hinawakan pa niya ang umbok ng tiyan ko na nagpatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Anong ginagawa mo dito?".
Kunot noong tanong ko sa kanya dahil kahapon lang ng malaman niyang buntis ako sa anak niya ay parang binagsakan na siya ng langit pero ngayon parang nanalo na sa lotto ang kanyang hitsura sa subrang saya.
Parang baliw na pangiti ngiting mag isa.
Hinila niya akong paupo sa tabi niya at tumingin sa mga mata ko ng deretsu. Nagsalubong ang kanyang kilay ng at marahan na hinaplos ang aking pisngi.
"Umiiyak ka ba?" Napaiwas ako ng tingin sa naging tanong niya. Muling sinakop ng kanyang dalawang palad ang aking pisngi at pinakatitigan ako sa aking mata. Nagbaba ako ng tingin, diko kayang salubungin ang titig.
"Jane, patawad sa naging reaksyon ko, patawad kong nasaktan kita. Pakiusap, hayaan mo akong bumawi, bigyan mo ako ng pagkakataon para bumawi sa'yo, sa magiging anak natin, pakasal na tayo".
sabi niyang nagpa iyak sakin.
"Anong sabi mo?" .tanong ko pa, baka kasi nagkamali lang ako ng pandinig. Gusto kong makasiguro na tama ang narinig ko.
"PAPAKASALAN KITA, PAPANAGUTAN KO ANG BABY NATIN, SABAY NATIN SIYANG PALALAKIHIN"
dagdag pa niyang nakangiti kaya mas lalo akong napaiyak.
Di ako maka paniwala,napayakap ako sa kanya sa subrang saya. Umiiyak ako hindi dahil sa malungkot ako, umiiyak ako dahil subrang saya. Ito lang naman ang pinangarap ko, ang makasama siya. Siya lang pangarap ko. Akala ko hanggang pangarap na lang iyon pero heto kami't magkayakap.
"Tanggap mo ang baby ko?". Tanong ko habang nakakulong parin sa kanyang bisig.
"Baby natin at sabay nating palalakihin".
masayang sagot niya.
"Salamat Jake, samalat".
sabi ko sa gitna ng yakapan namin, ayaw kong bumitaw dahil baka panaginip lang ang lahat ng ito.
Habang nakayakap at nakakulong ako sa mga bisig ni Jake ay ramdam ko ang pagod at antok, siguro kasi ngayon ko lang ulit naramdaman ang kapayapaan dahil sa yakap niya. Wala man kasiguraduhan sa kung ano ang pweding mangyari sa hinaharap ay magbabakasali parin ako para sa pagmamahal ko sa kanya at lalong lalo na para sa magiging anak namin.
Nagising ako na mukha ni Jake na nakangiti ang sumalubong sakin. Napatitig ako sa kanya at dahan-dahang sumilay ang ngiti sa aking labi. Di ako nanaginip lang. Totoong nasa harap ko siya ngayon at kasama ko.
"Anong nangyari?" .tanong ko sa kanya.
"Nakatulog ka lang sa subrang stress.." sagot nya sa tanong ko kaya napa ahh na lang ako.
Buong araw nasa condo ko lang si Jake para daw mabantayan niya ako.
Ayaw kong umasa pero sana ang pag aalalang ginagawa niya ngayon sakin ay may halong pagmamahal hindi lang para sa magiging anak namin kundi para na rin sakin.
Pero baka dahil lang yan sa anak namin kaya siya ganyan.