JANE'S POV
Umalis si Jake ng condo ko dahil may aayusin lang daw siya sandali at babalik rin agad.
Naiwan akong mag-isa pero nakangiti. Masaya ako na tanggap na niya ang anak ko kahit di pa niya ako mahal ayos lang basta para sa anak ko ay kakayanin ko.Gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng kumpletong magulang at pamilya.
Biglang pumasok sa isip ko si Beatrice..ano kaya ang gagawin niya pag malaman niya ang tungkol sa dinadala ko? Natatakot ako para sa kaligtasan ng anak ko. Di bale ng ako ang masaktan wag lang anak ko.
Napatingin ako sa umbok ng tiyan ko..malaki na, six months na rin kasi at ilang buwan na lang makikita ko na siya!
Nakalimutan ko pa lang magpa ultra sound, siguro hihintayin ko na lang ang pagbalik ni Jake para sabay na namin makita ang anak ko.
Tanghali na ng makabalik si Jake pero di nag-iisa dahil kasama na niya ang barkada namin.
Nahiya ako pero isa isa nila akong niyakap at binati. Ramdam ko ang saya sa kanila ng makita ako, alam kong namiss nila ako at ganun din ako para sa kanila. Nasanay na akong lagi silang nasa tabi ko.
"Baby girl, tinakot mo'ko. Alam mong nandito ako palagi para sa'yo, diba? Please, wag mo ng uulitin 'yon". Nakangiti pero nandun ang pag aalala sa tinig ni Kuya Mico. Naiiyak ko siyang niyakap.
"Sorry Kuya". Tanging' yon lang ang nasabi ko dahil alam kong pinag-alala ko siya. Kahit wala na akong magulang, di pinaramdam sakin ni Kuya Mico at nang kanyang magulang na mag-isa ako, lagi silang nandiyan upang gabayan ako sa lahat ng bagay, di sila nagkulang ng atensyon at pagmamahal na ibinibigay sakin,pero dahil nasa ibang bansa ang magulang ni Kuya Mico, siya ang laging nandiyan para sakin. Di ako iniiwan sa kahit anong nangyayari sa buhay ko.
Ang tahimik kong mundo ay naging maingay sa pagdating ng barkada, nagkukulitan, nag aasaran at nagtatawanan, nakikita ko sa kanilang mukha kung gaano sila kasaya.
Kahit mga luko ang mga lalaking ito ay alam kong mapagkakatiwalaan at maaasahan sila. Sila iyong tipo ng kaibigan na pinapangarap ng lahat, totoong kaibigan at maaasahan.
Nasa sala kami at nanonood ng movie ng maalala ko ang tungkol sa ultra sound kaya hinawakan ko ang braso ni Jake para makuha ang atensyon niya.
Subrang excited lang talaga ako na makita ang baby ko. Diko na ito naisip pang gawin sa mga nakaraan na buwan dahil na rin sa dami ng iniisip ko pero ngayon na maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Jake para sa anak namin, para bang bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga bagay patungkol sa anak ko. Ganun na nga siguro pag masaya ka, wala kang nakakalimutan pag tungkol na sa kanya, lagi kang napapa-isip sa kung ano ang sunod na galaw mo.
"Ahh jake..gusto ko magpa ultra sound, sasama ka ba?" tanong ko sa kanya kaya nakuha ko na rin ang atensyon nilang lahat.
"Oo naman..sasama ako, gusto ko na siyang makita, tara na".
sabi nitong naka ngiti at tumayo na,
agad rin nagsitayuan ang barkada kaya napakunot ako ng noo.
"Uuwi na kayo?". tanong ko sa kanila.
"Sasama kami sa inyo..". sabay-sabay na sagot nila kaya napatawa ako.
"E ang dami na natin, wag na kayong sumama, dito na lang kayo mag...".
diko na natapos pa ang sasabihin ko dahil isa isa na silang lumabas ng condo ko.
Mga gagong lalaki yun, kitang nagsasalita pa ako pero tinalikuran na nila ako kaya napa pout na lang ako habang nasa likod ko si Jake na natatawa.
" Hayaan mo na mas excited pa yun sila kaysa sa atin".
natatawang sabi ni Jake
Alam ko naman iyon, alam kong suportado silang mga kaibigan pero iyong tatalikuran ako habang nagsasalita pa, nakaka inis iyon, kawalan ng respeto sa buntis na katulad ko. Mas lalo pa tuloy akong napanguso dahil sa mga naiisip ko.
Naku, kung di lang ako buntis, nabugbug ko na sana sila. Nakaka inis.
Habang nakanguso ako at naiinis, tuwang tuwa naman si Jake na nakasunod lang sakin sa paglalakad, mas lalo pa akong napanguso ng marinig ang pigil niyang tawa.
Hmm, lagot talaga sakin ang mga lukong 'yon.