JANE'S POV Pagkalabas namin ni Jake ay nakita na lang namin na isa-isa nang nakasakay ang mga tukmol sa kani-kanilang sasakyan. Iba talaga ang buhay pag may kumpleto kang magulang na kayang ibigay ang maganda at marangyang buhay, makukuha mo ang lahat ng luho mo kahit na tatamad-tamad ka pa. Habang nasa daan kami ay hindi mawala-wala ang ngiti ni Jake at paminsan minsan pa ay hinahawakan niya ang kamay ko. Napakagat ako ng aking labi para mapigilan ang nagbabadyang ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya sa ganitong pagkakataon. Kinikilig ako sa ginagawa niya pero ayaw kong ipahalata dahil baka tuksuin lang niya ako. Gusto kong masanay sa ganito pero natatakot akong umasa at masaktan sa bandang huli. Mabuti nang magpigil sa sarili kaysa naman sa umasa ako ng higit pa sa kay