Episode 03

1021 Words
Maxine Lyanne's POV Pinanood ko ang mga tao na namimitas ng ubas habang naglalakad ako sa malaking lupain na nakikita ko lang kanina mula sa veranda. Napahinto ako sa paglalakad at pinanood sila sa ginagawa nila. Nawawala sa isip ko ang bigat na nararamdaman ko habang pinapanood sila. Nakakatakam ang ubas. Mukhang masarap lalo na at gutom ako. Hindi ko kinain ang pagkain na inihanda sa akin ni Khloe. Sa bahay na lang ako kakain. May alam naman ako sa pagluluto. Natuto akong magluto dahil kay Ronnie. "Anong kailangan mo?" Napalingon agad ako sa likod ko. Isang matandang babae na may hawak na basket na walang laman ang nakatayo. Napailing agad ako sa kanya. Pinagpasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napayakap na naman ako sa sarili ko. Ang pagyakap ko na lang sa sarili ko ang nagpapakalma sa akin. "Bakasyonista ka ba?" tanong niya pa sa akin. Napailing muli ako at napahakbang paatras para bigyan kami ng pagitan. "Sige, may trabaho pa ako," walang ganang saad sa akin ng matanda at dumaan na sa gilid ko. Trabaho? Nawalan nga pala ako ng trabaho kagabi at kailangan ko ng bago. Hindi pwedeng magsayang lang ako ng araw habang nakakulong si Ronnie. Kailangan ko ng trabaho para makaipon pampyansa kay Ronnie. "S-Sandali po..." nahihiyang sambit ko at napaharap sa babaeng nakadaan na sa akin. Nakataas ang dalawa niyang kilay sa akin habang inaantay ang sasabihin ko. "Pwede po bang mamasukan sa inyo? Katulad po ng ginagawa niyong trabaho," saad ko. Mas madali ang pamimitas ng ubas kaysa ang maghugas ng pinggan na paulit-ulit ko naman na nababasag. "Seryoso ka ba? Mukha ka ngang bakasyonista at halata naman na galing ka sa mayamang pamilya," natatawang sagot niya sa akin. Naglapitan pa ang ibang mga babae na may mga dala rin na basket. "Anong mayroon?" tanong ng babaeng mukhang kasing edad ko lang. "Mamasukan daw ang mayaman na 'yan dito," natatawang sagot ng babae na una kong kinausap. Napahakbang ako paatras dahil sa pagtatawanan nila. Hindi naman ako mayaman. Ang Daddy ko lang ang mayaman. Hindi ko magawang magpaliwanag sa kanila dahil sa tawanan nila. Hindi ko na talaga alam kung saan ba ako dapat na lumulugar. Kahit dito kasi wala akong lugar. "Anong mayroon dito?" Napataas agad ang tingin ko sa likod ko at nakita ko si Gamble na nakasakay sa kabayo. Tumalon ito pababa kaya napagilid ako para hindi kami magtabi. "May kailangan ka pa, Lyanne?" nakangiting tanong niya sa akin. Napahawak ako sa braso ko at pinisil-pisil ko ito. Napatingin ako sa mga babaeng nasa harapan ko na tumigil na sa pagtatawanan. "Señorito Gamble, nagtatanong siya kung pwede raw ba siyang mamasukan dito," sagot ng babaeng kasing edad ko lang. "Gusto mo bang magtrabaho rito sa ubasan?" tanong sa akin ni Gamble. Ito ang Hacienda Aceves? Sa kanila rin 'to? Nakatira rin naman kami sa Escajeda pero ngayon ko lang nalaman na may ganito kalaking lupain. "May mas madali pang trabaho rito na pwede sa'yo. Kung gusto mo, madali kitang maipapasok." Hindi matigil ang pag ngiti ng labi niya sa akin. Ang gaan-gaan niyang kausapin ako katulad ni Khloe. Ngayon lang may naging mabait sa akin maliban sa boyfriend ko kaya nagtataka ako. Nangangamba ako na baka mamaya kapahamakan lang pala 'to. Umiling na lang ako at dali-dali na tinalikuran siya. Ayokong makipag-usap pa sa kanya dahil duda talaga ako ako sa mga pinapakita niya. Nakakapanghinala kapag may tao na bigla na lang dumadating sa buhay ko para maging mabait. Hindi ko rin masisi ang sarili ko kung bakit ganito ako. Buong buhay ko, lahat ng nakasama ko sa bahay pati ang mga kadugo ko ay galit sa akin. "Lyanne." Isang malaking kamay ang gumapang sa siko ko at hinarap niya ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya dahil sa paglapat ng kamay niya sa akin kaya mabilis niya rin akong binitawan. "I didn't mean to scare you." He pressed his lips together. Natatakot talaga ako kapag may bigla na lang na may kamay na humahawak sa akin. Nabibigla ako dahil baka bigla na lang akong saktan ng kamay na 'to tulad ng naranasan ko sa mismong Daddy ko. Hindi na mawala sa isip ko ang bagay na nangyari sa akin. Palagi ko na lang 'tong naaalala kahit na malayo na ako sa kanila. "Kung ano man ang nangyari sa'yo sa nakaraan na dahilan kaya mo ako iniiwasan—" "T-Tama na..." Ayokong may kung sino lang ang biglang binubuksan ang tungkol sa nakaraan ko. Hindi ko siya lubos na kilala para simulan niya ang usapan sa nakaraan ko. "Ihahatid na kita sa inyo," alok niya pa sa akin. Umiling ako sa kanya at muli siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang pag-uusap ng mga babae dahil sa bigla kong pagtalikod sa tinatawag nilang señorito. Hindi ko pa naman siya kilala baka mamaya kung saan niya ako dalhin. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. Nakapagtapos naman ako kahit na sa bahay lang ako nag-aral. "Ito ang I.D ko." Napatingin ako sa kanya na naglalakad na pala kasabay ko. Napaurong ako sa kabilang gilid at patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko na tinignan pa ang I.D niya. Hindi naman dahilan ang I.D para lang masabi na mapagkakatiwalaan na siya. "Hindi talaga ako masamang tao, Lyanne. May kapatid din akong babae katulad mo kaya malaki ang respesto ko sa mga babae. Hindi ka naman mapapahamak kapag ako ang kasama mo. Maingat din kita na ihahatid sa bahay mo." Parang wala akong naririnig sa lahat ng mga sinasabi niya. Sinasanay ko na ang sarili ko na maging mag-isa. Na kayanin kahit na ako lang kaya hindi ko siya kailangan. "Alam kong hindi ka komportable sa akin dahil lalaki ako pero wala naman akong gagawin na masama sa'yo." Sino ba naman kasi ang taong magsasabi kapag may gagawin silang masama sa isang tao? Ang Daddy ko, walang sabi-sabi at bigla na lang niya akong sasaktan kahit na tulog ako o nasa harapan kami ng mga tauhan niya. "Lyanne, I know that I am not the best guy in this world, but I know how to deal with a lady."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD