Episode 02

1094 Words
Maxine Lyanne's POV Hampas ng tungkod ang tumama sa pisngi ko na parang kinabasag ng mga ipin ko. "No!" Mabilis akong napadilat at napaupo. Napatingin ako sa paligid. Isang mataas na kisame. Mapuputing pader. Malaking kama na hinihigan ko. "Hindi pwede..." Nagmamadali akong umalis sa kama at nagtungo sa veranda para tumakas. Pero iba ang bumungad sa akin. Isang masaganang mga puno. Malaking ektraya na lupain at ang araw. Umaga na at wala pala ako sa bahay ng Daddy ko. Nabawasan ang kaba sa dibdib ko at napahawak sa kumirot kong ulo ko. Nakapa ko ang isang bandage at napaupo na lang ako sa silyang nasa harapan ng isang babasagin na lamesa. Huling natatandaan ko ay nawalan ako ng malay sa harap ng isang lalaki. Kaninong bahay 'to? Sino ang gumamot sa sugat ko? Bumaba ang tingin ko sa damit ko at suot ko pa rin ang damit ko kahapon. Ang pantalon at t-shirt. Ang tahimik kong pagkakaupo ay na gambala nang bumukas ang pinto ng kwarto at isang babae na may dalang tray ang pumasok. "Ay pasensya na kung hindi ako kumatok," nakangiting sambit niya at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Napayakap muli ako sa sarili. Ayokong magpadala sa maganda niyang boses at ngiti niya. Ganyan na ganyan ang ate ko sa akin pero palagi naman niya akong pinagtatawanan sa tuwing sinasaktan na ako ng Daddy namin. "Akala ko kasi tulog ka na. Kumusta ang tulog mo?" Inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang tray na may pagkain. Napatingin na lang ako sa pagkain na nakakatakam. Pancake na maraming honey sa ibabaw. May mga blueberry pa at isang basong gatas. Ito ang araw na makakakain ulit ako ng masarap. Ganyan ang umagahan ko sa bahay ng Daddy ko. Ganyan kasarap pero ang sarap ng pagkain ay hindi naman kayang tumbasan ng mga pasa at dugo na dahil sa p*******t ni Daddy. "Kumain ka na," sambit niya. Napataas ang ulo ko at nakita ko na nakaupo na siya sa silyang nasa harapan ko. Hindi ko siya kinibo. Ayokong kumain dahil baka ano pa ang kapalit nito. Kahit na babae siya, hindi ko pa rin kaya na pagkatiwalaan siya. Babae man o lalaki, lahat sila sinasaktan ako sa mansyon ni Daddy. "Ay ako nga pala si Khloe. Pinsan ng asawa ko ang tumulong sa'yo. Nadaanan ka lang daw niya at mukhang may nangyari sa'yo dahil dinala ka niya rito na..." Napatingin siya sa ulo ko. "May dugo ang ulo mo." Bahay pala ito ng lalaking nakasalubong ko kagabi sa daan. Bakit niya ko tinulungan? Anong kailangan niya sa akin? Pahihirapan niya ba ako pagkatapos niya akong dalhin dito sa bahay niya? "Ano bang nangyari sa ulo mo?" tanong niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan na lang ang mga puno mula sa veranda. Ayokong magkwento sa kahit na kanino tungkol sa naranasan ko. Natatakot ako na baka gamitin lang niya laban sa akin ang malalaman niya. Gamitin nila para pahirapan na naman ako. "Kung hindi mo kayang sagutin, ayos lang. Karapatan mo naman 'yon pero pwede ba na malaman ang pangalan mo?" Maxine Lyanne Desiderio ang pangalan na ayaw kong sabihin sa kanila. Pangalan na binigay sa akin ng Daddy ko. Sobrang gandang pangalan pero sobrang pangit naman ng naranasan ko. Twenty-two years that I walled in my father's house. Ngayon pa lang ako nagiging malaya kasama sana ang boyfriend ko na totoong nagmamahal at tumulong sa akin pero... Nakulong agad 'to ng dahil sa kasalanan na hindi niya naman ginawa. "Kung ayaw mo rin na sabihin ang pangalan mo sa akin, ayos lang din. Kung may kailangan ka, pwede mo kong tawagin. May mga damit din ako na hindi ko pa nagagamit. Siguradong kasya 'yon sa'yo. Pwede kong ipahiram sa'yo." Ang gaan-gaan ng pagkausap niya sa akin. Ganyan na ganyan ang Ate ko. Maamo ang mukha, malambing magsalita pero may malaking galit naman talaga sa akin. Paano pa ba ako magtitiwala sa iba kung mismong pamilya ko ang sumira sa tiwala ko. Hindi lang nila basta sinira dahil ibang klaseng sakit at inabot ko dahil sa kanila. "Kumusta ka?" Mabilis na gumalaw ang ulo ko papunta sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang binata kagabi na kakapasok lang sa kwarto ng hindi ko naririnig ang pagbukas ng pinto. Mas lalong nakakaduda dahil hindi ko narinig ang pag galaw niya. Masasamang tao raw ang gumagalaw na hindi naririnig o nararamdaman man lang. May alam na ako sa paligid ko kahit na ilang buwan pa lang akong nakakalabas. Maraming bagay na naturo sa akin si Ronnie bago pa siya makulong. "Kayo na muna ang mag-usap. Hindi siya nagsasalita," sambit ni Khloe at naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. Itinaas ko ang dalawang paa ko sa silya na inuupuan ko at napayakap sa tuhod ko. Naupo ang lalaki sa silya na inuupuan ni Khloe kanina. "Hindi ko pinalitan ang damit mo dahil baka mas lalo kang matakot kapag may gumalaw sa suot mo. Kumusta ka?" Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan ko na walang bawas. "Kumain ka na para magkalaman na ang tiyan mo." Hindi ko alam kung ligtas ba ako rito o baka isa na namang panganib. Mukhang mayaman siya at natatakot ako na baka kaibigan siya ng Daddy ko. Hindi maalis sa isip ko sa tuwing may makikita akong lalaki na baka inutusan sila ng Daddy ko para saktan ako. "I know you are scared right now. As I said yesterday night, I am not going to hurt you. I am Gamther Blenton Aceves, and you can call me Gamble. You look too precious. No man wants to break a beautiful lady," he said, and he plastered a smile on his face. I hope he's right that no one wants to hurt me. "You can tell me what do you want. I can give it to you." He's to the kind to me that makes me doubt too much. "I want to go home. Let me leave," I answered. This place is not for me. I am not comfortable in a place like this. A place that's looks like my father's house. Full of beautiful things and a big room but makes my soul broke. "Hahayaan kitang umalis pero gusto kong malaman ang pangalan mo. Totoong pangalan mo," madiing saad niya habang nakangiti pa sa akin. Gusto ko ng umuwi sa bahay namin ni Ronnie. Kahit ayokong sabihin ang pangalan ko... Sasabihin ko na. "Maxine Lyanne Desiderio," I answered. "Lyanne, you can come back here anytime you want. If somebody abuses you, you can inform me. Ako ang bahala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD