Maxine Lyanne's POV
Dinampot ko ang dalawang itlog mula sa manukan sa maliit na bakuran ng bahay ni Ronnie. Napalingon ako sa bahay naming dalawa.
Ang simpleng kubo pero masaya noong kasama ko pa siya. Ang maingay na kubo kahit na malayo sa mga kapit-bahay ay tahimik na ngayon. Hindi ko alam kung anong trabaho pa ba ang pwede kong pasukan na makaka-sweldo ng sapat para makalabas sa kulungan si Ronnie.
Alam kong ako na ako ang dahilan kaya siya na frame-up kaya gusto ko na ako mismo ang maglalabas sa kanya sa kulungan.
"Dito ka pala nakatira."
Mabilis akong napalingon sa likod ko. Napaatras kaagad ako ng makita ko si Gamble na nakatayo sa labas ng bakuran ko habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa likuran niya.
"Galing ka sa mayamang pamilya kaya bakit dito ka nakatira?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
Ayokong bigyan pa ng pansin ang nalaman niya. Hindi niya dapat nalalaman ang tungkol sa buhay ko lalo na kung saan ako nang galing.
Nakakatakot siya dahil bigla-bigla na lang siyang susulpot sa likuran ko. Malayo rin itong bahay ko sa bahay niya kaya bakit siya napunta rito?
"Nag-aalala lang ako sa'yo kaya pinahanap ko ang bahay mo."
Napaatras pa ako bitbit ang dalawang itlog sa magkabilang kamay ko. He creeps me out. Why did he do that? We just met. My anxiety is getting higher because of him. He looks like a stalker. A man that creeps me out. There are no people here except us. What if he did something wrong to me? What if he kills me?
"I am not doing anything. There is no harm between you and me. You are safe in this zone, Lyanne. No need to be scared of me."
Umatras pa siya at itinaas ang dalawang kamay.
"Mamatay man ako ngayon. Tamaan man ako ng kidlat, wala akong gagawin na masama sa'yo."
"I-I d-did not get you," I complained. "Bakit ba ginagawa mo 'to?"
Alam kong may gusto siyang makuha sa akin. Lahat naman ng tao na gusto akong saktan, lumalapit lang sa akin kapag may gusto silang makuha o gawin sa akin. Ang Daddy ko, ginagawa niya akong labasan ng sama ng loob niya. Ilang pasa pa ang aabutin ko para lang gumaan ang loob niya.
Ang kapatid ko naman, isusumbong ako sa Daddy ko kahit na wala akong ginagawa kapag may nagawa siyang mali. Lahat 'yon ginagawa ng Ate ko para sa akin lang magalit ang Daddy namin.
Ang mga kasam-bahay naman namin, walang sawa na pinag-uusapan ako at pinagtatawanan kapag sinasaktan ako ng Daddy ko. Mabait lang naman sila kapag may kailangan sila sa akin.
Such a traitor.
"I know that you need help."
Umiling agad ako sa kanya. Sinusukan at kinakaya ko naman na maging mag-isa. Na maging matatag dahil alam ko na babalik din ako sa dati na hindi ako mag-isa. Makakalaya rin ang boyfriend ko.
"Lyanne, alam kong may kailangan ka at gustong-gusto kitang tulungan."
Nakikita ko ang awa sa mga mata niya. Awa na sana nakita ko rin sa mga mata ng mga kasamahan ko sa bahay ng Daddy ko noong sinasaktan ako.
"Hindi natin kilala ang isa't isa ng husto. Kung ano man ang kailangan ko, kaya ko na 'yon—"
"Naghahanap ka ng trabaho 'di ba? Kailangan ko ng magtuturo para sa kapatid ko. Hirap na hirapa siya sa pagtatagalog. Babayaran kita at tuturuan mo naman siya."
Napayuko ako at napatingin sa hawak kong itlog na iniingatan ko na mabasag dahil ito na lang ang makakain ko. Kaya naman todo pagpipigil ako sa pagkuyom ng galit kong kamao. Lumabas na rin ang kailangan niya.
Gusto niya na maging tagaturo ako ng isang tao. Nakakatakot ang mga tao. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang totoo at ang ginagawa lang akong katatawanan. Ayokong nakikihalubilo sa mga tao at mas lalo na siguro sa kanya.
May iba akong nararamdaman at ang nararamdaman kong 'to parang pakiramdam noong nakakulong ako sa bahay namin.
"U-Umalis ka na..." mahinang saad ko.
Tinalikuran ko siya at naglakad na papasok sa kubo namin. Hindi ko isusugal ang buhay ko sa kanya. Maghahanap na lang ako ng iba pang trabaho.
Kapag kinausap ko pa siya nang kinausap baka isipin pa niya na interesado na ako sa kanya. Nagtataka pa rin ako kung bakit ba ang gaan-gaan ng loob niya sa akin kahit na dalawang araw pa lang ang lumipas simula ng magkita kami.
He looks like a bad boy that will ruin every girl's life and dream. He has aware that I don't like him even he always smiles at me. He is out of my league. I don't want a wealthy man anymore in my life. A rich man is a symbol of my father's wrath.
Pagpasok sa bahay agad kong inilipat ang itlog na nasa kanan ko sa kaliwang kamay ko. Hinawakan ko ang dulo ng pinto ng kubo at binigyan pa ng huling sulyap si Gamble na nakatayo lang sa labas ng bakuran.
"Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako—"
Sinara ko agad ang pinto ng bahay namin ni Ronnie. Mas gugustuhin ko na makakilala ng lalaki na tahimik at mahirap pero may pagsisikap naman. Na-miss ko na naman ang boyfriend ko. Dadalawin ko siya pagkatapos kong kumain.
Naglakad ako papunta sa maliit na kusina na may hapag kainan na rin. Inilagay ko ang ang itlog sa kaldero kung saan ko pakukuluan ang itlog.
Isinabit ko na ang kaldero at sinindihan ang mga kahoy na nasa ilalim nito gamit ang ligher ni Ronnie.
"s**t! s**t! s**t!"
Mabilis akong napatakbo sa pintuan ng kubo namin at nasaksihan ko si Gamble na nagtatatalon habang hinahabol siya ng tatlong manok ni Ronnie.
Nagpantay ang labi ko at humakbang palapit sa kanila. Kinuha ko ang lalagyanan ng pagkain nila at itinapon ito malapit sa bahay nila.
"Chiken 1, 2 and 3. Kain muna kayo."
Mabilis naman na nagtalbugan ang mga pwet nila at naglakad palapit sa pagkain nila. Naghahanap na naman siguro sila ng mga kalaro nila. Si Ronnie lang naman ang kalaro nila.
"Ang kukulit ng alaga mo." Napalingon ako kay Gamble na hinihingal habang nakatayo.
"Umalis ka na kasi," mahinahon na saad ko sa kanya.
Hindi na sana siya tinuka-tuka ng mga manok namin ni Ronnie kung hindi sana siya nagtagal dito.
"Dito lang ako. Aantayin ko na magbago ang isip mo. Wala rin naman akong gagawin. Iniiyakan kasi ang ng kapatid ko dahil hirap na hirap siya sa pananagalog."
Umiwas ako ng tingin sa kanya at binatuhan ulit ng mga pagkain ang mga manok. Bakit kaya hindi siya ang magturo sa sarili niyang kapatid. Wala rin naman siyang ginagawa.
"Mabait ang kapatid ko. Malambing at pala-kaibigan. Naiinis lang sa kanya ang iba dahil maarte raw siya pero kapag kinilala mo ang kapatid ko, maiintindihan mo na hindi siya maarte. Magkakasundo rin kayo ng kapatid ko dahil... Konti lang ang kaibigan niya."
Outcast. Sinasabi niya na katulad ko ang kapatid niya?
"U-Umalis ka na."
Alam ko naman kung ano ako at kung ano lang ang mayroon ako. Hindi ko kailangan ng bagong tao na katulad ko.
"Forty thousand per session. Tuturuan mo lang ang kapatid ko—"
"Alis," madiing saad ko ng hindi siya nililingon.
Kailangan ko ng pera para kay Ronnie pero hinding-hindi na ako gagawa ng hakbang para mapalapit sa mga mayayaman. Hindi na ulit. Umalis na ako sa kamay ng Daddy ko na binibigyan ako ng maraming gamit at magagandang damit pero puro sakit naman ang abot ko.
"Subukan mo lang, Lyanne. Isang araw mong subukan. Kung hindi mo talaga gusto ang magiging trabaho mo pwede kang umalis—"
"Ano ba talaga ang gusto mo?" Humarap ako sa kanya na blangko ang tingin. "Sabihin mo na lang..."
Mayaman siya. Madali lang sa kanya na makahanap ng makakatulong sa kapatid niya kaya bakit ako pa?
"I know that I bother you so much, but I want to tell you that the night that I saw you on the road gives me a million heartbeats. I know it's weird, but somehow, I want you," he said.
Does he want me? Wants me to be what? To be miserable again? To get into a life that I don't want to?
"And I don't want you, Gamble," I answered straight to his face.
I don't want to assure him, so I honestly said to his face right now. A woman like me doesn't have time with him. I am contented with me being an independent woman and still trying to do my best.
"I know you don't want me. I am new to you, and I can always see your face how loathing you are with every person that will talk to you. I know that there is something from your past, and I don't want to open up to your past not until you start knowing that I do not do harmful things," he sincerely said.
Ang dami niyang sinasabi pero isang lalaki lang ang alam kong kayang magparamdam sa akin na hindi dapat ako matakot. Si Ronnie lang 'yon.
""This is how my affections work, Lyanne," he mumbled.
His affection makes me sick to death.
"I have a boyfriend." I turn him down. "Stop whining me anymore."
Sorrow clouded his features. He's bored, and I am the one that he saw that he could be bothered. I don't want any attention. His attitude that good to me is momentary only. I know that he will be like my father after pretending that he is good to me.
"Let's be a good friend."
Siya ang kauna-unahang tao na nag-alok sa akin na maging kaibigan ko. Problematic akong tao. Hindi niya kayang i-handle ang emosyon ko. Sino ba ang may kaya? Kahit si Ronnie, nahihirapan sa akin minsan.
"Sa iba mo na lang 'yan i-alok. Sana hindi ka na rin bumalik dito."
Kinakabahan ako dahil sa kanya. Sunod siya nang sunod sa akin. Hindi siya dapat paikot-ikot sa paligid ko.
"Lyanne, mahirap pigilan ang taong may gusto..." nabitin sa hangin ang sasabihin niya
Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko rin naman gustong marinig siya. Ang gusto ko lang ay hayaan niya ang buhay ko na mag-isa lang ako at tahimik.
"Ayos ka lang ba talaga? Mag-isa ka lang?" Napatingin siya sa likod ko kung nasaan ang kubo namin.
Mag-isa nga lang ako pero mas ayos na ayos ako sa buhay ko ngayon. Pakiramdam ko nakalaya ako mula sa mga sarili kong pamilya.
"Tama na sa pakikialam sa buhay ko," walang ganang saad ko.
Wala siyang parte sa buhay ko. Ano pa ba ang sasabihin ko para lang mawala na sa landas ko ang lalaking 'to? Ang nakasalubong ko sa madilin na daan. Ang lalaking hininto pa talaga ang sasakyan para lang masilip ako.
"Babalik ako rito bukas," aniya.
My jaw dropped. Ano ba talaga ang iniisip niya? Hindi ba niya naririnig ang mga sinasabi ko sa kanya? Lahat ng bitawan kong salita sa kanya ay ginagawa niya ng pabaliktad.
Hindi ba talaga madaling makaintindi ang mga taong matagal na sa labas?
"Wala ako rito," saad ko para hindi na siya pumunta pa.
"Saan ka naman pupunta?" tanong niya pa sa akin.
Bakit ko naman sasabihin sa kanya? Mamaya sumunod-sunod na naman siya sa akin kung saan man ako magpunta e.
"Umalis ka na—"
"Maghihintay na lang ako sa'yo bukas dito. Babantayan ko muna ang bahay mo habang wala ka. Sandali ka lang naman siguro," nakangiting sambit niya at namulsa pa ang dalawang kamay.
Matigas ang ulo niya. Wala na akong magagawa kung mamugto ang mga mata niya sa kakahintay sa akin. Hindi ko naman siya intusan na hintayin ako. Ang galing niya lang magsayang ng oras.
"Mag-ingat ka kung saan ka man pupunta bukas, Lyanne. Hihintayin kita para alukin ulit bukas. Hindi ako titigil hanggang sa mapapayag na kita. Alam kong lalambot ka rin sa akin kahit na kung makatingin ka sa akin parang galit na galit ka sa akin. Sa pagtanggap mo rin sa alok ko, alam kong matutulungan kita sa nangyari sa nakaraan mo."