Maxine Lyanne's POV Hindi ko na kailangan ng assurance. Sa dami ba naman ng ipinakita niya sa akin. Lahat 'yon sobra-sobra na. "Sobrang saya ng araw na 'to," natatawang saad ni Fastia. Pare-parehas kaming naglalakad pauwi sa bahay. Mas gusto ni Fastia na maglakad na lang para mahaba ang oras. Isa pa, naiwanan din namin ang mga sinakyan naming kabayo sa itaan ng burol. "Na-miss ko talaga ang zippline. Thank you sa pagsama!" masayang-masaya saad niya. Parang hindi pa siya pagod pagkatapos ng ilang akyat at sakay na ginawa niya sa zippline. Iba talaga kapag energetic kang tao. Parang sobrang hirap kang tatamaan ng pagod. "Kaya palagi kang pinapayagan ni Daddy sa mga ganyan mo," saad ni Gamble na nasa likod namin ni Fastia. "Yeah, I know naman, Kuya. Gusto ni Da