Maxine Lyanne's POV Paano nga ba nasusukat ang isang pagmamahal ng tao? Parang hindi naman nasusukat 'yon dahil may iba't ibang klase ang mga tao kung paano nila iparamdam na mahal nila ang isang tao. Kaya hindi ako naniniwala na 'yong pagmamahal ni Gamble sa akin ay mas malaki sa pagmamahal ni Ronnie. Malayo sila sa isa't isa. Malaki ang pagkakaiba nila. "Ngayon ko lang na feel ang pagod ko." Napatingin ako kay Fastia na nakahiga pa rin sa kama. Nakaligo na ako pero siya nakahiga pa rin. "Super happy ko sa zippline kahapon kaya ngayon ko lang na feel na pagod ako," aniya. Lumapit ako sa gilid niya at inayos ang comforter sa ibabaw niya. Alam ko na pagod na pagod nga talaga siya. "Gusto mo na bukas na lang tayo mag-aral?" nakangiting tanong ko sa kanya. Ma