Episode 05

2013 Words
Maxine Lyanne's POV   Paulit-ulit na dumadampi ang mga daliri ko sa ibabaw ng lamesa na naglilikha ng maliliit na ingay. Pagod na ako sa kakaikot sa Escajeda para makahanap ng maayos na trabaho na magagawa ko ng maigi pero wala talaga.   Kahit sa mga maliit na negosyo, hindi ako nakapasok. Tinitignan pa lang nila ako pero nasasabi na agad nila na wala akong kayang gawin. Tingin nila sa balat ko, napakinis at puti pero hindi naman nila alam na may peklat din ako.   Napakaraming peklat na tanda ng mga masalimuot kong napagdaanan.   "Maxine!" Napatayo kaagad ako sa silya ko at naptakbo kay Ronnie na nakaposas ang dalawang kamay.   Itinaas niya ang braso niya at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Ibinaba niya ang braso niya at hinagkan din ako pabalik.   "Miss na miss na miss na kita." Isinubsob ko ang mukha ko sa tapat ng dibdib niya na mabilis ang kabog.   Naramdaman ko na nangayayat siya dahil sa pagkakayakap ko sa kanya. Inalis niya ang braso niya sa akin at napalayo naman ako. Hinawakan ko ang braso niya at naglakad kami papunta sa silya.   Naupo kami magkatapi at hindi ko na binitawan pa ang braso niya.   "Kumusta ka?" nag-aalala niyang tanong sa akin.   Napasandal agad ako sa balikat ko. Ayoko nang sabihin pa sa kanya lahat ng nararanasan kong hirap nang mawala siya. Mas lalo lang siyang maraming iisipin.   "Ayos naman. Inaalagaan ko ang bahay natin at ang mga alaga nating manok. Araw-araw ko rin dinidiligan ang mga halaman natin," masayang saad ko.   Ang pagkausap na lang sa kanya ang nagpapasaya sa akin ngayon. Lahat ng mga iniisip kong problema, naglalaho dahil sa kanya.   "Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. Makakalaya rin ako rito," nakangiting saad niya.   Sana nga mas mapabilis ang pagkakalaya niya. Kapag nakita ni Gamble na may kasama na ako, siguradong titigilan na niya ako. Ang tingin kasi sa akin ni Gamble ay isang mahinang babae na kailangan siya. Hindi ko siya kilala at wala  akong alam sa nakaraan niya kaya bakit naman ako sa kanya hihingi ng tulong?   Ayoko na rin magkaroon ng utang na loob sa kahit na kanino pa dahil baka isumbat lang sa akin. Gaya ng Daddy ko na palagi na lang sinusumbat sa akin ang lahat.   "Kumakain ka ba sa oras? Kumakain ka naman ba ng maayos?" malambing na tanong niya sa akin.   Napapisil ako sa braso niya dahil nag-aalala na naman siya. Alam ko na ako nang ako ang iniisip niya habang nasa selda siya. Tulad ko, siya rin naman ang iniisip ko.   "Maayos ang lagay ko sa labas, Ronnie. Nakakakain ako ng maayos—"   "Delikado ang mga tao lalo na sa'yo. Huwag kang magtitiwala sa kung kani-kanino, Maxine. Ingatan mo ang sarili mo na hindi masaktan. Ingat na ingat ako sa'yo kaya ingatan mo ang sarili mo. Mahal na mahal kita. Antayin mo ako sa bahay natin."   Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Kaya hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano si Ronnie. Siya lang ang nagparamdaman sa akin na kamahal-mahal din ako.   "Mag-iingat ako para sa'yo at hihintayin kita sa bahay natin. Gagawa rin ako ng paraan para makalaya ka—"   "Huwag na, Maxine. Huwag mo ng pagurin ang sarili mo. Ako ang gagawa ng paraan para makabalik ako sa'yo. Hintayin mo lang ako."   Tumango na lang ako pero hindi pa rin ako hihinto. Gusto ko na matulungan pa rin siya. Boyfriend ko siya at hindi niya lang naman problema 'to.   "Mahal kita, Ronnie kaya ingatan mo rin ang sarili mo rito," sambit ko.   I want to see him being free from here in jail. He's not the wrong person that needed to be here. I know, my man. Ronnie is not the type of person that will do something. He even stop smocking for me because.   "Mag-iingat ako para sa'yo. Umuwi ka na bago ka pa abutan ng gabi. Mag-iingat ka sa daan," aniya.   Inalis ko ang ulo ko sa pagkakasandal sa balikat niya at hinalikan ko ang labi niya.   "Ayoko pang umuwi—"   "Maxine, delikado kapag umuwi ka ng madilim na. Alam mo naman na hindi ako kampante na naglalakad ka sa gabi."   Tumango ako sa kanya at sabay kaming tumayo. Labag man sa kalooban ko na umalis, gagawin ko pa rin para lang hindi na siya mag-alala pa.   "Huwag mong kalimutan na isara ang mga bintana at pintuan bago ka matulog, Maxine. Wala ako sa tabi mo kaya mag-ingat ka mabuti."   Tumaas ang nakaposas niyang mga kamay at lumapat ito sa pisngi ko.   "Dadalaw ulit ako sa'yo—"   "Huwag na." Napatingin siya sa paligid ng visiting area. "Hindi ko gusto ang tingin sa'yo ng iba rito. Gawin mong madalang ang pagdalaw sa akin."   Napatango muli ako sa kanya. Hindi rin talaga ako komportable rito sa lugar na maraming kriminal. Kaya hindi ko rin maiwasan na mapuyat sa kakaisip kay Ronnie. Nasa lugar siya na maraming kriminal at ang iba pa sa mga tao rito ay nakapatay na.   "A-Aalis na ako..." malungkot na sambit ko.   Parang nauubos ang lakas na mayroon ako kapag siya ang kasama ko sa tuwing malalayo na ako sa kanya.   "Ingat palagi." Tumango ako at naglakad na palayo sa kanya.   Napapisil ako sa palad ko. Sobrang lungkot. Nabalot na naman ng kadiliman ang buhay ko. Muli akong lumingon sa kanya at ang ngiti niya agad ang nakita ko.   Ngiting pilit ang ginawa ko at tumalikod na muli sa kanya. Mahirap ang buhay pero dapat na kayanin. Alam ko naman na darating ang araw na hindi na ako magiging ganito kalungkot at alam kong siya ang kasama ko.   Lumabas ako ng visitor's area at mabilis ang mga paa na humahakbang paalis. Iba ang tingin sa akin ng mga pulis kaya ng makalabas ako nakahinga na ako ng maayos.   Napalingon pa ako sa prisinto bago humarapp sa kalye at tumawid na. Maglalakad lang ako pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin.   Magdidilim na nga at wala na rin naman akong masasakyan na tricycle. Nakakatakot pang sumakay ng tricycle dahil baka mamaya kung saan pa ako mapunta.   Napabuga ako ng hangin at mas binilisan pa ang paglalakad para hindi na abutan ng dilim. Mamaya kung sino pa ang masalubong ko katulad noong nakaraang araw kay Gamble.   Natanaw ko ang kubo namin kaya binagalan ko na ang paglalakad ko. Nakita ko sa tapat ng kubo ang nakapara na itim na kotse.   "Naghintay talaga siya?" gulat na saad ko.   Hindi ko akalain na totohanin nga talaga niya na maghihintay siya hanggang sa makauwi ako. Malaki nga talaga ang kailangan niya sa akin. Hindi naman siya maghihintay sa akin ng ganyan katagal.   "Lyanne!" Tuwang-tuwang ang kanyang mukha ng makita ako.   Mabilis ang hakbang niya palapit sa akin kaya huminto ako sa paglalakad ko at napatingin sa paa niya. Bigla naman siyang huminto.   Nagtaas ang tingin ko sa kanya na nag-aalinlangan na.   "Mabuti naman nakauwi ka na," masayang saad niya. "Kumain ka na ba?"   Hindi ako makakibo dahil gulat na gulat pa rin ako na nandito siya sa tapat ng bahay ko at naghihintay.   "Kumusta ang lakad mo?" tanong niya pa sa akin.   Nang hindi ko na naman siya sagutin bigla na lang niyang inilagay ang mga kamay niya sa likuran niya.   "Sorry if I have plenty of questions for you," he said.   I shake my head and walk away from him. I am so tired from today. I walk so much today. I need to take a rest.   "Let's eat first. I bought food for us," Gamble declared.   I stop walking and look back at him. He's done this all because he wants me too much. He has a face! He has money, so why did he wasted his time bothering me?   "Ikaw na lang," sagot ko.   Wala na akong ganang kumain at gusto ko na lang mahiga sa kama namin. Kakalayo ko lang sa lalaking mahal ko kaya paano ako magkakaroon ng gana na kumain?   "You looked pale. You need to eat. I know you are tired because of the exhaustion in your face, but you need to eat. If you don't eat, you can catch a fever."   He's too worried about my face, but he didn't bother to be concerned about his face. He looks tired too, waiting for me.   "I'm okay—"   "No, you are not okay, Lyanne" he interrupted me.   Bakit ba nag-aalala pa siya sa akin? Kailangan niya lang naman ako para pakinabangan sa kapatid niya o sa kung saan pa man na binabalak niya. Tunay na nakakatakot ang mga tao. Mas nakakatakot sa mga kulam, elemento at multo ang mga tao.   Kayang magpanggap ng mga tao na isa silang mabuti at may magandang hanggarin. Mabuti na lang marami na akong natutunan sa bahay ng Daddy ko.   "Tumigil ka na," mahinang utos ko sa kanya.   Hindi ba siya nagsasawa sa pangungulit sa buhay ko kahit na paulit-ulit ko lang din siyang pinapaalis? Mukhang malaking mapapala ni Gamble sa akin dahil hindi siya basta-basta na tumitigil sa pangungulit sa akin.   "Gusto ko ng katahimikan..."   "Sumama ka sa akin at hindi lang katahimikan ang makukuha mo—"   "Hindi," madiing sagot ko.   Mukha bang sasama ako sa isang estrangherong lalaki na sunod nang sunod kung nasaan ako? Pangalan niya lang ang alam ko at hindi ang pagkatao niya. Hindi rin maganda na sumama ako sa isang lalaki lalo na at may lalaking mahal na mahal na ako.   "Maayos na buhay ang ibibigay ko sa'yo basta maturuan mo lang ang kapatid ko—"   "Hindi," muling sagot ko.   Hindi ako magtratrabaho sa kanya. Kahit na magkano pa ang sweldo kung hindi naman pala ako komportable sa kanya, wala rin. Hinding-hindi ko rin iiwanan ang bahay na 'to. Kay Ronnie ang bahay na 'to at dito niya ako babalikan kapag nakalaya na siya.   "Lyanne, kailan ka ba manghihingi ng tulong—"   "Walang gano'n na mangyayari," seryosong sagot ko sa kanya.   Hinangin ang buhok niya na abot hanggang batok. Hinawi niya ang buhok niya at napaiwas ako ng tingin sa mukha niya.   Hindi ako aasa sa ibang tao lalo na sa hindi ko naman talaga kilala. Huling hiningan ko ng tulong anng kapatid ko sa bahay pero pinaglaruan niya lang ako.   "Why are you so hard on yourself? To the people that have good intentions?" He frowned.   He does not know me. Gamble knew my name, and that's it. I'm not a complex person. I am just protecting myself from the people.   "Who are you to ask me like that. You don't even know me, Gamble—"   "Kaya nga gustong-gusto kita makilala. Alam kong walang masasayang kung kikilalanin kita. Unang tingin ko pa lang sa'yo nagkaroon na agad ako ng interes sa'yo. Sa mga mata mo na puno ng lungkot—"   "Tama na," pigil ko sa kanya.   Hindi ako malungkot. Mag-isa lang ako pero hindi ako malungkot. Mas malungkot ako noong nasa bahay ako ng Daddy ko at ngayon malaya na ako.   "Magpapahinga na ako," saad ko pa.   "Sandali," pigil niya sa akin.   Napatingin ako sa mga paa niya na gustong humakbang palapit sa akin. Huwag na huwag siyang lalapit sa akin dahil matatakot talaga ako lalo na kapag hinawakan niya ako.   "Ipasok mo na lang sa bahay mo ang pagkain na binili ko para kung magutom ko sa gitna ng gabi," nakangiting sambit niya sa akin.   Masyado siyang maraming ginagawa para sa akin.   "Iuwi mo na lang ang binili mo—"   "Kaya ang payat-payat mo. Puro gulat ang nakatanim sa bakuran mo pero parang wala kang laman."   Napatalikod kaagad ako sa kanya dahil hindi ko na gusto ang sinasabi niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ako. Nasanay ako na hindi kumain kahit na gusto ko naman noon.   Kapag galit sa akin ang Daddy ko, hindi niya ako pinapakain buong araw. Kahit na gutom ako, hindi ako pwedeng magreklamo.   "Lyanne, babalik ulit ako bukas. Alam kong magiging magaan din ang loob mo sa sarili mo at sa akin. Hindi ako titigil."   Huminto ako sa paglalakad ko ng makarating ako sa pinto ng bakuran ng bahay namin.   "Mapapaniwala rin kita na hindi masama ang dala ko sa'yo."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD